Elocin
Pagkatapos ng nakakatamad at nakakapagod at nakakainis na araw ay sa wakas uwian na.
Nandito na ako sa bahay at kasalukuyang hinahanap ang one and only kong mudrakels.
Nakita ko naman sya sa may dining table at nakatulala lang sya sa cellphone nya. Jusq. Sure akong nababaliw nanaman 'to si mama.
"Nandyan ka na pala anak." mangiyak-ngiyak na sabi nya.
Umupo ako sa harapan nya. "Bakit ka umiiyak ma?"
"Anak, correction. Naiiyak okay? Huhu. Alam mo kung bakit?" tas umarte pa sya kunwari na sobrang lungkot. Tingini.
"Oh bakit?"
"Kasi halos lahat ng latest na horror movie napanood ko na! Like I'm so lungkot elocin! Pano na lang ako manonood?! Ang horror movies pa naman ang laging nandyan para sakin, syempre nandyan ka din naman at papa mo pero sya lang ang nagpapaligaya sakin at nakakapawi ng pagkalungkot ko sa papa mo! Huhu. Elocin. Huhu."
Tinignan ko si mama. "Okay lang yan ma. Wag ka ng umiyak, sa mundong pabago bago."
Tumigil sya sandali saka pinunasan ang luha nya kunwari. "Oh okay na. Ang galing ko umarte sa part na yon! Oh anong gusto mong pagkain elocin? Hindi pa ako nakakaluto e."
"Kahit ano ma basta makakain hehehe. Akyat lang ako sa taas."
"Okiee dokiieeee elocin!"
Nung nakapunta na ako sa kwarto agad kong binagsak yung sarili ko sa kama. Nakakainis talaga si glenn!
Ang manhid manhid e! Inasar pa talaga ako kay patrix. As if naman, yuuuuck!
Kinuha ko na lang yung phone ko at napangiti agad ako ng si glenn ang wallpaper nito. Shetda naman. Y so pogi?
Nagising ako dahil sa ingay ni mama. Jusme, umagang umaga nakanta! Ingaaay amarn.
Inis na tumayo ako at ginawa yung mga routine ko tuwing umaga. Saka nako bumaba.
"Oh, morning morning elocin! Nagising ba kita?" ay hindi ma. Ganda nga nang gising ko e. "Sorry na. Pero aalis pala ako elocin! Kung gusto mo, papuntahin mo na lang mga beshies mo okaaay?"
"Saan ka naman pupunta ma? Ang aga pa ah."
"Basta. Secret hihi. O sige na, alis na ako naaaak! May pagkain na dyaaaan~ i love you!"
"I love you too ma!"
Tinatamad na umupo ako sa sofa. Sabado pa naman ngayon kaya walang pasok at siguradong mabubulok ako ngayon'g araw!
Agad ko naman in-open ang messenger ko at chinat sila na pumunta sa bahay.
Pagkatapos non, kumain na ako at naglinis ng konti. Bibili na lang muna ako sa may mini stop malapit dahil alam kong mga shutay tomi yung mga beshie ko.
Sinarado ko na yung gate saka na ako nags-start maglakad. Ilang lakad lang nakapunta na ako sa mini stop. Bumili lang ako ng ice cream at ilang chips.
Naglalakad nako ng biglang, "Aray!"
Nahulog pa tuloy yung mga binili ko. Ang shunga naman kasi ng buman-wait! Si patrix?!
Inirapan naman ako ni patrix. "Hanggang dito ba naman nakikita kita? Tss."
Umirap din ako. "Wow ha. Parang ang saya ko din na nakita kita ngayon. Kahit saan ba naman nandyan ka? Grr. Ano ka? Kabute?!"
Saka ako yumuko para kunin yung binili ko pero tingini talaga! Parehas kaming yumuko ni patrix kaya ang ending, nagkauntugan kami! Napahawak ako sa noo ko. "Pitingini naman patrix! Ansakit!"
"Argh. Saket." humawak din sya sa noo nya.
Inis na kinuha ko yung paperbag saka sya tinignan, "Bat ka ba kasi yumuko ha?! Ansakit tuloy!"
"Sorry ha. Pero hindi ko alam na yuyuko ka din! Ako na nga magmamabuting loob e! Kukunin ko sana yung paperbag! Aish, saket."
Umirap na lang ako saka na naglakad. Naiinis talaga ako! Lagi na lang nya ako iniinis!
Nararamdaman ko naman na sumusunod sya kaya tumigil ako, "Sinusundan mo bako?!"
Tumaas ang kilay nya. "Heller, kasunod-sunod ka ba? Mahiya ka nga!"
Nakailang irap na ata ako kapag kasama ko 'tong si patrix kaya mas nauna akong maglakad.
Nararamdaman ko pa din na sumusunod sya pero hindi ko na lang pinapansin. Mamaya magkaroon pa ng world war 3.
Mas naiinis nako ng malapit na kami sa bahay pero bat nakasunod pa din sya?! Pero tiis pa, tiis pa elocin! Wag magpapadala sa inis na nararamdaman mo!
Pero nainis na talaga ako ng nasa tapat na kami ng bahay ko. Kaya nilingon ko sya at nagtatakang nakatingin sakin. Ganun din ang ginawa ko sa kanya.
"Hoy baklita, sabihin mo nga. D-dyan ba ang bahay nyo?" medyo kinakabahan nyang tanong at itinuro yung bahay namin.
Tumango tango naman ako. At kinakabahan naman akong tinuro ang bahay na nasa tapat, "Yan ba ang bahay nyo bakla?"
Sabay kaming tumango at guess what, parehas kaming napapadyak sa sahig.
BINABASA MO ANG
enemies
Teen Fiction"ANG KAPAL NANG MUKHA MO HA! ANO?! AKIN SYA! BAKLA KA! HA?! GIGIL MOKO?! ANO?! SAPAKAN?! BAKLA! BAKLA!" "ANG KAPALZ DIN NANG BALAT MO TIIH. CHAKA MO NAMAN, HMP! MAGGI KANG LUMAPIT SA BEBE KO AT MASAMPAL KITA LEFT AND RIGHT?! NAIINTINDIHAN MO?! PSH...