e 50

1.5K 46 49
                                    

elocin





"Saglit lang! Bat mo ba hinihila yung bag ko?" inis kong inalis yung kamay nya sa strap ng bag ko.





Sumimangot sya sakin, "Bagal mo kasi!"





Inirapan ko sya, "Ano na yung sasabihin mo?"





Napatigil naman sya kaya napatigil din ako. May tinitignan sya kaya tinignan ko rin. Kingina, ano ba tinitignan nya? "Hoy, anong tinitignan mo?"





Tumingin sya sakin. Tahimik pa rin at parang may kung anong pumapasok sa utak nya, kumunot ang noo ko at saka sya tinapik sa braso, "Hoy!"





"Kain tayo elocin, gutom ako." sabi nya saka dali dali naglakad. Napanganga ako, ang weird talaga nen'to! Tatahimik bigla tapos gutom lang pala, hinayupak.





Sumunod ako sa kanya, di ko alam kung saan kami kakain. Baliwag naman kasi 'to si patrix, mukhang maglalakad pa ata kami. "Maglalakad ba tayo? Bat ba ayaw mo na lang sabihin kung ano yung sagot mo sa tanong ko kanina?"





Pero di pa rin sya humihinto at patuloy pa rin sa paglalakad. Sinamaan ko sya ng tingin kahit di sya nakatingin sakin. Nanatili lang ako sa likod nya at sumusunod sa kanya hanggang sa makapunta kami sa bagong bukas na kalenderya.  Sumalubong sakin yung amoy ng mga pagkain, gagi ang sarap!





"Mukha kang tanga ghorl," tinampal nya yung kamay nya sa mukha ko kaya agad ko yun inalis. "Singhot ka pa dyan, mukha kang adi-ARAY!"





Hinawakan nya yung ulo nya nung binatukan ko sya. Ang hilig hilig nya talaga mang-inis. Ang galing galing nya e 'no? Ako na nauna pumasok at talagang ang bango ng mg food huhu. Kahit di ako gutom, magugutom ako bigla.





Tinignan ko yung mga pagkain, talagang nandun na ang target lock ko sa chicken curry at shanghai pati yung tortang talong saka yung meatballs at chapsui.






"Ano gusto mo?"






"Ay piste," napahawak ako sa dibdib ko saka ko sya tinignan. "Bat ka ba nanggugulat?"






Kumunot ang noo nya, "Ha? Tinga ka ghorl? Di naman kita ginugulat. Sabi ko kung anong gusto mo?" kinuha nya yung wallet nya sa bag tapos nagtingin din sa mga pagkain.






"Bakit? Libre mo?"






Tinignan nya ako saka sya dumila, "Asa ka. Kkb tayo here 'no."






Napasimangot naman ako, kingina nen'to. Dadalhin ako dito para kumain kahit di naman ako gutom tapos di naman pala libre. Sarap konyatan! Kinuha ko rin yung wallet ko at tinignan kung magkano pera ko, 163 na lang! jusme.






Agad naman sya tumawa at saka kinuha ang wallet ko, "Bopols! Syempre lilibre kita, sabihin mo na sa akin kung anong gusto mo."






Ngumiti naman ako ng nakaka-loko, "Sure? Kahit madami?"






"Kaya mo ba ubusin? Wag ka magsayang woy!" pinitik nya yung noo ko kaya hinimas ko yon at sinamaan na lang sya ng tingin. "O sige, pili kana."






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon