e 38

636 29 0
                                    

Elocin

Halos tulala lang ako sa shop namin nila mama. Nandito ako ngayon, nakikigulo. Parang nawawalan ako ng gana na pumunta sa chrismast party bukas.

"Oh elocin anak? Bat nandito ka? Umuwi ka na, diba may chrismast party pa kayo bukas? Sige na."

"Okay lang ma. Tutulungan kita, ang dami mong customers oh. Saka ang dami din gusto magpadeliver."

Umiling sya, "Okay lang anak. Marami akong katulong dito. Mamayang 10 nasa bahay nako, okay? Kain ka na lang dyan sa may labas, sige na. I love you!"

Wala din akong nagawa kundi ang umalis sa shop ni mama. Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon?! Ang boring kaya sa bahay saka nasa tapat lang si.....nevermind.

Pumunta na lang ako sa may jollibee saka kumain hehehe. Bida kasi ang saya dito at sabi nga nila, di lahat ng masarap, mahal HAHA.

Syempre iirap ako kapag may mga magjowaerz. Duh, walang porneber! Magb-break din 'tong mga to.

Pagkatapos non ay wala nanaman akong magawa kundi maglakad. Maglalakad na lang ako pauwi kahit malayo. Pero ayoko, tinatamad ako. Kaya umupo na lang ako sa waiting shed dito. 7:30 na. Gusto ko sana abalahin sila esa at jhane pati gela kaso sigurado akong di na sila pwede. Napabuntong hininga na lang ako. Saka tumingin sa cellphone ko. Napanguso na lang ako, hindi ko na alam gagawin ko!

Tas biglang buhos ng ulan. Woooooh! Pagsinuswerte ka nga naman. Wala pa naman akong dalang payong. Nasa bag ko kasi yon e, iniwan ko pa naman sa shop yung bag ko. Kagiqil.

Umurong pa ako konti kasi nababasa ako e. Ang dami nga'ng tao na nagtatakbuhan kasi umuulan. Malamang magstay sila, duh.

Tinignan ko na lang yung pumapatak na ulan. Lumuluha tuloy yung mga ulap. Pinaiyak nyo kasi e. ha? Hakiiiing sintaaaaaa!

Naalala ko may kwento yon kung bakit umuulan e. Basta meron talaga yon e. Nakalimutan ko kung ano yon pero tungkol sa love yon e. Oh basta bahala na nga.

Nanatili pako don pero hindi din natigil yung ulan e. Wawerz ha, parang familiar yung scene na 'to. Gusto ko na umuwi! Nakakainis!

Kaya no choice kundi maligo. Di naman ako magkakasakit e. Matatag ako e hehehe. Unti-unti akong lumakad kaso bumalik din ako, "Ang lamig! Ayoko na! Tumigil ka na nga!" nagpapadyak ako sa inis. Ang lamig! Hindi ko kaya! No choice kundi maghintay.

Umupo na lang ako ulit saka naghintay pa at yes! Tumigil din kaya dali dali akong lumakad at naghahanap ng tric kaso lahat may laman. "Hoy kuya pasakay!" nakakainis talaga 'tong mga to. Kapag hindi ka sasakay saka ka aalokin ng aalokin! Pag sasakay ka naman, wai na sila. Naglaho parang bula. Mga adiiiik!

"Hoy kuya pasakay kase! Adik!" nilagpasan ba naman ako. Pag ako naabutan ng ulan dito, nako. Papatayin ko lahat ng tricycle drivers. I hate them uuuuuugh!

"Ahhhh! Nakakainis! Bahala kayong mga tricycle driver kayo! I hate you! Ugh! Nakakainis! Nilagpasan mo beauty ko h-"

"Ang ingay mo naman."

Napatalon ako sa gulat ng makita si patrix na nasa tabi ko. Agad ko tuloy natikom yung bibig ko. Nakakahiya. Bwiset. Hate ko na ang mga tricycle drivers gRrr. Hindi ko na lang pinansin si patrix kasi nahihiya pa din ako kanina saka yung sinabi ni patrix na jowaerz nya na si blyne. Nagpatuloy ako sa pagpapara pero wala talagang tumitigil kaya mas lalo lang ako nainis.

Pumunta sa harapan ko si patrix at pumara at mapapamura ka na nga lang dahil may tumigil na tric sa kanya. Ngumiti sya sakin ng nakakaloko kaya yumuko na lang ako. Bat di ko magawang mainis sa kanya? Parang dati lang kahit presensya nya naiinis ako e. Siguro dahil nahihiya pa din ako sa kanya. Bat ko kasi ginawa yon kanina? Nako, medyo adik gurl.

"Hoy, sasakay ka ba o hindi?" tinignan ko si patrix at umiling. Duh, magiging akward lalo ang sitwasyon.

"Hindi nako sasakay. Papara na lang ako ng iba, hehehe una ka na. Ingat."

Nagulat ako ng pinaalis nya yung tric driver at sinabing hindi sya sasakay. "Huy bat mo pinaalis?!"

"Osige, pumara ka ng tric. Maghihintay ako."

Natigilan pako at nagsimulang pumara kaso wala talagang nahinto. Pagmalas ka nga naman! Lufet ng tadhana sakin ah? Kaya tumawa sya at talaga naman nangilabot ako don, gad so creepy! Pumara sya at may huminto nanaman kaya sumakay na lang ako at sumakay din sya. Akward be! Whoo! Akward!

Hindi kami nagsasalita habang nasa tric kami at nagpapasalamat ako nung nasa tapat na kami ng bahay. Magbabayad sana ako kaso ayaw nya kaya gow.

"Uhh, salamat?" sabi ko saka pilit na ngumiti.

"May kasama ka dyan?" biglaang tanong nya. Umiling naman ako. "Okay. Pasok ka na."

Kumunot naman ang noo ko saka pumasok. Whooo! Nasa bahay na din sa wakas! Kinuha ko ang phone ko at nagsurf nanaman sa internet. Saya saya.

Tumaas nako saka nagpalit saka bumaba ulit para manood ng tv. Palipat lipat lang ako ng channel, dahil walang magandang palabas. Naman oh! Ang boring.

Tamad akong tumayo at isasarado na sana yung pinto ng, "HALA KA PATRIX!" nakaupo lang naman sya don sa may labas na parang nagaadik. Jusmeyo, nakakatakot ha. "Anong ginagawa mo dyan? Pumasok ka." napalunok tuloy ako, bakit ko pala papasukin 'to?

Pumasok naman sya at agad syang umupo sa sofa. Wawerz, feel at home! "Bakit ka nga pala nandon?"

"Nagtext sakin mama mo, sabi nya na dito daw ako matulog kasi wala kang kasama. Kaya ayun."

Napanganga naman ako. "Darating naman sya mamayang 10. Kaya okay lang."

"Hindi. Sabi nya, di daw sya makakauwi? Kaya sasamahan na lang kita?" nagkabit-balikat sya. Oh nooOoooo! This can't be! "Kung nagtataka ka, tawagan mo mama mo para malaman mo."

Sakto namang tumunog yung phone ko at nagtext si mama.

Mama mah luvs :

Anak, i can't go home :( dito muna ako matutulog sa shop ha? Dami ko pa ginagawa e. Pinapunta ko dyan si patrix at sinabing dyan muna sya matulog. Goodnight! I luv u!

To: Mama mah luvs

Ingat ka dyan ma! Goodnight & i love you too!


Tinignan naman ako ni patrix saka ngumiti, "Oh ano? Tama ako diba?"

Maygash. Anuenagagawinq?! I'm dead! Bakeeeeet gantooo? Kakainin ako ng akwardness! UUUUUUGH.

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon