e 14

681 42 1
                                    

Elocin

"Grabe ka kanina elocin! Napakasama mo! Nakita mo ba kung gaano lumungkot ang mukha ni patrix?" sabi ni gela saka kumuha ng chips.

"Ano nanaman yang problema nyo? Heller, bat naman sya malulungkot? Duh."

"Kasi parang ayaw na ayaw mo sa kanya! Ayaw mo syang maging partner." sabi ni esa saka nagselfie ulit.

"Eh totoo naman talaga yon. Ayoko naman syang maging kapartner."

"Pero ang weird talaga ng itsura nya kanina seryoso. Para syang nalungkot! Masama kang tao elocin, nakakaliit ka ng bubz." sabi ni jhane saka hinawakan ang bobang nya. Kadire talaga 'to.

Nandito kami ngayon sa mini stop at kasalukuyang kumakain ng chips at ice cream. Favorite nila yon e. Ako? Ano favorite ko? Si glenn.

Speaking of glenn, nakikita ko syang papalapit dito at kasama nanaman si patrix. Grr, napapadalas na yan ha?! Tingini talaga. Ginayuma siguro.

"Oy si patrix at glenn yon hindi ba?! OOOY MAY MULTO SA LIKOD NYO HEHEHEHEHE." -gela.

Agad naman na tumingin samin si glenn at patrix. Si glenn ngumiti samin samantalang si patrix umiwas lang ng tingin. Ano nanamang kadramahan yan patrix?

Lumapit naman samin si glenn pero si patrix hindi. So? Pake ko? Tsk.

"Oh bakit hindi lumapit dito si patrix? May problema ba sya?" sabi naman ni esa at nagselfie nanaman.

Napakamot naman sa ulo si glenn. "Ewan ko din e. Pero kanina pa yan ganyan. Badtrip ata e."

"Bat naman kayo magkasama?" sabi ni jhane saka bored na tinignan si glenn.

"May problema nga kasi sya kaya kailangan kong samahan." napairap lang ako sa sinabi nya.

Natahimik kaming lahat. Nagulat kami ng pumunta si patrix at kinalabit si glenn, "Una nako."

"Sure ka? Sige. Ayaw mo munang kumain?" sabi ni glenn.

Umiling lang si patrix, "Ayoko kumain. Una na ako, salamat."

Paalis na sana sya. Pumikit ako at, "Hoy patrix!"

Tinignan naman ako nila glenn at saka din tumingin sakin si patrix. Hmm, hindi nakataas ang kilay nya ha? Wait, ano nga ba sasabihin ko sa kanya? "Ano..ahm...ano ba dinadrama mo ha?! Aba! Sabihin mo!"

"Pisti. Wala ka talagang dulot elocin." sabi ni jhane saka sumandal sa balikat ko.

Bored na tinignan ako ni patrix. "Eh ikaw ano problema mo ha? Tapos ka na ba? Aalis na ako."

Magsasalita pa sana ako kaso umalis e. Aba bast0s! Nakakainis talaga 'tong si patrix e. Feeling babae?!
















Kasalukuyan na akong naglalakad papunta sa classroom. Like ang gulo talaga nila kapag walang teacher. Parang sasabog ang buong school sa kaingayan nila.

"Elocin hehehehe." tingini nanamang tawa ni gela bwiset. "Para sakin ba yang box na yan hihehihe?"

Napairap na lang ako. "Nilibre ko pa lang kayo nung nakaraan ah! Aba, kafal ng mukha mo fren."

Nagpout na lang sya. "Masama kang tao elocin! Wala kang dulot!"

Umirap na lang ako. "Nasan si esa at jhane?"

"Ayon, nandon sa class c dahil naawra sila doon. Andon ang mga krass nila!"

"Oh ikaw? Bakit nandito ka? Hindi ka ba aawra?"

"Wala naman akong krass e! Depende hihehihe." ang weird talaga ng tawa nento! Bwiset.

Pupunta na lang ako kay glenn dahil ibibigay ko sa kanya itong box ng cookies. Matagal ko na syang hindi nabibigyan e.

Nakita ko naman syang papalapit kaya, "Glenn!"

Tinignan nya ako saka ngumiti. Lumapit na sya sakin, "Oh? Bakit?"

"Ah. Para sayo nga pala hihehihe." tungunu, nagaya na ako kay gela.

"Uy salamat ha." sabi nya at niyakap nanaman ako. #Sukarainbowizrel

"Btw, nakita mo ba si patrix?" hayp?! Bat kailangan nya pa hanapin yon?! "Kailangan daw kayo ngayon e. Punta kayo sa conference at magbubunutan ng theme nyo para sa eco rampa."

Tumango na lang ako. "Samahan mo na lang akong hanapin sya."

"Sorry elocin pero may gagawin pa ako. May practice pa ako e. Sorry talaga pero punta na lang kayo don ha? Bye!"

At ayown nawala na sya. Inis na bumalik na lang ako sa classroom at hinanap si patrix. Sakto naman na nandito na sya kaya lumapit na ako sa kanya. "Hoy patrix!"

Tinaasan na nya ako ng kilay kaya alam kong di na 'to galit sakin. Wait bat ba kasi sya magagalit? "Oh ano nanaman problema mong babaita ka?"

"Halika na sa conference at bubunot tayo para sa theme natin sa eco rampa."

"OY GUYS NARINIG NYO YON? HAHALIKAN DAW NI ELOCIN SI PATRIX SA CONFERENCE AYIIIIE!"

Putengene?

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon