e 42

370 30 0
                                    

elocin

"Kumuuuuusta na kayooooooo mga beeeeeeeeeeh?" agad na sigaw ni gela nung makapasok sya sa room.



Agad akong napatakip sa tenga ko, "Ang ingay mo!"



"Ang highblood mo naman bakla ka," may kinuha sya sa bag nya. "Oh eto pasalubong ko sayo! Hmp, may regla ka ata."



"Hoy bat kami wala gela? Ang kapal ng mukha mo e kaibigan mo rin naman kami!" sabi ni jhane saka tinignan yung binigay sakin ni gela.



Si esa nakatingin lang samin. Agad binatukan ni gela si jhane, "Ang bobita mo! Di ka makapaghintay, eto oh sayo! Manahimik kana."



Agad silang nag-away ni jhane, tsk, as usual. Tinignan ko yung bigay ni angela. Isang keychain na strawberry saka chocolates. Agad lumapit sakin si esa saka tinignan yung bigay ni gela, "Bat sakin mango yung keychain gela?! Ano ibig sabihin nito?"



"Arte mo! Ikaw na nga ang binigyan," umupo si gela. "Ni wala man lang ako narinig na thank you! Ang kakapal puro reklamo!"



"O edi thank you." agad kong sabi kaya tumawa si esa saka nagpasalamat din sya.




Nagulat ako ng biglang pumasok si glenn at kasama nya si...patrix? Agad naningkit yung mata ko at hinanap ko si blyne. Nasan naman kaya si blyne? At bat magkasama sila patrix at glenn?




"Elocin, sama ka?"




Agad akong napa- "Ha?" nung bigla akong tawagin ni gela. Agad naman sya sumimangot saka ako inirapan. "Diko narinig pasensya na."




"Gala tayo sa sat! Ayaw ako samahan ni esa at jhane, busy daw sila." umupo sya sa tabi ko saka kinuha ang phone nya.




"Sige, ako na lang sasama basta libre mo."




Wala naman sinabi si gela at nagcellphone na lang sya. Tinignan ko ulit si patrix at glenn, magkatabi sila ngayon at nag-uusap. Ano naman kaya pinag-uusapan nila? Agad akong napa-irap.




Maya-maya pumasok na si sir at nagklase na kami. After ng ilang oras, sa wakas! Uwian na rin. Agad kong inayos ang gamit ko saka na ako tumayo, "Esa, una nako sa labas. Hintayin kita don."





Lumbas naman na ako, kumaway lang ako kay jhane at gela na umuwi na rin. Naghihintay lang ako sa labas ng tignan ako ni glenn. Agad akong umiwas, ayokong tanungin nya ako kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag at text nya.




"Hi, elocin." biglaang sabi nya at tipid na ngumiti. Ngumiti rin ako saka iniwas ulit ang tingin sa kanya, "Hi, glenn."




Kinagat nya ang labi nya, "Uh...elocin? Sira ba ang phone mo nitong christmas break?"




Agad akong tumango. "Oo e, pasensya na. Ayaw na matouch nung phone ko." sorry Lord huhu, I'm a liar.




Tumango naman sya, "Ahh ganun ba. Bakit di mo man lang ako chinat? Or naki-text lang sa mama mo para naman alam ko. Nag aalala kasi ako sayo, akala ko kung ano na nangyari."




Napakamot ako sa ulo ko, "Pasensya na talaga glenn ha? Hindi na rin ako nakapag-sabi."



Agad naman syang ngumiti, "Wala yun. Hatid na kita?"




"Uh, no glenn. Magkasabay kami." biglaang labas ni esa saka na ako hinila, nagwave lang ako kay glenn, "Ingat glenn!" tipid na ngumiti lang sakin si glenn.




Nag-aantay kami ng tric ni esa dito sa may waiting shed. Madami pa rin students na nag aabang ng masasakyan. "Esa, kain muna tayo cheese sticks don oh!"



"Magi na sis, busog pa ako duh. Samahan na lang kita bumili saka dami pang students don, mainit." maarteng sabi nya saka nagcellphone ulit.




"Dyan ka na nga lang, hintayin moko. Bibili lang ako ha? Yung bag ko uy!" agad na tumango si esa kaya pumunta nako don sa bilihan ng cheese sticks.




Madami pang students kaya naghintay muna ako. Yoko makipagsiksikan, dahil nga mainit. Nung medyo nawala na ang mga students saka ako bumili. "Kuya bente pesos po na cheese sticks." tumango naman si kuya, inabot ko ang bayad ko at hinintay yun maluto.




Halos kabahan naman ako nung pumunta si patrix sa tabi ko at kumuha ng stick saka nagtuhog ng kwek-kwek. Dami nyang binili, shutay tomi sya sa kwek-kwek. Hindi naman sya nalingon or natingin sa akin.




"Neng eto na cheese sticks mo."




Bibigyan din kaya nya si blyne kaya sobrang daming kwek-kwek ang binili nya? Kumakain ba nyan si blyne? Nagulat ako nung tumingin sya sakin kaya agad kong iniwas yung tingin ko.




"Hoy."




"O-oh?"




"Yung cheese sticks mo oh, kanina pa inaabot ni kuya."




Agad akong nataranta at kinuha agad yung cheese sticks ko, "Sorry po kuya."




"Patanga-tanga nanaman kasi." narinig kong bulong ni patrix kaya sinaaman ko sya ng tingin saka na umalis don. Bwisit!




Nakahanap naman na kami agad ng tric ni esa at umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay tulog si mama.




Kaya kung ano-anong bagay ang ginawa ko. Nung medyo hapon ay nagpatugtog ako saka ako sumayaw at kumanta. Naka-ilang music pa ako bago ko pinatay ang speaker at nagpunas ng pawis. Saya talaga minsan maging tanga.





Nagulat naman ako ng nagvibrate ang phone ko, agad ko yun tinignan at may isang text.





From : unknown number

Kahit saang bagay mukha kang tanga.





Agad akong napasimangot at tumingin mula sa bintana ko, nakita ko si patrix na naka-upo at nakatawa na sakin ngayon. Agad kong sinarado ang kurtina saka ako dali dali nagtago. PITINGINI NAKITA AKO NI PATRIX NA MUKHANG TANGA AAAAA









enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon