e 30

663 37 1
                                    

Elocin

"Okay class. May bago kayong classmate! And guess what, sya ang ang anak ng may ari ng school. Be good to her okay?" agad na sumenyas si sir sa labas at ayown, nandon nga si boobo este blyne. "Introduce yourself hija."

Wawerz. Ganda naman nya ngayon. Pero mas maganda pa din ako. So ayon, nilagay nya muna yung buhok nya sa likod ng tenga nya saka tipid na ngumiti, "Goodmorning everyone. My name is Blyne Nicole Dizon. You can call me Blyne. I hope that i can be friends with you all. That's all, thank you."

Agad na nagsigawan yung mga classmates ko. Lalo na yung mga lalaki. Tinignan ko si glenn at simple lang syang nakatingin kay Blyne. Si patrix naman, mukhang hindi natutuwa sa mga nangyayari.

"Thank you Ms. Dizon. You can choose your seat? Oh, paalala lang Ms. Dizon, pantay pantay ang trato ko ha? Lalo na sa pagbibigay ng grades. Okay?"

Ngumiti at tumango lang si blyne at mabagal na naglakad. Saglit pa syang tumigil at tumitig kay patrix pero wala ng upuan sa katabi non kaya dumeretso sya sa likod. Sa likod ni esa.

Agad akong tinignan ni esa, "Nako 'te. Sabi ng magiging classmate natin yan e."

Hindi na lang ako nagsalita at pinakinggan na lang ang lesson ni sir. Dumaan ang 3 pang subjects, at nagrecess na din.

"Mauna na kayo." sabi ko sa kanila at as usual nauna nga ang mga gaga.

May gagawin pa kasi ako. Di ko kasi nagawa yung ass ko kaya gagawin ko muna. Syempre, kinopya ko na sa mga prends ko. Nang matapos ay lalabas na sana ako kaso biglang sinarado ni patrix yung pinto. "Uy bat mo sinarado?!"

"Shh! Nagtatago ako kay boo! Nakakainis naman kasi."

"E bat mo ba pinagtataguan yon? Ang gandang babae kaya. Saka mukhang ano...mukhang....mabait naman." parang gusto kong masuka.

"Mabait? Seryoso ka? Masyado syang baliw elocin. Kung alam mo lang. Hindi tuloy ako makaawra kay glenn. Bwiset."

Natawa naman ako. Yung sobrang lakas. "Kawawa ka naman pala! Mabuti naman at dumating si boo sa buhay mo HAHAHAHAHA."

Umirap naman sya, "Duh. Whatever."

Lalabas na sana ako kaso biglaang dating naman ni glenn. May dalang frappe at isang box. Watda! Sino nagbigay nyan?

Sandali syang natigilan ng nakita kaming dalawa at agad ding ngumiti, "Oh. Nandito pala kayo, di ko napansin. Kumain na kayo?" walang nagsalita saming dalawa. Agad na naging 'o' yung lips nya saka dahang dahan lumapit sakin at binigay yung frappe. "Para sayo."

Lumaki ang mata ko at ganon din si patrix. Gusto kong matawa kaso parang hindi aakma sa mga nangyayari ngayon. "T-thank you?"

Ngumiti lang si glenn saka tumingin kay patrix. Ang sama ng tingin sa kanya ni patrix. At parang may sinasabi yung mata nen'to. Agad kumunot ang noo ko.

Mas nagulat ako ng tumayo si patrix at kunin yung frappe sa kamay ko, "Oy akin na yan! Gagi ka ah!"

Pero mas tinaas nya lang yung frappe saka nangaasar na ngumiti. Pinilit kong abutin kaso mas matangkad nga pala sya sakin. Naiinis ako! Kyora nanaman kasi to kaya kinuha yung bigay ni glenn. "Akin kase yan! Epal ka nuh?!"

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon