Elocin
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni blyne. Medyo natatanga nako! Hindi naman siguro totoo yon diba? Duh, baklang bakla si patrix at patay na patay din sya kay glenn kaya imposible yon.
Bigla ko tuloy naisip yung picture ko na nasa box, yung mga tingin nya tas yung nangyari lang kahapon. Pinatuloy niya ako sa bahay nila at ayun nga. Hay nako.
Nakaupo lang ako sa waiting shed. Ang dami ng tricycle na humihinto sakin pero ayoko pa munang sumakay. Baka kasi nandon si mama at mahalata nya yung pagiging balisa ko. Kilalang-kilala pa naman ako non.
Nagulat ako ng magvibrate ang phone ko at nagtext si mama.
Mama my luvs :
Anak, nagiwan ako ng pagkain dyan! Medyo gagabihin ako kasi pumunta ako sa birthday ng kumare ko. Hindi na kita sinama kasi alam kong maboboring ka lang. Ingat anak! Laging il-lock ang gate at pinto ha? I love you.
Napabuntong hininga na lang ako saka nilagay yung phone ko sa bag. Nakakainis! Bat ba ako naaapektuhan sa sinabi ni blyne? Hindi naman kasi totoo yon! No way! Pero bat kasi ganun yung itsura ni blyne kanina? Naiiyak sya. Seriously?!
"Lalim ng iniisip ha."
Napatalon ako sa gulat ng makita si patrix sa tabi ko. Agad nanlaki ang mata ko. Kanina pa sya dyan?! Hindi ko man lang napansin?!
"Gulat na gulat? Well, sa ganda kong 'to for sure magugulat talaga lahat. Btw, dahil tinapon mo yung cookies ko, bayaran mo yon. Ilibre mo na lang ako ng pamasahe. Sab-"
"Kuya sakay ako!" nagmamadali akong sumakay ng tricycle. No! Hindi sya pwedeng sumabay sakin! Napapikit pako ng marinig kong tinawag nya ako.
Ano bang nangyayari saken?! Hindi ka nya gusto at never mangyayari yon for sure! Sinabihan nya nga ng maganda ang sarili nya e. Tama! TAMAAAAA!
"Hija? Saan ka?"
"Kila patrix po." agad akong natigilan. Naman! Nakakainis. "Ah, sa may green gates subd lang po hehehe."
Napasabunot ako sa buhok ko. Nako naman elocin! Gumising ka nga! Jusmeyo marimar. Kailangan kong magfocus!
Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay nagmamadali akong nagbayad at nagmamadali din akong buksan ang gate. Ayokong lumingon sa likod ko dahil yon ang bahay nila patrix. Gusto ko na din itapon ang bag ko ng hindi ko makita yung susi. Parang natatanga na talaga ako! Yun pala nasa bulsa ko lang.
"Hala ka elocin! Anong nangyayari sayo?"
Napatingin ako kay esa na mukhang may pinuntahan. Oo nga pala, parehas kami ng subd. Jusko, parang maiiyak pako ng biglang magvibrate ang phone ko. Si gela nagtext.
Gela baleeeew :
Huy! Pupunta ako dyan. Otw nakooo.
Napapikit na lang ako at nagmamadaling pumasok sa bahay. Agad naman sumunod sakin si esa na takang taka sa kinikilos ko. "Bakla, may nangyari ba? Di lang ako nakapasok ah."
Pinagpapawisan na talaga ako. Dali dali akong umakyat at nagbihis. Saka dali dali din akong bumaba at sinarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
enemies
Teen Fiction"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...