Simula

1.5K 50 0
                                    


Addison's POV

"Nasaan naba yun?!" Inis na sabi ko sabay halungkat ng gamit sa kabinet. 

Hinahanap ko ang kwintas na pinapatago sa akin. Dito ko lang kasi nilagay yun. Nasaan na kaya yun?! Ba't naman kasi nawawala? Di mo siya matatawag na kwintas dahil susi yun namay tali lang.

Patuloy lang ako sa pag hanap. Hanggang sa napunta ako sa ilalim ng kama. May nahawakan akong isang box. Kinuha ko yun. Maganda siya, pero maitim. May crystals na nakapalibot. Napaka attractive at halatang expensive.

Paano naman kaya ako nagkaroon ng ganitong box rito?

Binuksan ko yun pero di ko mabuksan. Ganito talaga kapag expensive kaylangan pa ng something para mabuksan kasi may nakatagong kayamanan sa loob. 

May lock siya at kailangan ng susi. Sayang naman. Baka kasi may kayamanan at pagnagkataon na meron di na ako maghihirap at ako na ang pinakamayamang tao sa mundo. Hahaha!

Bumalik ako sa paghahanap ng susi.

Wala naman kasing patutunguhan ang pangangarap ko sa isang imposibleng bagay pero ang susi para magawa mo ang isang imposibleng pangyayari ay kaylangan mong isipin na posible ito.

Habang naghahanap ako di ko malimutan ang box at ang posibleng laman nito.

Wala sa ilalim ng kama ang susi kaya nagpasya akong lumabas sa kwarto at maghanap sa ibang lugar.

Ilang oras ang nakalipas, wala talaga.

Susuko naba ako? Kapagod kaya maghanap.

Sa cabinet ko nga lang yun nilagay, eh!

Bumalik ako sa kwarto para maghanap ulit. Nagulat nalang ako nang nakita ko ang kwintas na katabi ang box kanina.

Oh... at papano naman to napunta rito? Kinilabutan agad ako. Imposibleng nandito ito. Wala ito kanina rito at wala akong kasamang tao rito sa bahay kundi ako lamang.

Pinaglalaruan kaya ako? Siguro.

Nagkibit balikat ako, kung pinaglalaruan man ako pwes di nakakatuwa.

Wala akong kasama dito sa bahay kaya naman alam ko na kung sino ang may kagagawan... On the second thought meron pala akong kasama.

Isang ispirito. Di ko sila nakikita ngunit nararamdaman ko sila. At sa kwartong ito. Pamilyar ang enerheyang iyon. Enerhiya ng isang spirito. Hindi sila nananakit ngunit makakaramdam ka nalang ng kilabot at minsan makakarinig ka ng yapak sa sahig.

"Ikaw pala ang nagtago, huh? Masaya kana ba ngayon?" Tanong ko sa kanya. I talked to the spirits. Di ko alam kung ilan silang naninirahan rito ngunit lagi ko ailang kinakausap.

Naramdaman kong humangin. Napangiti nalang ako. Gusto niya bang maglaro?

Pwes, wala ako sa oras makipaglaro ngayon. May kasama ako... Roommate ko siya, di ko nga lang nakikita. Nararamdaman ko siya dito sa kwarto. Mas malakas ang enerhiya niya sa kwarto. Di ko alam kung iisa lang o marami sila ngunit may nararamdaman akong specific na enerhiya na nararamdaman ko kapag nandito ako sa kwartong ito.

Kinuha ko ang kwintas sa sahig kasabay ng box. Ipinatong ko ito sa kama. Tiningnan ko sila.

Mukhang sakto ang hugis ng susi sa lock ng box.

Sinubukan ko ito. Pinihit ko ang susi at nang narinig ko ang 'click' ay sumilay ang ngiti ko.

Ano to? Coincidence? Yayaman naba ako?

Nang binuksan ko ang box ay bumungad sa akin ang isang maliit na modelong manika na may itim na dress. Naka ponytail pa ito. Tumunog ang isang kantang di ko pa naririnig.

Malumanay lang ito at nakaramdam ako bigla ng takot. Ang creepy! Akala ko kayamanan na!

Para siyang music box pero iba ito sa ordinaryong music box. Ang imbes na ballerina ay babaeng mapupula ang mata at may kulay itim na pakpak. Pula rin ang labi nito at napakaputi.

Ngayon lang ako nakakita nito. Sa likod ng babaeng manika ay may maliit na salamat.

Sumilip ako sa salamin ng music box at bigla nalang ito lumabas ng maitim na usok. Napaatras ako at dahil sa pag atras ko nahulog ako mula sa kama.

Ang usok ay nagtipon sa harapan ko. Nang nawala ang usok ay nasilayan ko ang isang makisig na lalaki. Napa gwapo at pula ang mga mata nito na imbes ay itim sa gitna. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, abs... May abs siya bumaba pa ang tingin ko at ngayon ko lang narealize na wala pala siyang kahit anong saplot.

"AAAAAAAHHHHHHH!!!!!"

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon