e 20

706 39 2
                                    

Elocin

Tinitignan ko pa din si patrix. Bat ang tahimik tas nakatulala lang? Tas di talaga ako pinapansin!

"Ooooy, si elocin nakatingin kay patrix ayan ha." hindi ko pinansin yung sinabi ni esa.

Tumayo ako saka pumunta sa tapat ni patrix. "Oy! May problema ka ba? Napipe ka na ata ha?"

Pero waley pa din. Haluh, si bakla, baliw na talaga.

Natampal ko na lang yung noo ko. Ano ba kasing nangyayari dito?

Hindi nya ako tinitignan. Hindi ko alam pero naisip kong hawakan yung noo nya, baka may sakit kasi 'to eh.

Lumaki yung mata ko nung sobrang init nya! "Ang init mo!"

Mas nagulat ako ng hawakan nya yung waist ko at isuksok yung ulo nya sa may tyan ko banda.

Nakaupo kasi sya tas ako natayo. Oke? Pasalamat 'to at may sakit kundi jinombag ko na! Yakapin ba naman ako!

"OY TIGNAN NYO GUYS! ANG SWEET NILA OH! YIIIE TEAM PATRIX AT ELOCIN TAYOO YEEY!"

Nakakainis talaga mga classmate ko. Parang mga kaibigan ko lang e. Konting gestures lang ini-issue agad jusq. Sarap gilitan e.

"Mga baliw! May lagnat si patrix! Tigilan nyo yang mga ayiie ayiiee nyo ah! Krompalin ko kayo!"

Pero mas lumakas lalo yung ingay. Tangama, ano ba aasahan sa mga 'to? Di na ako nasanay, grr.

"Hoy manahimik nga kayo guys! Tigilan nyo yan! Elocin, dalhin mo na sa clinic si patri-"

"Ms. President, sama kami kay elocin!"

"Hindi pwede gela, isa lang muna. Sige naaaa, elocin. Yiie, fighting!"

Mapapabuntong hininga ka na lang kasi pati si ms. president nakiki-ayiie. Kainis.

Agad ko naman hinawakan yung kamay ni patrix, "Tara patrix, punta na tayo clinic."

Actually, pinilit ko pang itayo sya kasi ayaw pa tumayo ni bakla.

Super hirap dalhin sa clinic ineng! Ang bigat kaya tas parang hinang hina pa syaa.

First time ko makapunta sa clinic. Strong ako kaya hindi ako nagkakasakit. Oha oha.


Natutulog na si patrix ngayon. Pinipilit nga ako ni mam, sya kasi yung nurse dito, na bumalik sa room kaso ayaw ni patrix.

Takot ata magisa 'toh e. Wala akong magawa kaya tinignan ko na lang sya, kung tutuusin talaga, pogi talaga etong si patrix.

Nung unang kita ko nga, napogian din ako kaso mas nangibabaw yung inis e!

Haba ng pilikmata e. Penge naman! Sobrang perfect pero mas perfect si glenn hehez.

Bat kasi inaagaw nento bebe q glenn e. Hayp. Magkakasundo sana kami neto.

Dahil wala akong magawa, binilang ko na lang yung pilik mata nya. Mahirap, pero wala kang pake!

Lumapit ako kasi hindi ko mabilang ng maayos. Sobrang lapit tuloy.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibilang ng biglang minulat yung mata nya.

Dahil sa gulat ko, nalaglag ako sa upuan. Omagad! Ang precious pwet ko! Huhu.

"Ano ba yan patrix! Bat kasi bigla ka na lang mumulat?!" tumayo ako saka umupo na ulet sa upuan.

Umupo sya saka ako tinignan. "Dapat nga ako yung nagtatanong e." tinignan nya ako at halos mawalan ako ng hininga. "Bat ang lapit mo sakin?"

"Eh b-bakit?! Akala mo naman talaga! T-tigilan mo nga ako!"

Ngumiti lang sya tas parang nakakainis! Bat sobrang pogi nya don! Tama na elocin! Ibahin naten ang usapan. "Hindi na masakit ulo mo?"

Umiling sya. "Di naman ganon ka ano."

Tas tinignan nanaman nya ako. Di ako sanay! Napakalmado nya! Naiinis ako. Tas kung makatingin pa e.

"Elocin, why do you look so," mas tinignan nya pa ako. " beautiful?"

A-ano daw? NAKAKAINIS KA PATRIX! Nararamdaman ko na umiinit na yung pisngi ko. Nakakainis talaga! Huhu.

"Pero mas maganda ako." saka sya tumawa ng malakas.

Osige, ganda na sana e. Badtrip din etong si patrix e.

"Akala mo talaga sasabihan kita ng maganda? No, never. Ako pinakamaganda ano."

Niroll ko na lang yung eyes ko saka na tumayo.

"San ka pupunta?"

"Malamang, babalik na ako sa room! Baliw ka? Di naman na pala ganon masakit yung ulo mo e."

Dirediretso akong lumabas. Di ko na hinintay yung sasabihin nya kasi nakakainis.

Kaso bigla nya akong hinatak at pinasok sa loob. Ge, hataw.

"Pikon mo gurl. Btw, thank you."

"Truth ba yan? May lagnat ka pa ata patrix e."

"Truth etong thank you ko ineng. From mah bottom of mah heart."

Niroll ko na lang eyes ko. Ggera.

"Serious ako 'teh."

"Uloks." bulong ko saka nagroll eyes ulit.

"Edi bahala ka sa buhay mo! Kung ayaw mong maniwala, di wag. Kaarte-arte neto." sabi nya at inis na tumalikod sakin.

Waaaaaaaw. Sya pa may ganang magalit ha?! GRrrrrr

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon