e 25

789 41 4
                                    

Elocin

Ilang araw na ang lumipas at nagiging malapit sakin si glenn habang si patrix naman ayun, nanatiling nambwibwisit sakin.

Ewan ko ha, after nung panaginip ko e, bigla na lang lapit nang lapit sakin si glenn. Feeling ko tuloy parang totoo yung panaginip ko!

"Bukas na pala yung eco rampa elocin! HAHAHAHAHA. Goodluck!"

"Kailangan talsik laway jhane?" inis na sabi ko at tumawa lang sya.

Bukas na nga pala yung eco rampa at oo, gawa na din yung susuotin ko.

Medyo kabado pero ganun naman talaga diba? Actually, may dala nga akong cookies at ibibigay ko 'to kay glenn hehehe. Anong connect? Syempre wala, pero wai ka pake oke?

Maya maya tumunog na ang bell at agad akong tumayo.

"Uy san ka pupunta? Di ka sasabay samin elocin?!" -esa.

"Hindi na munaaaaa! I mean, susunod na lang pala ako sa inyo. Ibibigay ko na lang muna 'to kay glenn hehehe."

"Ayan, pagdating kay glenn laging wala ang ate mo. Tsk tsk." - gela.

Hindi ko na lang yon pinansin saka na ako umalis. Nagp-prac sila para bukas. Kakanta kasi sya at mag-gitara kaya nandon sila sa may stage.

Nakangiti na ako habang papalapit nang, "HALA POTANG!"

Bigla ba naman may naghablot ng box ko! Grrr. Agad kong sinamaan ng tingin si patrix! Sino pa nga ba ang kyorang aagaw sakin non?!

"Huwaaaaaaaaaaaw. Mukhang masarap 'to ah? Akin na lang!" sabi nya saka malanding tumawa.

"Baliw ka? Para sayo ba yan ha?! Akin na nga!"

Pero nilayo nya lang lalo sakin yon saka tumakbo. Lah, parang qaqo e! Ano?! Nasa temple run ba ako?!

Syempre hinabol ko, malamang titigan ko lang diba? Nakakainis kasi mas mabilis syang tumakbo sakin!

"HOY PATRIIIIX! TUMIGIL KA GAGA!"

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante syempre nagsisigaw ako e, at sya ayown patuloy pa din sa pagtakbo.

Nanggigil na talaga ako! Naiinis nako! Kaya mas binilisan ko ang pagtakbo at kapag minamalas ka nga naman! Nabangga ko pa yung teacher namin at ang malala pa may hawak syang shake kaya ang ending naitapon sa kanya!

Nakakainis talaga potang. Yumuko agad ako at nakita ko si patrix na lumapit samin, "S-sorry p-"

"Detention, NOW!"
































"Nakakainis ka kasi patrix e! Sarap mong konyatan!"

Tumawa naman si patrix, "Ganun talaga ang buhay. Tsk, sungit kasi nung babaitang yon! Akala mo maganda, e chaka naman tsk."

"Kung hindi mo sana ako pinahabol, edi sana hindi tayo madedetention at maglilinis ngayon dito!"

"Ang dami mong reklamo! Ingay mo ano?"

Nagroll eyes ako at saka pinagpatuloy ang paglilinis.

Nakakainis! Dahil pinahabol ako ng baliw na 'to nadetention tuloy kame! Imbes na naawra ako kay glenn e hays.

Maya maya natapos na din kami pero may natitira pa kaming 10 minutes so kailangan pa namin magstay.

Umupo na muna ako sa may gilid at umupo naman si patrix sa may harapan ko.

Tinignan ako ni patrix kaya sinamaan ko sya ng tingin, "Anong tinitingin-tingin mo ha?!"

"Ang chaka mo. Tas ang ingay mo! Nakakarindi."

"Edi hiwain mo yang tenga mo para hindi moko marinig baliw!"

"Eh kung tanggalin ko yang bunganga mo para hindi ka magingay?"

Nagroll eyes na lang ako saka nanahimik. Nakakainis talaga 'to.

"Bukas na pala yung eco rampa ano? Sabay tayo bukas."

"Ha? Bakit?!"

"Malamang, tayo ang contestan don. Adik ka gurl ha."

"Kailangan sabay talaga?!"

"Eh anong gusto mo? Hindi? Baliw."

"Oo na! Oo na! Pero isama natin si glenn." nakungusong sabi ko.

"Aba! Bakit natin isasama si glenn?! Alam mong may performance sya bukas e! Suminghot ka ba nang katol ha? Tigilan mo nga yan!"

"Ang sabihin mo! Malalamangan kita! Ay, may itatanong pala ako sayo patrix."

"Ano nanaman?"

"Sino nga kasi naghatid sakin non sa bahay? Nung ginising moko? Alam ko kasi naliligo ako non sa ulan kaya pano ako nakauwi sa bahay?"

Kumunot ang noo nya. "Hindi ko nga alam sabi e."

"Pero....ang alam ko si glenn talaga yun! Tapos hindi ko alam kung panaginip lang ba o ano pero may part talaga na hahalikan nako ni glenn e! Nakakainis." naiiyak na sabi ko.

Natigilan naman sya. "Share mo lang?"

Agad na naginit ang ulo ko sa share mo lang, lagi ko nalang naririnig yan at naiinis nako! Makikita nyo, hindi na kayo makakapagshare sakin! Qaqo ka ah.

"WAG NA WAG MOKONG SASABIHAN NG SML GRRRRRR!" agad kong sinabunutan sya. Ganon ako kabaliw.

"Aray! Tigilan mo nga yan bakla! Owemgi, may precious hair! Aray ano ba!"

Natigil naman ako sa ginawa ko nung pabato nyang inalis ang kamay ko. Sinamaan ko na lang sya ng tingin.

"Tigilan moko sa mga ganyan mo elocin ha. Nakakasakit ka! Di ka nakakatuwa! Naiinis ako!"

"Ngayon ramdam mo na inis ko ha? Sabihan mo ba naman ako ng sml?!"

"Nais mo lamang ibahagi?" tas saka sya ngumiti nang nakakaloko.

"PATRIX!"

Agad syang tumakbo at hinabol ko naman sya.

"Hoy hindi na sml yon! Iba na HAHAHAHAHAJA."

"Patay ka sakin pagnaabutan kita! Makikita mo! Naiinis ako sayo! Hangal ka!"

Nagtatakbuhan lang kami hanggang sa nabangga naman ni patrix yung teacher na nabangga din namin kanina. Okay..

"Go on the dentention, AGAIN!"

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon