Elocin
"Bat ka nandyan? Gusto mo bang magkasakit?"
Nabalik yung ulirat ko nung sinabi ni glenn yon. Nanatili na lang akong nakatingin sa kanya at nagulat ako ng ilahad nya ang kamay sakin.
"A-ano yan?"
"Kamay." tas bigla syang tumawa. Napalunok tuloy ako. " Hawakan mo, itatayo kita dyan."
Dahan dahan ko namang hinawakan yon saka nya din ako biglaang tinayo kaya medyo magkalapit yung mukha namin, enebe pereng tenge.
Okay ganto, binabawi ko na. Gusto ko talagang si glenn ang gumawa sakin ne'to. Kaso parang nagaalinlangan ako kasi baka may gusto talaga sya kay patrix! Jusmeyo.
"Natulala ka nanaman."
"H-ha?"
Tas bigla nanaman sya tumawa, hala jusko wag naman ganyan. Wawarakin kita dyan e.
"Wala. Ang sabi ko, bat nandito ka? Nakaupo ka pa sa kalsada? Wala kang payong?"
"Ahm, ano bang gusto mong unahin kong isagot?"
Agad naman nya pinitik yung noo ko, aray ha mashaket pero masharap hehehe.
"Ihahatid na kita, baka magkasakit ka pa. Tsk tsk."
Tumawag sya ng tric so ayown, hinatid nya nga ako. Akward pa akong tumingin sa bahay nila patrix at sa kanya.
'Baka siguro nya ako hinatid kasi diretso na din sya kila patrix.'
Napabuntong hininga na lang ako. "Halika glenn, pasok ka."
Ngumiti naman sya saka pumasok din. Medyo nagulat ako kasi first time nyang pumunta dito! At nakakapagtaka pa is hindi sya umangal!
Kaya agad ko din syang sinundan. Wala si mama kasi alam kong naggagala lang kung saan kasi may iniwan naman syang note.
Hindi ko alam pero parang kinabahan ako bigla, qaque.
Una ko munang tinignan yung bag ko, hindi naman nabasa yung mga notebook ko! Yes!
"Bat ka nagpapatuyo elocin? Maligo ka na. Baka magkasakit ka na talaga nyan."
"H-ha?"
"Hakdog? HAHAHAHAHA."
Kumurap-kurap pako. Si glenn ba talaga yan?! Aba't sinabihan ako ng hakdog?! Kainin ko hakdog mo dyan raRw.
"Ah, oo. Maliligo na nga ako e hehe. Ikaw? Anong gusto mo? Juice? Or a-"
"Kahit tubig lang, okay na."
Ngumiti naman ako at ganon din sya. Kaya dali dali akong kumuha ng tubig saka binigay sa kanya.
Nagpasalamat naman sya saka ako naligo. Ilang minuto lang naman tinagal ko saka ako nagbihis.
Habang pinapatuyo ko yung buhok ko, sandali kong tinignan yung bahay nila patrix mula sa bintana ng kwarto ko.
Nasan kaya yung baklang yon? Parang nagtatago ha? Ay, may sakit nga pala sya. Saka wait! Bat ba lagi na lang si patrix ang iniisip ko?! Heller andyan si glenn! Gising ka elocin!
Dali dali naman akong bumaba saka tinignan si glenn na nakatulala lang habang nakaupo sa sofa. Syet amarn, bat ba ang fogi nya lagi?! Kaines!
Nagulat naman ako ng bigla syang tumingin sakin kaya yumuko ako saka pumunta sa kanya. "M-may gusto ka bang kainin?"
Pero nanatili lang syang nakatingin sakin. Kinakabahan nako ah, potang!
Saglit pa kaming nagkatitigan tas maya maya tumayo na sya at dahan dahang lumapit sakin. P-potaaaaaang!
Napasigaw pako ng hawakan nya yung waist ko at ilapit pa talaga sa kanya. Bat ganun? Gustong-gusto ko na makuha ni glenn first kiss ko pero parang ayoko na!
Nanginginig tuloy tuhod ko. Ngena talaga glenn! Stop mo na 'to be huhu.
Mas naiyak na talaga yung kalooban ko nung bumaba ang tingin nya sa lips ko sabay lip bite.OH TANGAMA WADTAPAK I DON'T KNOW WHAT TO DDO! BAKIT MAY PAGKAGAT SA LABI HA?! BAKEEEET?!
Dahil feel ko na talagang hahalikan ako nento e, pumikit na lang ako. Kesa naman maduling ako diba?
Nararamdaman ko din yung hininga nya. Hindi sya mabaho be! Pero di din mabango! As in, sakto lang talaga. Wala syang amoy huhu. Hope all.
Napapikit ako ng madiin ng naramdaman ko na yung ilong nya sa ilong ko, shutangines naman oh! Huhu.
Ayan na, malapit na talaga. Ay-
"HOY BAKLA! ANO?! GUMISING KA DYAN!"
Agad kong naimulat ang mata ko. Napabalikwas ako ng upo ng makita kong nasa kwarto ko na ako.
Nakakainis! Ibig sabihin, panaginip lang yon?! GRrrr.
"Ano pang tinulala mo dyan? Kanina ka pa nagsasalita, akala ko kung ano nang nangyayari sayo tsk."
"Asan si glenn?"
Kumunot naman ang noo nya. "Anong glenn? Wala si glenn dito."
Agad akong nanlumo. Ibig sabihin ba talaga non e panaginip lang yun?! "Eh sino naghatid sakin dito? Alam ko na naliligo ako sa ulan e."
Nagkabit-balikat sya, "Yun ang hindi ko alam elocin."
"Eh ikaw? Bakit ka nandito?"
Inis na bumuntong hininga naman sya, "Tumawag yung mommy mo samin, at pinapacheck kung nandito ka. Dahil no choice at ako lang nandon sa bahay ay ako na lang ang tumingin sayo dito. Oke? Oke."
Tumango na lang ako. At saka bumaba na.
"Uuna nako, may mga gagawin pako. Kaya dito ka na, kumain ka daw at saka pwede ba? Ilock mo 'tong gate at pintuan nyo tsk."

BINABASA MO ANG
enemies
أدب المراهقين"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...