Elocin
"HAHAHAHA. Ang adik ng mukha mo gurl, seryoso."
Nabalik naman ako sa wisyo nung nagsabi sya non. Kaines naman. Parang ang astig nya kanina tas balik bakla nanaman.
"Ikaw ang adik, magganon ka ba naman sa harapan ko? Sinong hindi manginginig sa takot. Sabihin mo nga sakin, lalake ka n- ARAY HAYP KA AH!"
Sinampal lang naman ako. As in S I N A M P A L ako!
"Oh ayan. Nang magising ka. Babae ako, b-a-b-a-e oke? Oke."
"Eh bat nanuntok ka?"
"Nabadtrip lang ako, okay ganto. Badtrip na kasi ako simula kanina pa lang umaga. Napagtripan ko yung lalaki kaya sinapak ko." nilapit pa nya sakin yung kamay nya. "Tignan mo ha! Namula sa sakit gurl! Masaket talaga! Nakakairita!"
Magsasalita pa sana ako kaso sinamaan nya ako ng tingin kaya hindi na lang din ako nagsalita. Maya maya dumating na teacher namin sa english kaya ayown nakinig na lang kami.
Hanggang sa uwian na. Buti namaaaan! Yung kahit wala ka namang ginawa parang pagod na pagod ka. Nakakainis hays.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa corridor ng biglang may naalala ako.
"Hala mga fren! Mauna na kayo umuwi. May kukunin pala ako sa library!"
"Samahan ka na namin!" - gela.
"Hindi na okay lang! Bye mga beh, ingaaaat!"
Bineso ko sila saka umalis at pumunta na ng library.
Nakakainis, bat ngayon ko lang kasi naalala? Saka bat kasi ako pa pinakuha ni sir neto? Hays.
Nang makuha ko na at nakapagpaalam na ako sa librarian ay saka nako nagmamadaling lumabas. Jusko naman. Magisa lang tuloy akong uuwi!
Pero kapag minamalas ka nga naman, biglang buhos ng ulan e nuh. Medyo adik talaga 'tong ulan grrr.
Kaya pumunta na lang ako don sa may waiting shed at saka naghintay tumila etong ulan. Kaso parang hindi ata titigil e.
Hihina, tas biglang lalakas. Medyo adik ka talaga sa part na yan ulan ha.
Nakakaisang oras na ata ako dito kaya no choice kung hindi maligo na lang sa ulan hehehe. Kaso yung bag ko nga pala ano? Putek naman.
Kaya dali dali akong bumalik sa school saka nanghingi kay manong guard nang sobrang laking plastic. Sa sobrang laki e, pwede na akong sumama HAHAHAHA.
Binalot ko na yung bag ko sa plastic saka ulit sinukbit yon sa likod ko. At ngiti-ngiting naligo sa ulan! Naks namam! Solo flight. Oh kunware nasa mv tayo hehehe.
Feel na feel ko pa yung ulan ha. Kunwari nga nasa mv tayo e, yung mga babaeng nabroken hearted tas alam mo yon? May pa ulan effect sila hehehehehe.
So pinili ko magdrama, kaso naalala ko si glenn.
Hindi ko alam minsan parang napakasensetive ko talaga kapag si glenn paguusapan. Alam nyo yon?
Yung kahit wala naman nangyayari o nakakalungkot na nangyayari bigla ka na lang malulungkot? Nakakaqaqo kaya yon.
Hindi naman sa pinipilit ko si glenn kaso nakakalungkot lang talaga na mahahalata mo nang mas lamang si patrix.
Ang mas masaklap pa don e, ibig sabihin beki din si glenn ha?! WAG NAMAN SANA HUHU.
"WAAAAAAAAG PLEAAAASE!" kaso naubo lang ako kasi pumasok yung ulan sa bibig ko nung sinigaw ko yan e.
Mas doon lang ako naiyak, tangama glenn, wag naman parang awa mo na!
So para magampanan yung pagiging madrama ko e, umupo ako sa gitna ng kalsada saka umiyak ng malakas don.
Tinignan ko pa ang paligid saka lalo akong umiyak.
"GLEEEEENN WAG NAMAN SAAAANA! PARANG AWA MO NA HUHUHUHU! BAKIT SI PATRIX PA HA?! BAKIT SYA PAAAAAA?! GAGO KA! AKO YUNG MAY HATI TANGA!"
Tas tumawa ako hehehe. Feel ko tumawa tas iiyak ako. Paulit-ulit lang.
Nakakatuwa yung ulan kasi kapag sumisigaw ako mas lalo din sya lumalakas. Syet, nakikisabay ka ngayon ha. Luv u na.
Hanggang sa tinamad na ako magsisigaw at nanatili na lang akong nakaupo. Yumuko ako saka tumingin sa mga kamay ko.
Basang basa na ako. At feeling ko pati bag ko basa na. Pero seryoso na ako ngayon.
Nasasaktan nako mga fren, serious 'to teh. Hindi ko matanggap na si patrix na ang gusto nya!
Bakit?! Halata naman diba? Yung pagsasabay tas yung tawanan nila. Yung mga makahulugang tingin nila sa isa't-isa. Talo pala ako. Sobrang talo.
Pahiya ako malala. Nakakaines. Nakakainis at masakit qaqu. Why oh why naman oh?!
Tahimik na umiyak na lang ako at nakanatiling nakayuko. Parang ayoko na tuloy umalis dito. Sarap na sarap ako sa ulan e, pero syempre mas masarap ako.
Natawa ako, tignan mo? Nakukuha ko pang magbiro?! Ganun tayo ka-strong dre!
Gusto ko na sana tumayo kaso tinatamad akong tumayo. Kaya wag na lang.
Pero maya maya parang biglang tumila ang ulan. Pero naulan naman sa ibang parte. Tsk, tsk.
May nagpayong sakin. Nako, lagi ko napapanood 'to sa mga kdrama e. Kaso hindi na ako aasa kasi alam kong si patrix yan.
Wala naman pake sakin si glenn e. Kaya dahan dahan akong tumingala at tatarayan ko na sana kung si patrix to pero hindi.
"G-glenn?"
Hindi ko alam, pero may part sakin na mas gusto kong si patrix na lang yon.
---------------------
Halu mga guysue! HAHAHAHAHAHAHA SABOG UTAK KO K? KAYA SANA MAINTINDIHAN NYO 'TONG UPDATE NA 'TO. DI KO DIN ALAM NANGYAYARI SAKEN WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. TUMATAWA NGA AKO HABANG UMIIYAK E. SO AYUN SKL : )
BINABASA MO ANG
enemies
Teen Fiction"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...