e 46

383 25 0
                                    

elocin

"Baka di ako makapagtimpi."





Natanga ako sa sinabi ni patrix. Ha? Ano ba pinagsasabi nitong baklang 'to? Anong di makapagtimpi? Agad kumalabog ang puso ko at mas natulala pa kay patrix. Konti na lang talaga at iisipin kong lalake na sya. Pero pwede mangyari yon! Naging sila ni blyne kaya ibig sabihin kahit papano attracted sya sa girls pero lagi rin naman nya sinasabi na maganda sya. Tingini.





Nagkunwari akong umubo, "Patrix, an-"





Di na natapos yung sasabihin ko ng halikan nanaman nya ako. Sabi ko lalaban ako pero walanghiya, wala na ata ako magagawa.





Kumapit ako sa balikat nya at nagresponse sa halik nya. It was a soft & sweet kiss, katulad ng dati. Ingat na ingat.





Humawak sya sa bewang ko at mas nilapit ako sa kanya. Kailangan ko pa itangkayad ng onti ang paa ko dahil mas matangkad sya sakin, at grabe na ang adjust.





Hinawakan ko ang buhok nya at pinaglaruan yon at mas nilapit pa sya sakin pero bigla syang humiwalay.





Nahihiyang tinignan ko sya at saka ako tumingin sa baba. Gagi nakakahiya. Maharot ka elocin!





Huminga sya ng malalim, "Elocin."





"Hmm?" sabi ko at nanatiling nakatingin yung tingin ko sa baba.





Agad nya hinawakan ang baba ko at pinilit na tumingin sa kanya. "Sagutin mo nga ako, gusto mo pa rin ba si glenn?"





Tinanggal ko yung kamay nya sa baba ko saka ako umupo sa may sofa. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko, gusto ko pa ba talaga si glenn? Naguguluhan din ako. Nakakainis!





Nanatiling nakatayo si patrix sa may pinto at nakatingin sakin. Iniwas ko ang tingin ko saka kinagat ang labi ko. "Syempre, oo naman. Gusto ko pa rin si glenn."





Narinig ko syang bumuntong hininga, "Bakit hinahayaan mokong halikan ka?"





Agad akong napatingin sa kanya at sa totoo lang nagulat din ako. Bumilis ang tibok ng puso ko at di ko alam ang sasabihin ko.





Nakatingin din sya sakin, inoobserbahan talaga ang kilos ko. Para bang hinuhuli nya ako.





"Wag mokong titigan!" sigaw ko sa kanya dahil nap-pressure na rin ako. Kinginabels.





"Hindi mo sinagot ang tanong ko." umiling sya saka natawa. "I thought," tinignan ko sya at kinagat nya ang labi nya. "Nevermind."





Kumunot ang noo ko, "Bakit? Anong akala mo? Anong nasa isip mo?"





"Ang dami mong tanong, yung tanong ko nga di mo sinagot." malamig na sabi nya. "Siguro nga nag-assume lang ako."





"Anong nag-assume? Saan? Hoy!" sabi ko saka lumapit ulit sa kanya. "Patrix, ang gulo gulo gulo gulo mo kamo."





enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon