Addison's POV
Tinakpan ko ang mata ko.
"Oh my gosh!! My virgin eyes!!"
"Sino ka?" Narinig kong tanong ng lalaking nasa harapan ko.
"Bwisit! Mag damit ka!!" Sigaw ko sa kanya. Di ko alam bakit napasigaw pa ako sa kanya kahit na natatakot ko.
Naramdaman ko ang yapak niya papalapit sa akin.
"Tapos na." Tipid niyang sabi. Kinuha ko ang kamay ko sa mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha niya.
"WAHH!" Bumaba namang ang tingin ko sa pagkalalaki niya. Pinikit ko ang mata ko. "Sabi ko! Magdamit ka!!"
"Open your eyes." Utos niya
Di ko siya pinakinggan. Sino siya para utos utusan ako? Di nga niya sinunod ang utos ko eh.
Umiling ako. Kinikilabutan ako.
"Open your eyes." Mariin niya utos. Parang may isip ang mata ko at sinunod ang utos niya.
Diretso sa mata niya ako nakatingin. Gusto kong tumingin sa ibang dereksyon pero parang naka lock na ito sa kanya.
Mataman niya akong tiningnan. Unti-unti lumapit ang mukha niya. Inatras ko naman yung akin. Nakaupo ako sa sahig at ang mga kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko. Ginamit ko ang kamay ko para masuportahan ako sa patuloy na pag atras.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya.
"A-addison..."
"Tell me Addison, how did you do that?"
"Did? What?"
"Are you..." Umiling siya. "Impossible."
"A-ano bang kaylangan mo?"
Ngumiti siya at mas nilapit pa ang kanyang mukha. Aatras pa sana ako nang hawakan niyang baywang ko para matigil.
Nanigas naman ako. Never pa akong nahawakan ng lalaki sa baywang ko. Tumingin ako sa kamay niyang nasa baywang ko, nang nag angat ako ng tingin ay napakalapit na niya. Naramdaman ko na ang ilong niya sa ilong ko at ang hininga niya sa mga labi ko.
Tiningnan ko ang pulang mata niya. At nang naalala ko na wala pala siyang saplot ay bigla ko nalang siyang tinulak.
"Alis! Alis! Umalis ka!" Tumayo ako at kinuha ang kumot para matabunan ang pagkalalaki niya. "Ang birhen kong mga mata!! Sino ka ba?! Ha!"
Ngumisi siya at tiningnan ako. Nakaupo lang siya sa sahig.
Kinalma ko ang sarili ko at pumikit. Naramdaman ko ang enerhiya ng kasama ko lagi at malakas na enerhiya ng lalaking ito.
Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang kasama ko dito sa bahay sa lalaking ito.
"Sino siya?" Bulong ko ng nakapikit.
'ang magbabago ng buhay mo'
Naramdaman ko ang kamay ng nilalang na nasa mga balikat ko.
"Anong ginagawa niya dito?"
Di na siya sumagot. Dumilat ako. Tiningnan ko ang lalaki at nakangisi siya habang nakatingin sa likuran ko. Tiningnan ko ang tinitingnan niya pero wala naman.
"Kaya pala..." Saad niya bigla.
Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasasabi niya?
"Ano ka ba?" Tanong ko.
Ngumiti siya. "Demon" sa mga natuklasan ko kanina naniniwala ako. Nakakaramdam na din ak
"Okay, magbihis ka. Dahil may klase pa ako." Tiningnan ko ang wrist watch ko. 7:45am. "Shit! Late na ako!" Kumaripas ako ng takbo. Kumuha ako ng damit at dumiretso sa banyo.
Limang minuto lang ay tapos na ako. Lumabas ako, wala na doon ang lalaki. Kinuha ko ang kwintas. Lumabas ako ng kwarto at bumaba na.
Di na ako kakain ng almusal. Nang papalabas na sana ako nahagip ng tingin ko ang isang lalaking nakaupo sa sofa.
"Oh? Ba't di kapa umalis? Akala ko ba aalis kana?" Tumayo ang lalaki at tiningnan ako. Salamat at nakapagbihis na siya. Bagay naman sa kanya. Black t shirt at dark jeans.
"Paano ako aalis kung may barrier na nakaharang?"
"Barrier?"
"Oo. Di ako makaalis."
"Bakit naman?"
"Nakakulong parin ako."
"Saan?" Naguguluhan kong tanong.
"Sa music box!" Irita niyang sagot. Pinaikot ko lang ang mata ko.
"Alis na ako!!" Sigaw ko, para makaalam ang nilalang na nasa loob ng bahay na di ko nakikita.
Tinakbo ko lang ang papuntang eskwelahan. Kung tatakbuhin ko ito sampung minuto lang mararating ko na ang eskwelahan.
Habang nasa gitna ako ng pagtakbo may biglang sumulpot sa harap ko at bigla akong niyakap. Mabibigat ang hininga niya at parang galing siya sa pagtakbo.
Tiningnan ko ang katawan niya at umuusok ito. Anong nagyayari dito?
"Anong ginagawa mo dito?"
Humiwalay siya sa akin. "Di ako pwedeng malayo sayo."
"At bakit naman?!" Irita kong tanong.
"Basta." Malamig niyang saad.
"Anong basta?! Wala ka talagang matinong sagot!"
Ngumisi lang siya. "Sa tingin mo ba maganda ang ginagawa mo? Pinagtitinginan kana ng lahat, di mo ba napapansin?"
Nanlaki ang mata ko at tumingin sa paligid.
Ang iba natakot, ang iba natawa, nagbubulungan. Napayuko nalang ako at tumakbo papalayo.
"Bwisit ka talagang demonyo ka.." irita kong bulong.
Narinig ko ang tawa niya. "Di pa dyan nagsisimula." Bulong niya.
Narinig ko kaya yun.
Pumasok na ako sa classroom. Marami ng estudyante pero wala pang teacher. Yumuko ako at dumiretso sa upuan ko.
Naramdaman ko nanaman ang enerhiya ng mga nilalang. Umupo ang lalaking demonyo sa katabi kong upuan. Walang nakaupo diyan kasi walang gustong tumabi sa akin.
Narinig na kasi nila na nagsasalita ako mag isa na sa totoo lang ay kinakausap ko ang ibang nilalang.
"Ang daming ispirito dito." Sabi ng lalaki na nasa tabi ko.
"Nakikita mo sila?" Bulong ko.
"Uhm... Oo."
"Bakit kita nakikita?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nakakakilabot na ngiti.
Bakit laging ganyan ang sagot niya...
'prinsepe'
'nagbalik'
'bumalik ka..'
Mga naririnig ko mula sa mga nilalang. Napatingin ako sa katabi ko. Nakatingin na siya sa harapan.
Ano ba ang tinatago mo?
![](https://img.wattpad.com/cover/153797065-288-k135865.jpg)
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...