e 12

698 38 1
                                    

Elocin

"Mama naman e. Ayoko pumunta dun. Ikaaw na laaang. Kuha mo na lang ako pagkain huehue."

"Para ka namang tinga elocin! Bilis na at ipapakilala kita don sa poging nasa tapat! Chance mo na toh anak!"

"Ma, ilang beses ko na sinabi na kay glenn lang ako e. Kainis ka naman ma!"

Madami pang sinasabi si mama pero ayoko talaga pumunta dyan sa bahay nila patrix. Eww kaya. Alam ko naman kung sinong 'pogi' yung sinasabi ni mama. Saka di nya ba alam na bakla yon?!

"Ang lapit lapit na nga lang e. Saka makakalandi ka dun anak, nandon si glenn."

Agad akong tumayo, "Hindi mo naman agad sinabi mama. Edi sana mas naghanda pa ako."

Agad akong umakyat saka nagbihis. Nag high waist pants lang ako at isang maroon hanging shirt. Saka ko lang nilugay ang buhok ko at naglagay ng konting lip balm hehez.

Nang makababa ay ngiting-ngiti sakin si mama at pumunta na kami sa bahay nila patrix.

Kung wala lang si glenn dito hindi ako pupunta hmp. Agad kaming sinalubong ng isang magandang babae. Naka white dress sya at nakipagyakapan at beso kay mama.

"Happy birthday Patricia!" sabi ni mama saka mas lumaki ang ngiti nya.

"Thank you po." tinignan nya ako. "Anak nyo po?"

Tumango lang si mama at ngumiti.

"Ang ganda naman nya! Simple but beautiful huh?" bineso nya din ako. Ngumiti lang ako sa kanya. "Wait lang po. Feel at home lang!"

Nang makaalis na sya ay agad akong binulungan ni mama, "Kapatid yun nung lalaking sinasabi ko sayong pogi anak! Ang ganda din nya ano?"

Tumango na lang ako. Ang ganda nga e. Mala babaeng version ni patrix.

Pinaupo ako ni mama saka sya umalis. Nilibot ko ang tingin ko, wala naman si glenn e. Feel at home naman daw kaya hahanapin ko muna sa buong bahay hehe.

Natapos na ako sa may garden nila pero wala naman si glenn e. Pumasok ako sa bahay nila at nagulat ako ng nandon si patrix. Jungunu! "Anong ginagawa mo dyan ha?!"

"Nababaliw ka nanaman ba? Malamang bahay ko 'to kaya talagang nandito ako. Eh ikaw? Bat ka nandito ha?"

Tumaas naman ang kilay ko. "Nasan si glenn?"

Kumunot naman ang noo nya. "Anong glenn? Bobslak malamang nasa bahay nila!"

"Ano?! Alam mong bakla ka, ilabas mo na si glenn! Kundi matitikman mo ang powers ko!"

"Boba! Diba galit nga sya satin? Bat naman sya pupunta dito?"

Oo nga pala! Naisahan ako ni mama ha! Argh. Giqil aqo!!! Nilingon ko naman sya, "Anong gayuma gamit mo ha?"

"Anong gayuma? Heller, sa ganda kong 'to gagamit ako gayuma? Hell no." sabi nya at umirap pa.

"Pano mo sya napapunta dito ha? Ang duga mo! Alam ko naman na ginayuma mo sya."

"Tsk. Kahit sya pa mismong itanong mo, sya kusang pumunta dito. Kaya 4-1 na elocin. Humabol ka gurl." umalis na sya.

At dahil sa inis ko agad ko syang sinugod. Tumalon ako sa kanya kaya parehas na kaming nakahiga.

"Aray ano ba! Sh-aray!"

Nagulat ako ng sya naman ang pumaibabaw sakin. Lumaki ang mata ko. Hawak nya yung dalawa kong kamay.

"Alam mo, kahit pusong babae ako, kaya kitang halikan. Kahit nandidiri ako! Kaya tigilan mo ako elocin. Kaya kong gawin ang lahat lalo na pag naiinis ako."

Natulala ako sa kanya. At eto nanaman..yung mga titig nyang nakakatunaw..p-parang..

*dug.dug.dug.dug*

Agad kong naitulak si patrix ng nakita ko si kuyang nagtatambol. Seryoso?! Bat sya nandito?! Pano nangyari yon?! Saktong sakto ah?! Tingini!

As usual, nag finger heart muna sya bago umalis. Natampal ko na lang yung noo ko.

Umalis na si patrix at naiwan ako dito. Minsan may pagka qaque talaga sya.

Aalis na lang ako dito. Paalis na sana ako kaso nakita ako ni mama. Syet talaga. At ang mas malala pa, nandyan na din ang ate ni patrix. Pati sya mismo.

"Ah, ate enella, eto pala si patrix. Kapatid ko." ngumiti samin yung ate ni patrix.

"Ah oo. Eto naman si elocin. Anak, si patrix. Sya yung sinasabi ko." ngumiti naman si mama.

"Bagay kayo! You look two good." sabi ni ate patricia. Ang ate ni patrix.

"Kay glenn lang ako."

Parehas nanaman kaming nagsalita ni patrix. Tinignan ko sya at ganun din sya sakin. Bwiset. Bwiset ka sa buhay patrix. Sinasabi ko sayo ako ang magwawagi!

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon