e 15

690 39 0
                                    

Elocin


"AYAN HA MAY SOMETHING PALA AH! AKALA KO BABAE DIN SI PATRIX?! YIIIE!"

"AKALA KO KWASS NI ELOCIN SI GLENN?? AYIEEE SILA NAAAA!"

"ELOCIN AND PATRIX SITTING ON THE TREE K-I-S-S-I-N-G!"

Gusto ko sungalngalin yung mga bunganga ng classmate ko. Ang galeng talaga nila mangasar!

"Ikaw ha, elocin ah. Ikaw pa nagyaya!" sabi ng classmate ko at napairap na lang ako.

"Seryoso ba kayo?! Niyaya ko sya sa conference kasi nga bubu-"

"YIEEEEEEEEEEEE AYAAAN NAAA!"

Galeng. Di man lang ako pinatapos magsalita. Lalo pa silang nagingay at dahil sa inis ko hinawakan ko yung kamay ni patrix saka na kami lumabas.

Nakakapagtaka kasi di man lang umangal tong si patrix sa sinasabi nila. Kaya binitawan ko na yung kamay nya at tinignan sya, "Hoy bakla, bat hindi ka man lang umangal kanina ha?! Loko ka ah!"

"Excuse me, correction loka hindi loko. Saka heller, masakit ang lalamunan ko kaya hindi ako umaangal pero deep inside gusto ko ng sumuka ng dugo."

Napanganga ako sa sinabi nya. "Kafal nang mukha mo!" sinakal ko sya. Actually kailangan ko pa mageffort dahil mas matangkad sya sakin.

Hinawakan nya yung kamay ko, "Ano ba! Bitawan mo nga akong babae ka! Ahh!"

Sinasakal ko sya at habang sya nakahawak sa kamay ko, at dahil mas malakas at mas matangkad sya ay naitulak nya ako at akala ko talaga lalapag na ang precious pwet ko sa sahig pero pinalupot nya ang braso nya sa waist ko para hindi ako mahulog.

Kung akala nyo na naging slow motion ang pangyayaring iyon katulad ng mga nasa kdrama ay hindi! Mali kayo! Ligwak!

Humawak na din ako sa may leeg nya at baka malaglag ako. Nakakainis nga lang kasi ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. At nakakainis yon!

Nung nabalik na ako sa ulirat ko ay tinulak ko sya at tahimik kaming pumunta sa conference.

"Oh buti naman na nandito na kayo." sabi ni sir at ngumiti. "Kanina ko pa kayo hinihintay e."

Nag sorry kami saka na bumunot. Water ang nabunot namin.

Kaya dali dali na lang kami pumunta sa classroom at in-announce ang theme na nabunot.

"Wait guys ha? Saan naman tayo gagawa ng costumes? Kung kila elocin kaya?" sabi ni pres.

"Samin na lang." biglaang sabi ni patrix kaya go. Jollibee talaga 'tong baliw na toh e.

"So, we have 2 weeks to do our eco rampa costumes. Sa loob ng 3 days kokompletuhin muna natin ang gagamitin para tuloy tuloy ang paggawa okay? Lahat ng tutulong ay ililista at magkakaroon ng plus grade. Kaya tuwing may gagawin, pumunta! Ngena! Wag aasa sa isang tao!!" sabi ulit ng president namin.

"Ano yon pres? Mangangalakal tayo?! Masaya yon!" sabi naman nung isang classmate ko.

"It depends. Kung meron naman kayo, pakibigay na lang if wala we have no choice so we need to do it."














It's saturday at eto ang araw kung kailan kami mangangalakal HAHAHA!

"Oy elocin! Nagugutom na ako! Sure naman akong mga talkshit yung mga yon! Kahit 1 ang call time ay 2 pa din sila pupunta." sabi ni gela saka nagkamot sa ulo nya.

"Eh, kakain mo lang ah! Ang takaw mo nuh! Di ka talaga nabubusog?!"

"Asahan mo pa yan si gela. Si gela? Mabubusog? Duh, himala yon!" nagsalita ang hinding shutay tomi na si jhane.

"Ang kapal ng mukha mo jhane! Ikaw din naman! Ang adik mo nga sa ice cream! Baliw ka." sabi ni esa sabay sabing, "Oh selfie muna bago magaway."

Nagposing muna kami pagkatapos ay nagaway na sila ulit ni gela at jhane.

"Oy teka elocin! Nakikita mo ba yon?! Si glenn at patrix oh!" tinuro pa nya.

Nakita ko naman na nakaakbay pa si glenn at nagtatawanan sila ni patrix. Grr. "Ginayuma talaga ng baklang yan si glenn ko!"

"Kailan pa naging 'ko' ang apilyedo ni glenn?! Oy hindi mo sya pagaari! Ano sya bakanteng lote?!" inis na binatukan ko si esa. "Aray naman elocin!"

"Watch ka dai, makikita mo. Masaya ngayon si patrix at kasama nya si glenn ngayon pero mababawi ko din yan HUWAHAAHHA!"

-------------

A/n: sabog nanaman utak ko.
:'>

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon