e 40

1.4K 56 28
                                    

Elocin

Sabay kaming pumasok sa classroom ni glenn kaya agad naghiyawan ang mga classmates ko. Uminit naman ang pisngi ko, gad nakakahiya. Hawak pa naman nya kamay ko.

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si patrix na nakatingin sakin. Napalunok naman ako, bumaba yung tingin nya sa labi ko saka nagsmirk. Potek! Bat may pag ganon?!

Ang simple lang ng suot nya. Isang white polo shirt. Naka-tack in yung sa harap at yung sa likod ay hindi. Naka faded na jeans sya tas black na sapatos. Nakahati sa dalawa ang buhok nya katulad ng mga kpop idols. Hutainesh, nagmukha nga syang kpop idol e!

"Mukha kang kinakabahan. Okay lang yan." pinisil ni glenn yung kamay ko kaya napalingon ako sa kanya saka ngumiti. Umupo naman kami. Wala pa yung mga kaibigan ko.

Simple lang ang suot ko. Skirt na black, isang malaking yellow tshirt na halos umabot sa siko ko yung manggas. May nakalagay na hart sa gitna. Saka isang below the knee na medyas na kulay black din at puting sneakers. May choker din ako at hinayaang ko lang lumugay ang buhok ko. Syempre, nakalip tint ako para perpuk hehehe.

Si glenn naman ay naka-skinny jeans na kulay black at may butas sa mga tuhod nito. Simpleng long sleeves na may mukha ng babae na nakalagay. Bagsak lang ang buhok nya at mukha din talaga syang kpop idol, hayp!

Napalingon naman ako kay blyne na sobrang ganda. Potang, mukhang wala talaga akong panama dito ha? Naka high waist short sya at isang malaking longslevee na may stripes na black. Nakatali yung buhok nya sa dalawang tirintas.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Yung kiss namin kagabi ni patrix....hindi kaya nagday dream lang sya at hinalikan nya ako? Baka akala nya na ako si blyne? Pero kasi ano, basta.

Paggising ko kasi kanina ay wala na sya pero may niluto syang breakfast para sakin. Napahawak na lang ako sa labi ko, sya ang first kiss ko. At hindi din naman ako naiinis o nanghihinayang dahil sa kanya ko naibigay yon.

Napapikit ako saka nagsimula na lang magenjoy. Ilang minuto pa at dumating na ang mga kaibigan kong mga naka yellow din. Yun kasi ang napagkasunduan namin hehe.

Nagsimula din ang party at halos lahat kami natutuwa. Syempre, party 'to kaya lahat talaga matutuwa. Ha? Hangganda q hehe.

"Cr lang muna ako mga bakla." paalam ko sa kanila na tawa ng tawa habang sumasayaw. Tumango lang sila kaya agad na akong pumunta sa cr para umihi. Malamang kumain diba? Chareng.

Pahirapan pa sa pagtack-in ko uli sa damit ko. Tangama ha, pinagpapawisan nako! Pagkalabas ko ay nagulat ako dahil nandon si patrix, mukhang naghihintay.

Hutaenes, nakagat ko yung labi ko ng maalala ko nanaman yung nangyari kagabi. Okay, kunwari walang nangyari elocin. Hindi naman siguro ako ang hinihintay nya diba? Kaya oks lang yan.

Huminga ako ng malalim saka naglakad. Kaso nakakainis nga naman dahil hinawakan nya ako sa braso, tumingin ako sa kanya. Kinakabahan ako, putek.

Tinignan nya din ako ng ilang minuto. Nagtitigan lang kami don. Hindi din ako umiiwas. Hanggang sa bitawan na lang nya yung braso ko.

"Hey pat - " napalingon ako. Kaya pala ako binitawan, kasi nandyan na si blyne. Wait, ang bitter q kaines. Bat ako nabibitter?!

Tumingin sakin si blyne saka ngumiti. Lumapit sya kay patrix at agad naman na hinawakan ni patrix yung waist ni blyne. Napatitig ako sa kamay ni patrix na nasa bewang nya. Dafck, bat nagiging ganto ako?!

"You're so beautiful elocin! The color yellow suits on you." ngumiti na lang ako kay blyne ng sinabi nya yon. May halong kaplastikan kasi e. Tsk tsk.

Nagulat ako ng may biglang yumakap sakin sa likod, "What are you doing here, my elocin?" naginit agad ang pisngi ko sa sinabi ni glenn buti na lang at agad syang umalis sa pagkayakap saka ako hinawakan sa kamay. Ngumiti sya kay patrix at blyne, hindi ako makatingin kay patrix pero ramdam ko yung titig nya.

"Ouch! Patrix, humihigpit yung kapit mo sa bewang ko. I won't leave." humalakhak pa si blyne.

"I just want you this close." sabi ni patrix kaya agad akong napatingin sa kanya at napalunok ako ng masama ang tingin nya sakin.

"Nice. Stay strong sa inyo, una na kami ni elocin." ngumiti lang si glenn saka nako hinila.

Dahil baliw ako, lumingon pa din ako kila patrix at nakita ko na silang naguusap. Bumuntong hininga na lang ako, stay strong nga talaga para sa kanila.

Pagpasok namin ay hindi pa din sila matigil sa pagsasayaw at pagtawa. Nagkahiwalay din kami ni glenn nung nagsimula na kaming magpicturan at magselfie. Halos tumagal din ng 6 hours yung chrismast party.

Nung maguuwian na agad na lumapit sakin si glenn kaso nakataas na ang kilay ni esa.

"Hatid kita?" nakangiti nyang tanong sakin.

Magsasalita na sana ako kaso inunahan nako ni esa, baxtos!

"Hindi muna pwede! Maggagala kami at girls only. Saka ikaw, bakit ganyan ang treatment mo kay elocin? Dati lang si patrix lagi ang kasama mo ah?" tumaas ang kilay ni esa. Agad ko naman syang binulungan na 'uy wag, parang tanga.'

Natigilan si glenn pero agad din ngumiti saka tumingin sakin. "Akala ko alam nyo na, hindi pa pala. Isn't it obvious? I like her. And that's why." kinamot pa ni glenn yung batok nya. Medyo napanganga naman ako don. Pumunta sya sakin saka ako hinalikan nanaman sa noo, "Okay then. Enjoy, at ingat kayo sa gala nyo. I'm going now, bye."

Pagka-alis na pagka-alis ni glenn ay sya namang sigaw ni gela. At si jhane naman inalog ako habang si esa ayon nakasimangot.

"Nakakakilig! Yung krass mo dati! Naabot mo na ayiiiie! Pero pandak ka pa din elocin ha." -gela.

"Ha? Hamburger."

"Nakakakilig! Bagay ah. Hindi ko akalain na magkakagusto sya sayo! Parang dati lang habulan ang peg ngayon hindi na! Congrats!" sobrang lumaki yung ngiti ni jhane.

"Asan na nga pala si patrix? Hindi na naharang ah?" sumimangot ng husto si esa.

Napalunok naman ako. Bakit kaya ganito inaakto ni esa ngayon? "M-may...basta. Diba may pupuntahan pa tayo?"

"Change topic ha. Pero ayoko kay glenn, diko ramdam yung pagkagusto nya." sabi ni esa saka mas naunang naglakad.

Nagkatinginan kaming tatlo saka bigla na lang tumawa si gela at saka sumunod kay esa. Medyo adik.

"Anyare don kay esa? Nabitter na ng husto nako. Deadma mo na lang yon neng." natawa na lang ako sa sinabi ni jhane, lumabas kaming pareho pero nakalimutan kong kuhain yung phone ko kaya agad din akong pumasok sa loob at naghintay naman si jhane sa labas.

Pagkapasok ko ay nandon pa si patrix, hawak phone ko. Yumuko akong lumapit sa kanya, "Y-yung phone ko."

Inabot nya, at aabutin ko na sana ng hablutin nya yung kamay ko at saka ako hinalikan ng mabilis sa lips. P-potek! Anong ginawa nya?! Gegu!

Muntikan ko ng mabatiwan yung phone ko ng ilagay nya yon sa kamay ko at sinabi, "Your lips taste so sweet."













enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon