e 45

411 34 1
                                    

elocin

"Bagay naman, pero mas bagay tayo."




Agad akong napanganga sa sinabi ni patrix. "Tangina mo!" sabi ko saka hinagis sa kanya yung nuggets.




Agad syang tumawa saka kinuha ang nuggets at kinain yon. "Ang chaka ng mukha mo teh! Lagi ka talagang parang tanga."




Umirap na lang ako, "Ayoko na ng nuggets, sayo na lang yan." sabi ko saka tumayo, ang init huhu.




"Oh saan ka pupunta?"




"Wala kang pake!"





Pumunta ako sa kwarto ko saka kinuha yung towel ko. Bumaba ako at napa-irap ako ng makita syang nakahiga sa sofa habang kumakain. Nice, feel at home talaga si tanga.


"Ano tinitingin-tingin mo?" sabi nya saka kumagat ulit sa fried chicken.


"Wala po kamahalan." sarcastic sa sabi ko saka dumiretso sa cr. At naligo ulit. Paglabas ko agad akong tinignan ni patrix saka rin umiwas ng tingin.



"Bakit ka naliligo ng gabi? Diba bawal? Kaya ka natatanga e."



"Wala kang pake!" sabi ko saka umakyat na sa kwarto saka nagbihis. Nagpajama lang ako na kulay pink saka white sando.




Natigilan ako ng maalala yung kiss namin ni patrix sa kama ko, wala rin nun si mama....tapos ngayon wala nanaman si mama! Tapos sinabi pa nya na wala na sila ni blyne. Agad naman ako kinabahan, haeop ka patrix! Anong akala mo magpapahalik ulit ako sayo! Inis na kinuha ko yung suklay saka bumaba.

Nakita ko syang naka-upo na at imis na rin yung mga pinagkainan namin. Seryoso na syang nanonood.

Agad naman ako nagsuklay, at talagang nagreready ako kung sakaling guguluhin nanaman ako ng tangang 'to! Delikado, anong akala nya sakin laruan? Bat nya ako hinahalikan?

"Bat moko tinitignan?" sabi nya saka tumaas ang kilay nya. "Oo, alam ko, maganda ako pero wag mo naman masyado ipahalata na nahuhumaling ka sakin."

Agad akong sumimangot, "Feelingera ka talaga." tinuloy ko na lang pagsuklay ng buhok ko at ng matapos na ay inilagay ko lang yung suklay sa may gilid ko.


"Saglit hintayin moko, uuwi lang ako dahil gusto ko rin maligo." sabi nya saka tumayo at inayos ang buhok nya. "Wag mo isarado ang pinto! Ang magsarado, panget hmp." sabi nya saka tuluyan na umalis.


Napanganga na lang ako dahil napaka-kapal ng mukha ni tanga. Ilang araw din kaming di nag-usap pagtapos nung naganap sa may likod nung school namin 'no! Nung niyakap nya ako habang umiiyak ako. Nag-init tuloy ang pisngi ko.


enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon