kabanata 33

213 13 0
                                    

Addison's POV

Pumasok ako sa bahay at napasandal nalang sa pinto. Galit nanaman si Caspion. Di pa nga ako nakakahingi ng tawad sa kanya nung una, may dumagdag pa ngayon.

Ano naman kasing big deal sa pagtanggi ko na di ako ang girlfriend niya?

Napabuntong hininga ako. Ang OA naman kasi ni Caspion.

Napatigil ako sa pag iisip nang may narinig akong tawa ng isang baby. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napatuwid ako ng tayo at pinakinggan kung saan nanggagaling ang tawa.

Sinundan ko ang boses at nakita ko nalang ang sarili ko na nasa harap ng kwarto ni Kylie.

Nanginginig ako habang hinahawakan ang doorknob, inikot ko ito at binuksan ang pinto. Nakita ko si Kylie na may bata sa dibdib niya habang nakahiga siya.

Napatingin si Kylie sa akin.

"Oh? Nandito kana pala." Nakangiti niyang sabi. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Nangilid na ang luha ko. "Oh? Ba't parang iiyak ka diyan?"

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang bata. Naalala ko si Azi. Di ko nakita si Azi noon na baby.

Nang ginawa ni Hecate na palabasin ang bata sa tiyan ko may usok lang na nagmula sa kamay niya at pumasok sa pusod ko at lumabas din ito agad pero ramdam ko noon na may kinukuha siya sa tiyan. Nawalan nalang ako ng malay pagkatapos nun at nagising nalang ako na kaibigan na si Annie at tao na si Jake. Di ko nasaksihan ang paglaki ni Azi.

Mahinang napatawa si Kylie. "Gusto mong hawakan?" Di ako makasagot. Nanginginig ako. Dahan dahang umupo si Kylie habang maingat na iinarga ang bata.

Di ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko para kunin sa kanya ang bata ng dahan dahan.

"Miss mo na si Azi?" Tumulo ang luha ko. Umiyak ako at tumango.

"Sobra..." Sabay singhot ko.

Nilaro ni Kylie ang kamay ng bata. Tumawa ang bata. Teka, kaninong bata, to?

"Kanino palang bata, to?"

"Akin." Gulat akong napatingin sa kanya.

"Di ko nga nakita ang umbok ng tiyan mo, tapos sasabihin mo sayo, to?!"

Mahina siya napatawa at hinalikan ang kamay ng bata.

"Anak ko siya. Iba ako sa mga tao. Kaya iong mabuntis na di umuumbok ang tiyan."

"Saan mo ito nilabas?" Napatingin ako sa gitna ng hita niya at bumalik sa kanya.

Tumawa naman siya. "Mahirap e-explain pero di ko siya nilabas kagaya ng nasa isip mo."

"Anong pangalan niya?" Tanong ko. Tiningnan ko ang bata pamilyar ang mata niya. Namana niya ito kay Kylie pero parang nakita ko na dati ang mga mata niya.

"Annie." Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya pabalik sa bata. Si Annie?! Tung batang ito?! Pero magkaedad lang kami, ah. "Iba si Annie sa mga tao, ang mga kagaya namin ay mabilis lang lumaki."

"Nakita ko si Annie makalipas ng ilang buwan bago ko napakawalan si Caspion sa music box. S-siya ba talaga ito?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Oo naman." Sabay halik niya sa bata.

Tumawa ang bata. "Naiinggit na ako, ah!" Pagmamaktol ko. "Mabuti ka pa, nagkaroon ka ng anak at nakakasama mo pa sila ng ganito, di gaya ko wala na."

Umiling siya at malungkot na ngumiti. "Di mo alam anong pinagdaanan ko. Nakita mo naman diba? Namatay si Annie at Jake sa kamay ng hari ng demonyo. Namatay parin sila. Di mo alam, marami na akong anak pero lahat sila namamatay kaya bumabalik ako sa nakaraan at binabago ang tadhana ko, pero kahit ganoon, alam kong mamamatay at mamamatay parin ang anak ko. Maswerte si Annie at Jake dahil sila ang nagtagal. Masakit na lagi kong nakikita ang anak ko na namamatay." Nakita ko ang luha na lumandas sa pisngi niya.

"Kung mag move on ka kaya at harapin mo ang bagong kabanata ng buhay mo."

"Yan ang gusto kong matutunan mo. Kalimutan mo ang nakaraan, gawin mo ang nakatadhana sayo sa panahong ito."

~•~

Nasa bisig ko si Annie at natutulog siya, kasing laki na niya ang 1 year old na bata.

Si Kylie naman, no where to be found. Ewan ko ba kung nasaan yun, bigla nalang nawala.

Ang cute cute pa naman ng baby niya. Iniiwan niya lang. May biglang kumatok sa pinto. Di naman yun si Kylie dahil kung si Kylie yun papasok lang yun na walang paalam. Nanggugulat nga minsan yun eh.

Lumapit ako sa pinto at binuksan yun. Gulat akong napatingin kay Caspion na nasa harap ko.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Napatingin siya sa bata pabalik sa akin. Napakunot ang noo niya.

"K-kaninong bata yan?" May takot sa mukha niya. Iniisip niya bang anak ko to?

Lihim akong napangiti. "Oo anak ko ito." Taas noo kong sabi.

Napalitan ng lungkot ang mukha niya. "Kaya ba ayaw mong magka-boyfriend dahil may anak ka?"

"Yeah..." Tango sabay iwas ng tingin. Di ko alam ano ang iniisip niya. Nakatingin lang siya sa bata.

"Pinapalitan mo naba si Azi?" Napatingin ako sa kanya. Di ko alam anong ibig niyang sabihin. Nangunot ang noo ko. Tinutukoy niya ba ang sarili niya o ang anak namin?

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti siya. "I'm back."

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon