e 41

428 27 2
                                    

elocin

'Your lips taste so sweet.'




Agad kong binalot ang sarili ko sa kumot. Nakakainis! Bat ba kailangan sabihin sakin ni patrix yun? Bakit may pag-ganun pa sya? Hmp.




Agad naman ako napahawak sa lips ko, hinalikan nya ako ulit kanina....Agad naman nag-init ang pisngi ko at bumilis ang tibok ng puso ko. So talagang gusto akong halikan ni patrix kahapon, hindi dahil akala nya ako si blyne.




Hindi kaya totoo talaga yung sinabi ni blyne samin noon? Na gusto ako ni patrix? Pero mahahalata mo naman sa kanya na gustong-gusto nya si glenn, at feeling ko, ginagawa nya lang 'to para guluhin ang nararamdaman ko.




Nakakainis! Kasi girlfriend na nya si blyne ngayon, hindi ba at bakla sya? Bakit sya nag-girlfriend tapos ngayon hinalikan naman nya ako! Parang tanga talaga yun kahit kailan, bwiset.




Agad kong tinignan yung cellphone ko at 1:54 am na, kagagawan mo 'to lahat patrix! Di ako makatulog dahil sayo, at etong pesteng cellphone na 'to, ikaw ang naging dahilan kaya nahalikan ulit ako ni patrix.




Pabato kong hinagis yung phone sa kama ko saka tumayo. Lalabas na lang ako at titingin sa mga stars. Tama, ayun nga ang gagawin ko para antukin ako.




Agad akong bumaba at lumabas, naramdaman ko agad ang lamig ng hangin. "Brr." agad kong niyakap ang sarili ko saka ko tinignan yung bahay nila patrix.




Wala na tao sa labas, alangan naman meron diba? Heller anong oras na. Tanging street lights lang ang nagbibigay ng ilaw dahil halos lahat ng bahay ay nakapatay ang ilaw sa loob, kahit yung kila patrix or kahit yung samin.




Umupo naman ako, sinandal ko yung likod ko sa pader at saka tumingala para tignan ang mga bituin. "Ang ganda..."




Pumikit ako saglit at dinamdam ang lamig ng hangin. Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko, gusto nako ni glenn. Gusto nako ng long time crush ko. Nililigawan na rin daw nya ako, hindi ba ito ang gusto ko? Pero bakit wala man lang ako maramdaman na tuwa? Bakit ganun? Hindi ba ito ang gusto ko? Nakakainis ka naman elocin, eto na oh! Crinush back na tayo! Nililigawan na nga tayo oh.




Minulat ko ang mata ko at halos malagutan ako ng hininga ng makita ko si patrix sa may tapat ng gate namin. Nakapamulsa, naka pajama sya na blue saka white tshirt at nakatingin sakin.




Agad kong hinabol ang hininga ko, pitingini ni patrix to the highest level! Agad ko syang sinamaan ng tingin.




"Ganon ba ako kaganda kaya ganyan ang naging epekto sayo?" sabi nya saka tumawa ng konti.




Tumayo ako at saka pumunta malapit sa kanya saka sya dinuro, "Tinakot moko! Mukha kang tanga!"




Napangiwi naman sya agad, "Ang ingay mo, nakakalimutan mo yatang madaling araw na."




Agad ko syang inirapan, "Anong ginagawa mo dyan? Bakit nandyan ka ha?"




Nagkabit-balikat sya, "Di makatulog kaya lumabas ako. Tapos nakita kitang parang tanga dyan sa may labas nyo kaya pumunta ako dito para guluhin ka."




enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon