e 8

738 41 0
                                    

Elocin

"Hoy babaita. Masyado ka na yatang nageenjoy ha?"

Agad naman akong humiwalay kay patrix. "Gaga! Kinabahan kasi ako bigla. Tungunu, may lumabas ba naman na skeleton!"

Mas nainis ako ng tumawa sya. Aba gague talaga etong baklang toh kahit kailan! Pagtawanan ba ako?!

"Seryoso ka? Maka tungunu naman 'to HAHAHA."

Inis ko naman syang sinuntok sa may braso. Agad syang natahimik at sinamaan ako ng tingin. Dinilaan ko naman sya. Wait, parang ang laswa basahin hayuf.

"Nakakainis ka! Pag ikaw sinuntok ko dyan talsik ka ng super lakas! Mala red horse. Babaeng 'to."

Ako naman yung tumawa. "Hindi mo magawa? Bakla ka talaga!"

"Keme ka kamo! Baka gusto mo jombagin talaga kita at makita mo ang mala darna kong super powers?"

"Kadiri ka! Baliw ka nanaman. Ewan ko sayo!"


Umalis na lang ako saka tumapat sa may pintuan. Sumunod naman sakin si patrix. "Oy patrix! Gusto ko na talaga makalabas! Gusto ko na! Kaya tulungan moko dito!"

"Gusto ka ba? Puro ka gusto, gusto, e hindi ka naman gusto! Ewan ko sayo!" nagroll pa sya ng eyes.

Minsan ansarap na lang talaga mankonyat ng tao e. Ang dami pang dakdak! Imbes na tulungan na lang ako! Ayaw pa!

Hinila ko naman yung doorknob pero packing tape! Ansakit sa kamay! "Aray naman! Ansaket ha!"

"Ang shunga mo naman kasi girl. Bat kaya hinihila? Dat pinipihit! Shunga talaga!"

"Tanga ka! Kung ikaw kaya kaya gumagawa dito ng malaman mo! Parang baliw e. Sampalin kita dyan!" tinuloy ko na lang yung paghila sa doorknob pero wah epek.

Medyo napatalon naman ako ng maramdaman ko yung kamay ni patrix sa kamay ko din. Nasa likod ko pa sya! Para tuloy syang ka back hug sakin!

"Wag kang keme girl. Tinutulungan lang kita. Oke? One, two, three pull!"

Hinila naman namin yon ni patrix at ngena. Ang sakit lang sa kamay!

"Teka, teka, ang sakit! Wait." nagready muna ako saka ulit namin hinila.

Ang sakit lang talaga sa kamay! "Ang sakit sa kamay naman bakla! Sinasadya mo ata e!"

"Gaga hindi ah! Oh sige ganto na lang. Hahawakan na lang kita sa waist mo okay? Tutulungan kita sa paghila."

Tumango na lang ako kahit hindi ko nakikita yung mukha nya. Naramdaman ko naman yung kamay nya sa may bewang ko. Medyo akward nya pa nga na nilagay yon.

"Okay na? Start na! One, two, three staaaaart!"

Hila lang kami ng hila ni patrix. Minsan nayayakap pako ni patrix dahil sa impact ng paghila namin.

Pawis na pawis na nga kami hanggang sa malapit na. Ayaaan na!

"Konting hila na lang patrix! Ayaaaan naaaaaa! Waaah-ARAY!"

Talsik kami don ah. Kaya ang ending nakaupo ako ngayon sa lap ni patrix at nakahawak pa sya sa may bewang ko.

Pero mas nagulat ako ng nakita ko si glenn at yung mga kaibigan ko at kaibigan ni patrix at pati si kuyang laging nagtatambol! Kaines! Bat ba nandyan sila sa may tapat ng pintuan?!

Agad naman akong tumayo at pumunta na sa kanila. Ni hindi ko man lang tinulungan makatayo si patrix na pinagsisihan ko kasi tinulungan sya ni glenn! Huhu.

"Nyaaaay. Anong kabaliwan yun elocin?! Bat nakaupo ka sa lap ni patrix?! HAHAHAH-ARAY!" pinalo ko nga itong si esa.

"Alam nyo, mga baliw kayo nuh?! Nakulong lang kami don. Period oke? Kaya naging ganun kasi nga nagtulungan kaming maghila ng pintuan! At dahil sa impa-ARAY ANO BA JHANE!"

"Weeeeh, dami mong palusot elocin! Oo na! Oo na! Sows. Tangge tangge pa e HAHAHA."

Natampal ko na lang yung noo ko. Wala talagang dulot 'tong mga 'to.

Binaling ko na lang yung tingin ko kay patrix na inaasar na din ng mga kaibigan nya.

Hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala si glenn, "Okay ka lang? Nakuha mo na yung hinahanap nyo? Sorry ha? Nasarado ko yung pinto."

"Hindi yon okay! Bwiset ka!" gusto ko sana yan sabihin kaso wag na lang.

Ngumiti ako sa kanya, "Okay lang. Saka oo! Nahanap ko na yung nahahanap ko kaso, puro alikabok at punong puno na ng dumi kaya hindi ko na lang din kinuha."

Tumango tango naman sya. "Bubuksan na sana namin kasama itong si kuya kaso biglang bumukas. At nakita namin na nakaupo ka sa lap ni patrix. Yiee, anong nangyari?"

Parang gusto ko sampalin si glenn. Asarin ba naman ako? At may pa yiee yiee pa! Tingini talaga! Sya yung krass ko!

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon