Azrael's POV
"Ito." Sabay abot ni Addi ng susi sa akin.
"Ano ito?"
"Susi ng kwarto ko." Pumikit siya. "Puntahan mo sila Nash sabihin mo di ako makakapunta sa HQ" kausap niya si Jake. Ang multo dito sa bahay.
"O sige." At nawala na si Jake. Nandito na kami sa bahay.
"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ko kay Addi.
Nag iwas siya ng tingin. "E la-lock ko ang sarili ko sa kwarto at huwag na huwag mo ako pagbubuksan. Maliwanag?"
"Bakit?"
Umiling siya. Pumunta na siya sa kwarto. Ni-lock ko ang kwarto niya.
Lumitaw si Jade sa tabi ko. "Ang minamahal mong anghel ay magiging demonyo na sa gabing ito."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kagaya mo Azrael may lahing demon siya. Kaya lang sayo ay sumpa kay Addi naman likas, kumbaga kapag nag 18 na siya wala na ang angel mo dahil lalamunin na siya ng demonyo sa katawan niya."
"Di pa naman siya magiging 18 diba?"
"Nakatira na ako dito simula nung namatay ang magulang niya. Azrael, kapag kaarawan niya nagiging ganyan siya at habang lumilipas ang taon lalo siya lumalala."
"Last year nakapatay siya. Malinis ang pagkakapatay at walang saksi maliban sa akin. Nakikita ako ng demon niya. At nang bumalik siya sa pagiging siya ay wala siyang maalala. Di ko sinabi sa kanya ang nangyari pero nang nabalitaan niya na may pinatay sinisisi niya ang sarili niya at kanina di ko alam anong iniisip niya baka gusto niyang parayin yung mga kaklase niya."
"AAAAHHHHHHHHHH!!!!" Napalayo kami sa pinto ng may narinig kaming sigaw mula sa loob ng kwarto. Parang sinasaktan siya.
"Addi..."
"AZRAEL!! TULONG!!"
Lumapit ako sa kwarto.
"Huwag na huwag mo yang bubuksan."
"Di ko ito bubuksan." Pumikit ako at nag teleport sa loob.
Pagdilat ko nandito na ako sa kwarto ni Addi..
"Addi?"
"Azrael..." Tawag niya sa akin. Nandoon siya sa sulok ng kwarto. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Azrael..." Bigla nalang niya akong sinakal. Tumayo siya at inangat ako.
"Nasaan si Caspion?" Hindi ito si Addi.
"S-sino ka?"
"Azrael, Azrael. Nalimutan mo na agad?" Ngumiti siya at sa ngiti niyang iyon ay naalala ko na agad.
"Emma..."
"Ruler of the hell... Pero ngayon nasa katawan ng tao. At ang pinakamamahal mong anghel pa talaga. Kasalanan mo rin."
Binitawan niya ako at umupo sa kama.
"Pwede kitang patayin pero mamamatay naman ang prinsepe ko diba? Pwede mo rin akong patayin para mamatay din ang anghel mo. Haha! At kahit sirado ang lahat ng pinto at bintana, makakalabas parin ako."
Masama ko lang siya tiningnan. Siya si Emma ruler of the hell, sinumpa ko siya na makukulong sa katawan ng tao at ang taong yun ay ang anghel ko. Si Sariel. The love of my life. Angel of guidance. May misyon siyang bantayan ang isang bata. At ang batang yun ay si Addi.
"Alam kong makakalabas ka. Pipigilan kita."
"Di mo naman ako kaylangang pigilan dahil dito lang ako lalong lalo na dahil nandito si Caspion."
"Di na babalik si Caspion."
"Babalik siya!"
"Di ko yun hahayaan!"
Lumitaw si Jake sa harap namin. "Nasa sala si Nash at Marky may kasama sila ang pangalan ay Jing."
Tumango ako. Naniniwala naman ako kay Emma na di siya aalis.
Nag teleport kami papunta sa sala. "Anong kaylangan niyo?" Bungad ko sa kanila.
"May demonyo dito." Sabi ng isang lalaking di ko kilala baka siya si Jing.
"Meron nga." Nagulat sila sa sinabi ko.
"Nasaan si Addison?" Nagkatinginan kami ni Jake. Mukhang mapagkakatiwalaan naman sila.
~•~
Sinabi ko sa kanila ang lahat.
"Isang taon nalang pala ang titira sa kanya." Seryosong sabi ni Jing.
"Ano?"
"Isang taon nalang ang buhay niya. Mamamatay siya dahil lalabas ang anghel at demonyo sa kanya." Huminto siya. "Bumubuhay sa kanya ay ang anghel at ang demonyo kung aalis sila mamamatay siya."
"Paano mo naman nasabi?"
"Ganyan nangyari sa kapatid ko."
Lahat kami nagulat. "Sabi ni mama noong pinanganak si ate ay wala na itong buhay pero nakalipas ang limang oras na buhay daw ito at kada kaarawan niya lumalabas ang pagiging demonyo niya at nung nag labing walo siya, sa pag tatak ng alas dose ay sumigaw siya. Nakita ko mismo ang paglabas ng anghel at demonyo sa katawan niya at namatay siya." Bakas ang lungkot sa sinabi niya.
"Ibig sabihin isang taon nalang siya nabubuhay sa mundo..." Sabi ni Jake.
"Lumapit kami sa isang ispiritista at yun ang sinabi niya. Nabubuhay lang daw ang ate ko sa mga nilalang na nakatira sa katawan niya." Dagdag ni Jing.
~•~
Addison's POV
Nagising ako sa kama. Ano nakayang petsa ngayon? Lumipas kaya ang kaarawan ko? O nakapatay nanaman ako?
Bumangon ako. Nakita ko ang music box sa tabi ko. Binuksan ko ito gamit ang susi.
Lumabas ang babaeng manika at tumunog ang music.
"Nang dahil sayo nandito si Azrael ngayon."
Naalala ko si Azrael. Nasaan kaya siya? Lumapit ako sa pinto. Nakalock parin ito.
"Azrael!" Tawag ko.
"Bakit?" Narinig ko mula sa likod. Lumingon ako sa kanya.
"Buksan mo na... Wala bang nangyari... Habang wala ako?"
Malungkot siyang ngumiti. Hinawakan ko ang mukha niya. "Ayos ka lang?" Kinuha niya ang kamay ko na nasa mukha niya at hinila niya ito palapit sa kanya. Napalapit din ako.
At hinalikan niya ako.
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...