e 17

675 45 3
                                    

Elocin

Nahati kami sa 7 grupo. As usual magkakagrupo kami ng mga bogsa kong prends. Pero kasama namin si glenn at patrix.

Ang pinahanap samin ay mga cd at glue stick den.

"Wag na tayo maghanap! Marami naman kaming cd sa bahay e. Mga hindi na nagagamit." sabi ni jhane saka kumamot.

"Malay mo, hindi sakto yung cd sa bahay nyo! Dalawa kaya candidate natin." -gela.

"Bat sinabi ko bang isa lang?! Isang box yon e. Kaya kakasya na yon." sabi ulit ni jhane saka binatukan si gela.

Nagaway pa si gela at jhane. Hinayaan lang namin dahil normal lang yan sa kanila.

"Psst. Elocin! Nakikita mo ba yun? Ha? Magkatabi si glenn at patrix! Pero nakakapagtaka kasi halatang hindi natutuwa si patrix." sabi sakin ni esa at kumunot pa ang noo.

Hindi ko na lang sya sinagot. Duh, may pake ako na katabi nya si glenn kapag good mood sya o di kaya malandi mode sya. Pero hindi ngayon.

Okay? So anong gusto nyo? Magsosorry sa kanya dahil sa ginawa ko? Hays. Ayoko nga!

"Tara! Movie marathon na lang tayo!" biglaang sabi ni gela. Buti naman at tapos na sila magaway ni jhane. "Dun sa bahay namin! Wala sila mamshie at papshie e! Nagdate, eh wala naman poreber."

Ilang beses pa kami kami nagtalo hanggang sa nag end up din naman kami sa panonood sa bahay nila gela.

"Oy teka mga guysue, bibili muna ako ng makakain naten! Oy jhane saka esa, sumama kayo sakin!" sabi ni gela saka pilit na hinihila yung dalawa.

Aba, at di manlang ako niyaya! Si esa at jhane lang talaga?! Tsk.

Nagulat ako ng tumayo si glenn bigla, "Oy sama ako. May bibilhin din ako."

Dahil kami lang maiiwan ni patrix, tumayo ako. "Sasama din ako."

"Ano ka?! Dito ka na! Walang magbabantay e! Tulog si patrix oh!" sabi ni jhane saka tinuro si patrix.

Waw, may tulog pala na nakamulat? Saya naman.

Umirap lang si patrix saka nagcellphone.

Ilang beses nanaman kami nagtalo at nagend up nanaman na kaming dalawa lang ni patrix dito! Napaka-akward kaya bes!

Umupo na lang ako sa kabilang dulo ng sofa. Habang si patrix ay nandon sa kabilang dulo ng sofa din. Nagc-cellphone lang at bahagya pang nakapout.

Ew. Mukha syang pato! Kainis talaga! Hindi pa pala ako nakakapagsorry ano? Tsk. At bat naman ako magsosorry?!

"Oy patrix!"

Aba at hindi lumilingon! Nakakainis ha.

"Hoy patrix! Sige, magbingi-bingihan ka! Tsk. Kinaganda mo yan?"

Abaaa, posible 'to. Hindi pwede. Nagmamaganda nanaman toh si patrix.

At dahil hindi nya talaga ako pinapansin, lumapit ako sa kanya saka tinignan kung ano din yung tinitignan nya.

Oh~ nagfa-facebook lang naman pala e. Tas may biglang lumabas na chat head, pinindot yon ni patrix at ang nakalagay na message ay, 'oy bebe ni elocin'

"Teka! Ano?! H-ARAAAAY!" agad akong napahawak sa pisngi ko. Ansaket!

Sinampal lang naman ako nang patrix na 'to. Sure akong babakat yung kamay nya. Langya.

"Ano ba naman kasi ginagawa mo dyan babae ka ha? Nagulat ako kasi nagsalita ka! Ayan tuloy nasampal kita."

Inis na tinignan ko sya. "Nakakainis ka! Ansakit! Nagulat ako kasi nabasa ko don sa chat na bebe ni elocin! Hoy hindi moko bebe nuh!"

"Bakit?! Gusto ko bang sinasabihan ako na bebe kita?! Yak. Mandiri ka nga! Bebe ni glenn okay pa."

Huminga na lang ako nang malalim saka hinimas ang pisngi ko. Ansaket talaga.

Sandali kami natahimik. Nagkakatinginan tas iiwas din. Argh.

Umubo sya kunwari, "M-masakit pa din?"

"Hindi ah! Ansarap, pramis." ni roll ko eyes ko.

"Gandang sagot ha. Pagpatuloy mo yan." sabi nya saka nagroll eyes.

"Malamang! Masakit kasi 'to bes. Ang lakas nang pagkasampal mo! Try ko sayo ha?! Try ko?!"

"Ang ingay mo! Tsk. Kawawa magiging asawa mong babae ka."

"Hindi magiging kawawa si glenn nuh!"

"Lakas. As if naman mapapangasawa mo si glenn. Akin sya elocin. Akin."

"Akin okay! At saka kung nakakalimutan mo," tinanggal ko yung kamay ko sa may pisngi at inis na tinuro sya. "Ansakit nang ginawa mo ha?! Gumawa ka kaya nang paraan para mawala yung hapdi! Hindi yung dadagdagan mo pa yung inis ko an-"

P-potek. A-anong ginawa nya?!

"OMAGAAD SI ELOCIN AT PATRIX NAGHAHALIKAAAAAAAN WAH!"

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon