elocin
Kinabukasan, wala masyadong teachers at ito ang nakakabwiset. Sayang yung araw hinayupak naman, ang boring boring!
"Guys gusto nyo ice cream?" sabi ni jhane at agad naman tumango si esa. "Bumili ka ng iyo." agad na inirapan ni esa si jhane.
Si gela tulog habang naka-ear phone pa. Ako naman nakatulala lang kanina, si jhane yan nakain nanaman at si esa wala lang din.
Kung papansinin mo ang classroom, halos lahat kami bored na. Si arch nagpapatugtog lang sa speaker nyang maliit, hindi ganon kalakas kasi pag may nakarinig nyan for sure confiscate yan at di na mababalik unless kunin ng magulang.
Nakakabagot na araw talaga, tungunu naman. Nilibot ko ang tingin ko at nakita si patrix na kinakalikot ang buhok ni blyne na nagseselfie at sinasama si patrix. Eew, magb-break din naman kayo.
Tinignan ko naman si glenn na nakatingin sakin kaya medyo nagulat ako. Bigla naman nagvibrate phone ko at tinignan yun
From : glenn q
Tara canteen, libre ko.
Agad ko syang tinignan saka na lumabas, nagtanong pa si jhane pero nung nakita nyang naglalakad na rin si glenn agad syang nag- "Ayiiiieeee! Ayan ha, sana all!"
Pumumta kami sa canteen, nilibre nya lang ako ng frappe saka french fries. Actually busog pako pero nagpumilit sya.
"So ayos na ang phone mo ngayon?" biglaang sabi nya.
Tumango ako, "Uu, kakapa-ayos lang." sinungaling talaga ako, patawarin nawa ang kaluluwa ko.
"So pwede na kita ulit tawagan at i-text?" agad akong tumango. Kumamot sya sa noo nya, "Elocin, ayos ka lang ba?"
Mga ilang minuto rin akong tumingin sa kanya, "Oo naman, bakit?"
"Gusto mo pa rin ba ako?"
Tinignan ko si glenn at halos lumabas ang puso ko ng makita ko sa mga mata nya ang lungkot. Umiwas ako ng tingin saka uminom sa frappe ko.
Bumuntong hininga sya, "Di kita magets, are you playing with me elocin?" sabi nya ulit saka yumuko at umiling. "Nakakawala ba ng thrill kapag nagustuhan ka ng crush mo at wala na ka-agaw?"
Muntikan na akong mabulunan dahil sa sinabi nya, bumilis ang tibok ng puso ko. "G-glenn...ano bang sinasabi mo?"
Tinignan nya ako, malamig na ang titig nya sa akin. Ouch naman. "Hindi mo sinagot ang tanong ko elocin."
Nakagat ko ang labi ko. "Glenn, kung ano ano ang pinag-iisip mo."
Nagulat naman ako ng bigla nyang ihampas ang kamay nya sa lamesa kaya nakagawa yon ng malakas na ingay. Napatingin naman yung mga ibang student sa canteen. Agad syang huminga ng malalim saka inayos ang buhok nya. "Ang gulo mo." yun lang ang sabi nya saka na umalis.
Naiwan ako don at natampal ko na lang sarili ko. Inubos ko na lang yung pagkain saka ako pumunta sa cr dahil naiihi ako syempre. Dali dali akong pumasok sa isang cubicle at saka ginawa ang dapat na gagawin ko.
Pagkalabas ko nandun si blyne na nag-aayos sa harap ng salamin. Naghugas ako ng kamay at nasa tabi ko lang sya. Dahan dahan sya nagsusuklay at nakatingin lang sa sarili nya.
Aalis na sana ako kaso tinawag nya ako kaya lumingon ako sa kanya. Di naman sya nakatingin sakin at patuloy pa rin sya sa pagsuklay ng buhok nya. "Why?" yan lang sabi nya. Minsan boba talaga 'to, tinawag ako tapos sya pa ang magsasabi ng 'why'?
"Ha? Diba ikaw ang tumawag sakin?"
Tinignan nya lang ako ulo hanggang paa. Umiling sya, "Ridiculous." yun ang sabi nya saka na lumabas.
Kahit kailan boobo talaga, ano ba nangyayari sa mga tao ngayon?
Pagpasok ko ng room ay agad nakita ko si glenn, nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Magulo ang buhok nya at mukha syang badtrip. Bumuntong hininga ako at umupo sa tapat nya. Hindi naman nya ako pinansin, tinitignan ko lang sya.
Pinakiramdaman ko sarili ko, tingini, ang gulo ko nga. Ano na ba ang nangyayari sakin? Nasa harap ko si glenn, ang pogi. Pero wala na yung dating excitement na nararamdaman ko saka kilig kapag nasa harap ko sya. Wala ng rainbow at glitters na maisusuka.
Gusto ko si glenn pero parang hindi na rin. Gusto ko sya magpatuloy at ayaw ko syang mapunta sa iba pero at some point ayoko rin na nandyan sya. Taena, gulo ko nga. Agad kong ginulo ang buhok ko saka yumuko. At pinilit na lang sarili ko matulog.
"Hindi rin. There are no permanent in this world. Even your feelings, it can be change."Minulat ko ang mata ko ng maalala ko yung sinabi ni patrix nung nasa library kami sa second floor. Agad na naluha ako, wala na si glenn sa harap ko at pumunta na sa ibang lugar at natulog.
Agad akong lumbas at pumunta sa may likod ng school at umiyak. Haeop, bat ba ako naiyak? Ang gulo gulo ko kengena naman. Pinupunasan ko yung luha ko at ayan nanaman. Hindi ko rin alam kung bat ako naiyak pero nung naalala ko yung sinabi ni patrix na yun, naiyak ako. Gagi, tama nga sya, tama si patrix. Walang permanente.
Mas naiyak naman ako lalo. Para naman akong tanga, ang tagal ko na gusto si glenn tapos biglaang ganun na lang? Naiinis ako sa sarili ko kasi naf-frustate ko si glenn. Nung una lapit ako nang lapit sa kanya tapos nung nagkagusto na sya sakin bigla naman akong umiwas, ang tanga ko talaga.
Tumagal pako don ng ilang oras at nagulat ako ng makita si patrix sa likod ko, nakatingin lang sya sakin. Umupo sya sa tabi ko at aalis na sana pero hinatak nya ako pabalik.
Walang nagsasalita sa amin. Naramdaman ko yung titig nya kaya tumingin din ako sa kanya. Agad na kumalabog ang puso ko, nililipad ang buhok ni patrix dahil sa hangin.
Mas nagulat ako ng ilapit nya ang sarili nya sa akin at niyakap ako, inilagay nya ang ulo ko sa balikat nya.
Naramdaman ko nanaman uli yung luha kong nagbabadya na lumabas kaya hinayaan ko na lang yun at umiyak sa balikat ni patrix.
BINABASA MO ANG
enemies
Teen Fiction"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...