e 44

437 28 0
                                    

elocin

"Glenn." agad na tawag ko kay glenn nang makita ko sya sa may swing.

Agad syang tumayo saka huminga ng malalim. Nakagat ko naman ang labi ko.


Tinext nya ako na pumunta dito sa may playground ng subdivision namin. 5 na ng hapon at talagang sobrang lakas ng hangin. Pero nandyan pa rin ang liwanag ng araw pero di na mainit. "Uhh..."

Nanatili pa rin nakatingin sakin si glenn, naka-uniform pa rin sya at nililipad ng hangin ang buhok nya. Nakabukas ang dalawang butones sa uniform nya, yung bag nya nandon lang sa swing.


Agad akong umiwas ng tingin, dahil malakas ang hangin, nililipad ang buhok ko at nakakain ko na. Kaya itatali ko na sana ng pumunta bigla sa likod ko si glenn at sya ang gumawa non. Halos mamatay ako sa kaba.


"Nasan na yung tali mo?" agad ko naman binigay sa kanya yun. Tinali nya ng bun yung buhok ko, pero dahil na rin sa hangin at saka di sya ganun marunong magtali kaya naging messy bun.


Tinignan nya ako at pilit na ngumiti ako. Agad syang ngumiti na syang ikinagulat ko. "You're pretty." agad nag-init ang pisngi ko nang sinabi nya yun.


Tumikhim sya, "Pasensya na sa inakto ko nung isang araw. Masyado lang ako naguluhan," kinagat nya ang labi nya. "Elocin...pwede ba na.."


"Na?" sabi ko saka yumuko, ayokong makita ang magiging itsura nya dahil malulungkot lang ako.


"Pwede bang linawin mo na? Gusto mo pa rin ba ako? Ako pa rin ba yung long time crush mo? Or hindi na? Or si patrix na ang gusto mo?"


Agad akong napatingin sa kanya saka kumunot ang noo ko, "Bakit nasama si patrix dito? Kahit na kailan hindi ko nagustuhan ang baklang yun."


Tumahimik sya saglit saka tumango, "So..hindi mo nako gusto?"


Agad kong nakagat ang labi ko, at nags-start nanaman ako maluha. "Glenn.....pasensya na," agad kong pinunasan yung luhang pumatak. "Naguguluhan din ako, naguguluhan ako nitong mga nakaraang araw.." at tuluyan nakong umiyak.


Yumuko lang sya saka ako niyakap. Amoy na amoy ko yung pabango nya dahil yakap na yakap sya sakin ngayon. Agad din naman ako natigil sa pag-iyak at naisipan na lang namin bumili ng kwek-kwek saka palamig sandali at saka kami bumalik sa swing.


Nakain lang kami parehas at walang nagsasalita. Unang natapos kumain si glenn at pagkatapon ko ng akin, ginulo nya ang buhok ko. "Elocin,"


"Po?"


"I really like you, I really do." tumigil sya saglit at parang pinagiisipan pa ang sasabihin nya, "Thank you for liking me also for a very long time. Sorry kung ngayon ko lang nagawang ibalik lahat ng mga bagay na ginagawa mo sa akin."


"Salamat sa mga cookies at iba pang pagkain na ibinigay mo sakin. I always wonder why you like me, kung anong nakita mo sakin. It was amazing how brave you are para i-confess yun sa harap ko."


"And it's always amaze me too na you like me for too long. Take care. I like you so much, elocin."


Natulala ako sa likod ni glenn na lumalakad na palayo. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, agad akong napahawak sa dibdib ko.


Nainis ako sa sarili ko, kung kailan nako crinush back ni glenn saka naman ako na parang nawalan ng feelings. Bakit ganun ang sinasabi sakin ni glenn? Hindi ko na ba sya makikita?






Dumaan ang isang linggo pero di nako pinansin ni glenn simula nun, ang awkward na rin. Kahit si patrix di ko rin masyado kinakausap dahil lagi nya kasama si blyne at wala naman ako pake duh.



"Hoy alis na kami elocin! Kaya mo naman na ulit mag-isa dito duh." sabi ni esa saka na naunang tumayo.



"Wag! Wag nyo'kong iwan!" nagkunwari pa akong umiiyak.



"Ang chaka mo!" sabi ni gela saka na rin tumayo.



Hinatid ko lang sila sa may labas, "Ingat! Mga tanga pa naman kayo! Bye mga beh, love you!"



Wala si jhane kasi di daw sya pinayagan so yung dalawa lang nakapunta. Wala kasi si mama hanggang mamayang gabi dahil busy sya sa shop.



Agad naman ako napa-iwas ng tingin ng makita ko lumabas si patrix at nagtapon ng basura. Napatingin din sya sakin saka ako inirapan. Napa-singhap naman ako sa ginawa nya, lokaret 'tong shoklang 'to!



Pumasok na lang ako sa loob at natulog. Mga bandang 6:30, sobrang dilim na sa loob ng bahay kasi di naka-bukas yung ilaw tapos may kumakatok pa. "Saglit lang!"



Agad kong binuksan ang ilaw at binuksan ang pinto at ang shokla dire-diretso sa pagpasok, "Close tayo teh?" sabi ko saka sinarado ang pinto.



Umupo lang sya sa sofa, "Buksan mo naman tv, manonood ako."



"Ay, wow. Bahay mo 'to? Wala ba kayong tv sa inyo?"



"Ang highblood mo! Ikaw na nga itong sinasamahan! Saka eto may dala akong nuggets at fried chicken, dali movie marathon tayo." sabi nya saka nilapag yung baunan sa may maliit na desk sa gitna ng sala namin.



Agad akong napa-irap, "Bat hindi si blyne ang yayain mo?"



Agad syang tumikhim, "Wala na kami."



Napanganga naman ako sa sinabi nya, "Ha? Bakit? Kailan pa?"



"Chismosa ka talaga teh 'no?" agad nya kinamot yung ilong nya. "Basta, wala na kami. Mag-iisang linggo na."



"Anong dahilan?"



Di naman sya umimik na kaya di ko na lang sya pinilit. Nagsimula sya kumain at binuksan ko yung tv, magnenetflix na lang kami.



Umupo ako sa tabi nya saka kinuha yung baunan na puro nuggets ang laman. "Akin na 'to sis."



"Kapal ng mukha mo! Hatian mo naman ako dyan kaya ka tumataba e."



"Di ako mataba!"



Inirapan nya ako saka na sya kumain ng fried chicken, pinanood na lang namin yung Girl from nowhere. Nainspired naman ako mag-bangs. "Hoy patrix, tingin mo bagay sakin mag-bangs?" Tinaas-taas ko pa yung kilay ko.



Tinignan nya ako ng ilang minuto at di nagsalita kaya sumimangot na lang ako saka kumuha ng nuggets.



"Bagay naman, pero mas bagay tayo."














------------------------------

one chapter to go! ((: epilogue na guys, love u all!






enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon