e 48

453 26 2
                                    

elocin

Gaganti daw sus! Sinarado ko na ang pinto saka pinatong yung plato sa lamesa at agad kinain yung shanghai. Saka tumikim din ako sa spaghetti, gagi ang sarap! Matamis hehe.




Tinakpan ko muna yung pagkain saka ako bumalik sa sala at kinuha ang phone ko. May isang text don.




From : glenn q

Elocin, nandito ako sa labas.




Glenn q pa pala ang nakalagay na contact name nya dito. Pero teka, nasa labas sya? Bakit?!




Agad kong inayos ang sarili ko saka lumabas. Nakita ko syang nandun sa may tapat ng gate namin. 6 na, ano naman kaya ang naisipan ni glenn at pumunta sya? Saka ang tagal na namin di nag-uusap.




Agad kong binuksan ang gate kaya napatingin sya. "Hi glenn, pasok." yaya ko sa kanya.




Pero nakatingin lang sya sakin. Kaya hindi tuloy ako mapakali, "B-bakit glenn? May problema ba?"




Nagulat ako nung pumasok sya at niyakap ako. Ang higpit ng yakap nya at halos madurog nako. Pero ayos lang naman, para kasing may problema si glenn.




"I miss you.." malungkot na bulong nya sakin saka humiwalay sa yakap. Kumamot sya sa ulo nya. "Pasensya na, tagal natin di nag-usap."




Napa-kurap pako ng ilang beses saka ngumiti, "Nako, okay lang yon glenn. Pasensya na rin."




"Hindi ko kasi alam kung pano kita kakausapin pagkatapos natin mag-usap sa park," kinagat nya ang ibabang labi nya. "Pero nung nginitian moko pabalik kanina, naging magaan ang pakiramdam ko. Hindi ko kasi alam ang nararamdaman mo, akala ko naiilang ka sakin."




Awkward na tumawa ako, "Bakit naman? Hindi naman ako naiilang, saka ako rin. Di ko rin alam kung pano kita kakausapin simula nung mag-usap tayo sa park."




Tumawa lang sya saka ginulo ang buhok ko. "Kumain kana?"




Tumango naman ako, "Ikaw? Kain ka dali, may spaghetti dyan?"




Tumango naman sya. Ngayon ko lang napansin na naka jersey shorts sya at saka white tshirt. Naka rubber shoes din sya. "Nagbasket ball ka?" biglaang sabi ko.




Napatingin naman sya sa suot nya saka tumango. "Oo."




Niyaya ko na sya papasok kaso biglang dumating si patrix. "Hoy babae!"




Lumingon ako kay patrix pero si glenn nanatiling nakatingin sa pinto. "Bakit?" tinaasan ko sya ng kilay.




"Glenn?" sabi ni patrix kaya humarap sa kanya si glenn. Tumaas ang kilay ni patrix, "Ano ginagawa mo dito?"




"Pake mo?" ako na ang sumagot at inirapan sya. "Bakit moko tinawag?"




Dali-dali naman sya pumasok sa loob ng gate namin, aba kapal ng mukha! Di ko naman sya pinapasok! Pinakita nya sakin yung fruit salad. "Eto, ibibigay ko sana ulit."




enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon