Elocin
Papasok nako ng school. Pero bago yon, tinignan ko muna yung katapat na bahay namin.
Sino naman kaya yung lalaking sinasabi ni mama? Juseyo. Kapag shokla at shoget yon babatukan ko talaga si mama!
Nang nakapunta nako sa school ay ngumiti ako kay manong guard pero tinarayan ako. Abugh, akala mo gwapo e! Oppa ka? Oppa?
Expected ng sasalubungin ako ng mga sabog kong kaibigan. At nauuna talaga akong salubungin ni esa. At nakakagulat, may chocolate sa kamay nyaa!
"Ayan ha. Ano yan?"
"Chocolate."
Waw gandang sagot! Amazing.
"Ganda ng sagot mo nuh? Malamang chocolate yan! Sino nagbigay nyan? Ikaw ha!"
Inis naman na napairap si esa. "Tanga ka! Galing don sa nerd na lalaking nasa class a! Jusko."
Natawa naman ako. "E anong problema don?"
"Hindi ko naman gusto yon e. Yak. Mas gusto ko yung nasa class c."
"Eew. Yung lexius ba yon? Yung cyclist?"
Napairap naman ako ng nagstart na syang mag day dream at hindi na ako kinakausap. Syet. Nakadroga nanaman siguro etong si esa.
Sunod naman sumalubong samin si gela na may dalang papel na may naka drawing na anime. Hilig talaga sa anime ng baliw na 'to.
"Oy tignan nyo huehue. Nakapag drawing akoo! Huwaah! Inggit kayo nuh?" napatingin sya kay esa at agad lumaki butas ng ilong nya. HAHAHA. "Yaks. Anyare sayo esa? Ang chokla ng mukha mo pramis!"
Dun lang natauhan si esa at agad silang nagsapakan ni gela. Dahil ayoko makisali sa kabaliwan nila ay agad na akong pumasok sa room. Class b kami. Wala lang. Skl okay?
Nakita ko naman si patrix na may binubulong habang nagta-type sya sa cellphone nya.
Kaming dalawa pa lang ni patrix sa loob. Maaga pa kasi masyado kaya ayon. Alam kong naglandian nanaman yon si gela at esa. Si jhane kasi laging late yon.
Nang napansin siguro ni patrix na nakatingin ako sa kanya, tinaasan nya ako ng kilay.
Inarapan ko na lang sya. "Eksena mo?"
"Wala akong eksena te. Saka wag moko badtrip-in ngayon dahil wala ako sa mood! Nakakainis kayong mga babae. Lalo ka na!" sabi nya at mas lalong tumindi yung inis sa mukha nya.
"Ako? Bakit may ginagawa ba ako sayo? Saka heller, bat ka naman nakakainis ang mga babae? Ang sabihin mo, inggit ka lang. Duh."
Lumaki ang mata nya. Pero shet, bat parang ang cute nya sa part na yon?! Eraaase!
"Yak. Bat naman ako maiingit sa inyo? Siraulo toh. Mandiri ka nga."
Inirapan ko na lang sya. Natahimik tuloy kaming dalawa. Pero napapansin kong nakatitig sya sakin. Napalunok naman ako, ngena ganyan ka lang patrix! Ang fogi mo sa part na yan. Syet eto nanaman tayo elocin! Tigil! "Ano tinitingin-tingin mo?"
"Ang gulo nyo kasing mga babae." umiwas sya ng tingin. "Nagalit kasi sakin bessy ko. Bwiset. Wala naman ako ginagawa. Eh halos tawa lang kami ng tawa tas bigla ba naman nagalit sakin!"
Gusto ko sana sya sabihan ng 'sml?' kaso wag na lang. "Eh baka may dalaw! Tanga ka!"
"Mas tanga ka! Walang dalaw si gaga! Bigla na lang magagalit kainis!" sabi nya at ginulo nya yung buhok nya.
"Never mo kasing maiintindihan dahil hindi ka naman babae. Pero may mga oras talaga na baliw kami."
"Serious ka teh? Eh ikaw nga halos araw araw baliw! Assumera pa! Akala mo naman magkakagusto sayo si glenn."
"Eh ikaw din naman ah! Duh. Kung tutuusin, mas bagay kami kasi babae ako, lalake sya. Kaya bye beh!"
"So? Ano naman ngayon kung babae ka? Basehan na ba gender ngayon?"
Tumahimik na lang ako pero naiinis na talaga ako sa kanya. Bwisit. Bat ba kasi ako nakikipagusap sa gaya nyang wala amarn utak?! Argh.
Mas nagulat ako ng ibato nya ang cellphone nya. Like, papatayin ako ng nanay ko kapag ginawa ko yon. "Hoy patrix! Ano ba yan?! Parang tanga 'to!"
Inis na tinignan nya ako. "Wala kang pake okay?"
"Wow. Oh edi okay! Akala mo naman kinaganda mo yan! Bwiset ka!"
Aalis na sana ako kaso ng malapit na ako sa direksyon nya ay nadulas pako. Dahil wala akong kakapitan ay humawak ako sa kanya kaya parehas na kaming natumba.
Nasa ibabaw ko sya. At parehas kaming nanlalaki ang mata.
*dug.dug.dug.dug.*
"Eh glenn?!"
BINABASA MO ANG
enemies
Teen Fiction"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...