Elocin
Ang galing galing talaga mang inis ni patrix!
Nakatingin lang ako sa likod nilang dalawa ngayon habang naghaharutan sila. Bwiset talaga.
Ano kaya nakita ni glenn at kinakausap na nya ng ganto si patrix?! Huhu. Hindi kaya beki din itong si glenn? NO, EKIS HINDI PWEDEEEE!
Kaya napairap na lang ako ng kunwaring hinampas ni patrix si gleen. Chansing lang yan si patrix e! Imbes na ako ang nakakaawra, sya pa din grr.
Dahil sa inis ko, pumagitna ako sa kanilang dalawa. Napa 'aray' naman si patrix tas medyo nagulat sakin si glenn. Ngumiti ako kay glenn saka ako humawak sa braso nya.
Ngumiti din naman sakin si glenn. "Elocin! Sorry. Nandyan ka nga pala sa likod. Nakalimutan ko, nakakatuwa kasing kausap si patrix e."
SYET ANUDAW?! SIGE ANOOO?! NGENA SARAP BATUKAN NENTO NI GLENN E! WALA MAN LANG PAKIRAMDAM HUHU.
Binatukan ko si glenn pero syempre juwk lang yon! Ngumiti ako sa kanya kahit naiinis nako grr. Patriix talaga!
Narinig ko namang pabebeng tumawa si patrix. "Thanks glenn." grr landi ng boses nya! "Masaya talaga ako kausap. Saka pwede naman tayo magusap anytime."
"Sure patrix! Kwentuhan moko tungkol kay e-" napatingin ako kay glenn na ngayon na nakatingin sakin. "Kay ella hehehe." akward na tumawa sya.
"Haha oo naman! Kay ella hahaha!" sabi din ni patrix.
Nung time na yun para silang mga tanga. Seryoso. Parehas silang pilit na tumatawa qaque..?
"Ah, ano pala yung naiwan mo elocin dun sa may library sa taas? Saka pumupunta ka pala don? Balita ko may multo don e." sabi ni glenn at bahagyang natawa.
Oo nga pala ngena. Hindi ko alam kung ano ipapalusot ko! Tingini. Ano nga ba naiwan ko don? Hehehe. Ay shunga, imbento ko nga lang pala. "A-ah, may naiwan ako don notebook e. Pumunta ako don kasi may kinuha akong libro."
Tumango naman sya. "Eh may library naman sa baba ah? Mas bago pa. Pero sige punta tayo don."
Lumingon kami kay patrix ng tumawa ito. Segee subukan mo lang patrix! Dudukutin ko lahat ng buhok mo sa kili-kili!
"Bakit? Masama bang tumawa?" buti amarn at nakuha ka sa tingin patrix!
Tumahimik na lang kami habang papunta sa library. Matagal na 'tong hindi napupuntahan. At sa corridor na 'to, etong library lang ang nandito. Laging walang tao dito sa 2nd floor na corriodor.
Like may multo daw dito. May pinatay daw kineme. Jusq, daming alam e!
Nung nasa tapat na kami ay tinignan namin ito. Nakabukas yung pintuan kasi pagnasarado mo 'to, hindi na mabubuksan.
"Tara na!" sabi ni glenn saka na kami pumasok.
Mas natatakot pa ako na hindi makakita ng notebook kesa makakita ng multo! Siguradong magagalit sakin si glenn!
Kunwari naghahanap ako pero hindi. Nakakabahing naman! Ang alikabok e. Bweset.
Nagulat pako ng pagkaurong ko may tao, kaya agad akong hunarap at nauntog yung noo ko sa dibdib ni patrix.
Tumingala ako, at nakita ko syang nakatingin sakin. Messy hair at medyo napapawisan na din sya. Syet, ganyan ka lang patrix! Ang fogi m- wait! Ano?! Erase!
"Guys! May tumawag sakin e. Kailangan ko nang umalis. Kakanta pala ako para sa mga visitors natin ngayon." paalam samin ni glenn at tinignan kaming dalawa.
Hinatid na lang namin sya sa may pintuan. Kumaway muna sya bago isarado ang pinto.
Tinignan ko naman si patrix na ngayon nakatingin sa pinto. Biglang lumaki ang mata nya at ganun din ako.
Agad naming binuksan yon pero as expected hindi bumukas. Ngena, ang swerte q!
"Dala mo ba phone mo?" sabi ko kay patrix na tinigilan na ang pinto at umupo na lang sa may gilid.
Umiling lang sya at nagpunas ng pawis nya. Dahil may panyo naman ako dito at hindi ako pinapawis. Inabot ko sa kanya kaso tinignan nya lang yon. "Ano yan?" syet gandang tanong patrix!
"Panyo. Ano ba tingin mo?" amazing akong sumagot.
Umirap lang sya saka na nya yon kinuha at pinunas sa pawis nya.
Umupo na lang ako sa may gilid. Magkatapat kami ni patrix.
Buti sana kung si glenn ang kasama ko e. Buti sana kung kami ang nakulong baka natuwa pa ako! Eh si patrix kasi kainis.
Wala din naman akong dalang phone. At alam kong busy kakadaldal yung mga kaibigan ko.
"Ano nagustuhan mo kay glenn?"
![](https://img.wattpad.com/cover/124224306-288-k520905.jpg)
BINABASA MO ANG
enemies
Teen Fiction"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...