e 5

835 35 1
                                    

Elocin

"Eh glenn?!" napasigaw pa ako kasi nasa may pintuan sya at nakatingin pa samin.

Eh kita mo naman yung pwesto naming dalawa! Agad kong tinulak si patrix at napatingin ako kay kuya na nagtambol nanaman. Nagfinger heart sya bago umalis. Natampal ko na lang noo ko. Tingini talaga kuya! Lagi kang sakto!

Akward na ngumiti naman ako. "H-hi glenn. Goodmorning."

Ngumiti lang sya at saka dire-diretsong umupo sa upuan nya. Hindi kaya may kung ano ng pumapasok sa utak nya?! Baka akala nya may namamagitan samin ni patrix kahit wala naman! Huhu.

Tinignan ko naman si patrix at nakatingin lang sya kay glenn.

Siniko ko sya at inis na tinignan sya. "Kasalan mo 'to." bulong ko sa kanya.

Lumaki nanaman ang mata nya at feeling ko sasabog na sya sa inis. "At bakit ako?" pinipilit nya lang din bumulong pero alam kong gusto na nya sumigaw.

"Kung hindi moko ininis edi sana hindi ako aalis at madudulas don." bulong ko.

Nag tsk sya saka tumingin sakin na parang hindi makapaniwala. "Ako pa talaga?! Bakla ka?! Kasalanan ko ba kung pinapakelaman moko?!" sumigaw na sya.

Napatingin naman ako kay glenn na nakatingin na samin ngayon.

Umalis na lang ako at iniwan silang dalawa. Halata kasing sasabog na sa inis si patrix. Kahit labag sa kalooban kong iwan sila don, ginawa ko na. Baka magkaroong world war 3 e.

Speaking of world war 3. Yung tyan ko ganun na. Kakain ko lang bwiset!

Pero mags-start na yung klase e. Kainis. Kung kailan mags-start saka naman ako nagutom!

Kaya inis na inis na lumakad na ako papunta sa room. Pero nagulat ako ng sobrang gulo ng classroom! Ang ingay nila!

Tinignan ko din yung class a at class c at ganon din sila! Anong meron?!

Pumasok na ako sa classroom at nagulat ako ng bigla nanaman akong hawakan ni gela. "Hehehe wala tayong klase elocin! Ang sayaaaaa!"

Napairap ako. Kaya pala. "Eh sobrang ingay naman ata! Bakit daw?"

"May mga visitors tayo ngayon! At guess what, ang pogi nilang lahat elocin! Chance na natin para makakuha ng fafa!" napatakip ako sa tenga ko. Lakas naman ng boses ni gela!

"Eh?! May visitor pala e! Bat ang ingay nyo?! Hindi naman ata pwede yon!" umupo ako at tumabi naman sakin si gela.

"Pinayagan tayo ng principal na magingay! Tapos ang galing pa kasi pwede tayong maggala sa campus! Hehehe."

Napairap na lang ako. Yung principal talaga namin baliw e. Parang estudyante lang din!

Nilibot ko naman ang tingin ko at sobrang gulo talaga ng room. Tsk. Pero mas nainis pa ako ng nakita ko si glenn at patrix magkatabi at nagkwekwentuhan pa!

Tumayo ako at iniwan ko si gela na nagsasalita don. Agad akong lumapit sa kanila saka ako kunwari umubo.

Medyo nagulat pa silang dalawa saka nagaalalang tinignan ni glenn si patrix. Teka, bakit?!

"O-oh elocin. Nandyan ka pala!" akward na tumawa si glenn. "Kanina ka pa dyan?"

Umupo ako sa may tapat nila. "Hindi naman. Pero kailangan kong pumunta dito kasi baka may impakta pang umaagaw sayo glenn." pasimple ko naman tinignan si patrix.

Tinaasan ako ng kilay ni patrix, "Excuse me? Pero glenn ha, wag na wag mong sasabihin yung pinagusapan natin," tinignan nya ako saka nya nilagay yung kamay nya sa may braso ni glenn. "May eschocherang frog kasi e. Kyora pa. Mamaya pag nalaman nya yung napagusapan natin, umiyak sya."

Lalo ako naiinis at nakuyom ko na yung kamao ko. At ano naman kaya ang napagusapan nilang dalawa?! Sabi na nga ba, mali na iwan silang dalawa e!

Aalis na sana ako kaso hindi ko na hahayaan pa na magkasama silang dalawa ni patrix. Ako naman ngayon ang aawra. "Ah, glenn, pwede bang samahan mo muna ako sa may library don sa taas. May naiwan ata kasi ako don."

"Oh, sure. Wait, may kukunin lang ako sa bag." umalis naman sya.

Sinamaan ako ng tingin ni patrix. "Tsk. Aawra ka pa ha? Sorry pero sasama ako sa inyo. Baka kung ano pang gawin mo kay glenn e. Saka library sa taas? Wala naman ganun don! At alam ko may multo don e."

"Bakit? Natatakot ka nuh? Awoooo~ ang isang baklang katulad ni patrix ay takooot sa multoooo?~" nagkunwari pa akong multo at inaano yung mukha nya.

"Eew! Ang shoget mo bakla! Ano baaaa!" sabi nya habang tinataboy ako.

Panget ni patrix e!

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon