e 34

669 31 0
                                    

Elocin

"Stop overthinking okay?"

Agad akong tumingin kay gela. Nasa canteen kami at hanggang ngayon ay hindi pa din nakakabalik si esa. Sobrang daming estudyante ngayon and i don't know why. Tagal nya tuloy makabili hays. "Overthinking? Duh. Hindi kaya."

Natawa nanaman sya, "Gurl, wag masyadong affected. Napaghahalataan ka."

Kumunot ang noo ko, "Gela you're acting weird. Si glenn lang ang gusto ko at hindi magbabago yon."

"Really?" ngumiti lang sya at saka na tinuon ang atensyon sa phone nya. Sarap pektusan ne'to.

Napatitig na lang ako sa harapan namin at kapag pinaglalaruan ka nga naman. Si blyne at patrix ang nandon. Paiyak na si blyne halata. Kahit wala namang sinasabi na kahit ano si patrix. Like duh, anyare beh?

Umiling na lang ako. "Asan nanaman pala si jhane? Bat absent nanaman ang gaga?"

Speaking of jhane nakikita ko na syang papalapit dito. Ang problema nga lang e, hindi sya nakauniform. Aaminin kong ang ganda talaga ni jhane at sobrang liit ng bewang nya! Kitang kita yon ngayon kasi naka high waist pants sya at sobrang fit non. Napapalingon tuloy sa kanya yung mga lalaki. GRrrrr mga lalaki talaga.

"Hoy guys! I miss you. Hindi pala ako makakapasok ng 1 week ha? Uuwi kami ng laguna kasi namatay si lola." malungkot na sabi nya.

"Condolence jhane." mahinang sabi ni gela at ganon din ako.

Ngumiti lang sya, "Asan nga pala si esa? Naglalandi nanaman?"

"Hindi. Nabagsakan na ng kung ano at hindi na nakabalik. Medyo nagaadik na ata sya don." tumawa ako ng sobrang lakas.

"Troot gurl? Dami kasing tao ngayon. I dunno why. Pansin nyo din ba yon?"

Tumango lang ako saka nilibot ang paningin ko. Sure akong hindi pa din nakakabili yon si esa.

"Oy, balita ko may chika daw si gela tungkol sayo?" sabi ni jhane kaya agad kong sinamaan si gela na parang walang naririnig. "Ano yun gurl? Baka balak mong i-share yan?"

"Pagbalik mo na lang."

"Duga mo neng. Sa lovelife mo ba yan? Nagimprove na ba ang lovelife mo kay glenn?" umiirap pa nyang sabi habang natatawa.

"Nako, watch ka dai. Jowaerz ko na next week si glenn." nagflip pako ng hair.

"Nako, sasampalin kita kung ganon para magising ka."

Nagtawanan pa kami nila gela at jhane. Pero maya maya umalis na lang din si jhane. Gusto pa sana nyang magpaalam kay esa kaso mukhang tatagal ng ilang taon don yon.

"Puntahan ko na kaya? 10 minutes na lang natitira sa recess natin at nagugutom na talaga ako!" halos mabaliw na sabi ni gela saka na tumayo at umalis. Bastos 'tong plat na toh! Di man lang ako hinintay magsalita.

Nagcellphone na lang ako hanggang sa umupo sa harapan ko si err patrix? Bakit kailangan nya pa dito? Tumingin ako sa harapan na table at wala na si blyne don. Kaya pala nakalapit na 'tong shoklang to.

"Hoy wag mo kakalimutan bakla ah? This saturday. Need na ng mga bulate kong anak ang tempura at ice cream." naiinis na sabi nya.

enemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon