e 7

727 40 1
                                    

Elocin

"Ano nagustuhan mo kay glenn?"

Gulat na tinignan ko si patrix. Seryoso naman syang nakatingin sakin. "Seryoso ka ba?"

Tinignan nya ako saka umirap. "Hindi. Nagj-joke talaga ako."

Napairap din ako. Saka na lang ako tumingin sa sapatos ko. "Matagal ko ng gusto si glenn. Simula pa lang ng nasa tyan kami ng mga nanay namin."

"Wag mo nga akong niloloko. Yung seryoso naman. Saka sabi ko kung ano nagustuhan hindi kung kailan mo nagustuhan! Bobita naman ni bakla."

Inis na humarap ako kay patrix. "Wait lang kasi! Iintro ako okay? Sasabihin ko din! Ikwekwento ko muna sayo ang mala-mmk kong kwento. Tingini mo." tumahimik naman sya. "So ayun nga, simula kinder krass ko na sya. Malandi na ako non. Pero ang afford ko pa lang ibigay sa kanya ay tagpipisong lollipop. Wala kasi ako pera non. Ewan ko ba kung bakit ko sya nagustuhan." tumigil ako saglit. "Simula non, gusto ko lagi ko syang nakikita. Nagaral ako mabuti para maging classmate ko sya. Kung saan syang school, dun din ako nageenroll. Basta, nung nakita ko sya kagaling magdrawing at maggitara nabihag na lang ako bigla! Ewan ko basta gusto ko sya."

Tinignan ko si patrix na nakatingin lang sakin. Edi tinignan ko din sya. "Eh ikaw? Ano ba nagustuhan mo kay glenn?"

"Ganun din." lumaki yung mata ko. "Gaga. Bilib kasi ako sa kanya, ang galing magdrawing. Ang galing mag gitara tas ang fafa pang tignan."

"Sya ba unang lalaking nagustuhan mo?"

Umiling naman sya. "Syempre hindi. Baliw ka ba? Nagustuhan ko lang sya nung nakita ko sya isang beses e. May event ata school natin non."

Tumango na lang ako. "Mas matagal na pala akong may gusto kay glenn. Kaya ibigay mo na lang sya sakin."

"Ano ka? Chicks? Mas maganda pa nga chicks kesa sayo. Saka basehan ba ang tagal na pagkagusto mo sa isang tao para lang masabi mo na sya na ang para sayo?"

Tumawa naman ako. "Oo naman! Syempre ang tagal mo ng gusto yon e. Hindi na magbabago yon."

"Hindi din. There are no permanent in this world. Even your feelings. It can be change."

Tumahimik na lang ako. At saka bumuntong hininga.

"Pero kahit anong sabihin mo patrix, ipaglalaban ko si glenn. Akin lang sya. At sigurado akong sya na ang 'the one' ko."

"Keme. Dami mong learnings te. Bahala ka sa buhay mo. Hashtag assumera."

"Wow ha! Ako pa assumera? Nakakainis ka talaga! Alam mo yon?! Lagi mo na lang ako iniinis."

"Eh ganun ka din naman sakin ah? You know, 2-1 na elocin. Masaya daw akong kausap sabi ni glenn kaya may points ako. Ikaw nganga? HAHA."

"Mabulok ka sana dito patrix! Grr. Mas masaya kung kami na lang ni glenn nakulong dito e."

"Sorry pero hindi masaya si glenn na makulong kayong dalawa dito oke? Tama na imahinasyon bakla."

Umirap na lang ako. Nakakainis talaga! Pano naman kaya kami makakalabas dito? Tingini kasi ni glenn e, sinarado ba naman huhu.

Tinignan ko naman si patrix na natutulog na. Jusko, buti nakakatulog sya sa ganto?!

Tumayo ako saka pumunta sa may bintana. Parang wala naman silbi kasi wala din akong makita! Puro alikabok bwiset.

Naglibot na lang ako sa library at tinignan yung mga lumang libro. Ang gaganda naman nento pero hindi lang nalilinis.

Nakita ko na may isa pang pintuan kaya tinignan ko yon.

Binuksan ko at nagulat ako ng may lumabas na skeleton. "AHHH!"

Hindi ako tumakbo pero nagsisigaw lang ako na parang tanga.

Mas nagulat ako ng biglang may humila sakin.

"Anong nangyari sayo?!"

Hindi ko alam pero niyakap ko si patrix. Kinabahan kasi ako!



-----------

A/n: soreh mga bakla, maikli lang hehehe. Btw, yung banggit sa pangalan ni elocin ay e-lo-sin. Okeeee? Labyaaaaah mgaa bakla~

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon