kabanata 29

233 13 0
                                    

Addison's POV

"Nakita ko siya kanina, Kylie. Mukhang siya talaga, eh. Wala lang maalala." Humina ang boses ko sa huling pangungusap.

Napailing naman si Kylie na parang imposible talaga mangyari. Si Kylie ang ina ni Jake. Pero mukhang di niya kilala si Kylie dahil nagtanong pa ito sa akin. Di ko nalang simagot dahil gusto kong si Kylie ang magsavi sa kanya.

"Paniwalaan mo naman ako, Kylie. Nakita ko siya. Galaw niya, boses, mukha, lahat. Ang mata lang ang nag iba, kulay itim." Malungkot kong saad.

"Nasaan ang music box?" Kinuha ko sa cabinet tabi ng kama at binigay sa kanya. Nakatayo siya habang ako nakaupo lang sa kama.

Kinuha niya ito. May puting liwanag sa mata niya at naglaho din agad. Iniabot niya sa akin ang music box. Kinuha ko naman din ito.

"Nandiyan ang kapangyarihan ni Caspion pero di ko maramdaman ang katawan niya. Katawan lang ni Azrael ang nararamdaman ko."

"Anong ibig sabihin nun?"

"Di ko alam." Nagkibit balikat siya. "Pupuntahan ko muna ang God of prophecy, si Apollo. Baka alam niya."

"May koneksyon ka sa kanila?"

"Oo naman. Sila ang gumawa sa akin. Pinagsama-sama nila ang mga kapangyarihan nila at nabuo ako, kaya lang kapalit nun, bawal magkaanak, kaya inaalagaan ko si Annie at Jake dahil sila lang ang tumagal."

"Teka, nasaan pala si Annie ngayon?"

"Sa panahong ito di pa siya nagagawa."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Nalilito na ako kay Kylie, ah.

"Sa mga panahong ito may relasyon pa kami ng tatay niya." Magtatanong na sana ako ngunit nawala nalang siya. Di ko parin siya maintindihan.

Napakamot napang ako ng ulo. Humiga ako sa kama. Di ko na maintindihan ang nangyayari.

~•~

Tumakbo lang ako hanggang sa makakaya ko. Tiningnan ko ang liwanag na nagmumula sa buwan.

Para sa akin ang pagtakbo ko ay pampawala ng stress ko. 7 narin ng gabi pero nandito parin ako sa labas at tumatakbo.

Wala naman akong pakialam sa mga tambay. Madali ko mauupakan. Tinuruan kaya ako ni Annie na makipaglaban.

Teka, sabi ni Kylie di pa nagagawa si Annie pero bakit parang magkaedad lang kami ni Annie?

Tatanungin ko nalang mamaya. Tumigil ako sa pagtakbo nang mukhang napapalayo na ako. Di ko na alam kung nasaan ako. Wala ako sa sarili habang tumatakbo kanina.

"Bakit ka nandito?" Bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig siya. Nasa likod ko siya. Pumihit ako patalikod para maharap siya at siya nga.

"Uhm..." Ano bang pwedeng idahilan? "Tumakbo lang ako at napadpad dito."

Lumapit siya sa akin. Hinipig niya ang ulo niya patakilid na parang inoobserbahan.

"B-bakit ka pala nandito?"

Tinuro niya ang isang mansyon. "Bahay ko." Tipid niyang sagot.

Tumango ako. Tinuro ko ang daan sa likuran niya. "Alis na ako." Nilagpasan ko siya.

"Hatid na kita." Napahinto ako at nilingon siya. Ngumiti ako at umiling.

"Huwag na."

"Gabi na Addison." Baritono niyang sabi.

"Ayos lang talaga ako." Sabay tango ko. Kung makaksama ko siya maaalala ko lang si Azi at ang dating Caspion.

Tumalikod ako sa kanya. Naglakad na ako. Napahinto nalang ako nang naramdaman ang kakaibang sakit na galing sa dibdib. Sumisikip ang dibdib ko at di ako makahinga. Napahawak ako sa dibdib ko pero di parin mawala. Napaluhod ako. Hinahabol ko ang hininga ko.

"Addison." Yun ang huli kong narinig bago dumilim ang lahat.

~•~

Nagising nalang ako nang narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Dinilat ko ang mga mata ko. Inobserbahan ko ang paligid. Wala ako sa kwarto ko. Napabangon ako at inalala kung anong nangyari.

"Ayos ka lang?" Nag angat ako ng tingin sa nagsalita.  Si Kylie.

"Nasaan ako?"

Lumapit siya at bumulong. "Sa bahay ni Caspion." Tapos lumayo siya. Tumango ako.

"Ba't ako nahimatay?"

"Di mo maalala? Di ka kaya makahinga."

"Bakit nga di ako makahinga?"

"Nalimutan mo na? Birthday mo bukas. 17th birthday mo. Syempre lumalabas si Emma pag birthday mo." Umupo siya sa kama. Tama. Kaarawan ko pala bukas.

Si Emma siya ang pumatay sa anak ko. Naikuyom ko ang kamay ko. Gusto kong patayin ang sarili ko para mamatay din siya kaya lang madadamay si Sariel.

"Teka, tungkol pala kay Caspion." Humina ang boses niya na parang ayaw niyang iparinig sa iba.

"Bakit? May balita naba? Anong sinabi ni Apollo?"

"Hush! God Apollo. Magbigay ka naman ng galang." Umikot ang mata ko.

"Oh? Anong sabi niya?"

"Nasa propesiya na 'babaguhin ang tadhana, babalik ang minamahal, sa oras ng katapusan' yun."

"Akin ba yan? Tadhana ko ba yan?"

Tumawa siya. "Hindi." Nawala naman ang excitement ko. "Sa akin yun. Ang sayo ay di dapat pwedeng sabihin."

"Bakit naman?"

"Baka baguhin mo ang nasa propesiya."

"Alam ko kung ano ang tadhana ko, mamamatay ako." Malamig kong sabi.

"Addi, iba ang propesiya sa tadhana, okay? Ang tadhana ikaw ang gumagawa, ang propesiya ay sigurado na mangyayari. Kahit anong pili mo tatapos ka parin sa nakasaad sa propesiya." Mataray niyang sabi.

Bumuntong hininga ako at nag iwas ng tingin. "Wala akong maintindihan."

Nagpakawala siya ng isang tunog na nagsasabing iritado siya. Bumukas ang pinto at niluwa ang ama ng anak ko.

"A-azi..." Ngumiti ako sa kanya.

"Pasensya na nakaabala ata ako."

"Hindi naman." Sabi ni Kylie. Tumingin si Kylie sa akin. "Huwag kang pumasok ngayon. Alam mo naman kung ano ang mangyayari. Aalis muna ako." At umalis si Kylie. Naiwan kami ni Caspion dito.

Naghari ang katahimikan sa amin pero agad naman din niya itong pinutol.

"Ayos kana ba?"

Ngumiti aki at tumango. "Salamat pala sa pagpapatuloy. Nakaabala pa ako."

"Huwag kang magpasalamat." Sumilay ang kakaibang ngisi niya. Ngisi niyang may binabalak. "May kapalit yun."

Kumunot ang noo ko. "Ano naman?"

"Be mine in one night."

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon