kabanata 17

258 16 0
                                    

Addison's POV

"Hahaha!" Sabay takbo ko. Umakyat ako sa pader ng walang kahirap hirap at tumalon sa kabila para mawala ko ang mga pulis.

Tinakbo ko papunta sa bahay ng walang nakasunod. Hinihingal ako pagdating sa loob ng bahay. Kinuha ko ang suot kong hoddie at umupo na sa sofa.

"Oh? Tapos kana?" Tanong ni Annie nang nasilayan ako.

"Haha. Yup." Kinuha ko ang hoddie ko. Kinuha ko ang mga alahas na nasa bulsa ng jacket.

"Wow! Ang gaganda niyan. Pwede akong kumuha?"

"10k ang singsing, 13k ang kwintas, depende. Haha-aray!" Napa-aray ako sa batok ni Jake.

"Tumigil ka na nga sa pagnanakaw mo! Papalayasin kita dito niyan eh!" Saway niya.

"Huwag kang mag alala last nato. Haha!"

"Lagi nalang last! Tigilan mo nga ako! Bukas aalis tayo!" Galit niyang sigaw.

"Kumalma ka nga Jake!" Sabat naman ni Annie.

"Ikaw din Annie! Tinuturuan mo to, eh!" Sabay turo ni Jake sa akin. "Bukas aalis tayo dito!" Sigaw niya at umakyat papunta sa kwarto.

"Bakit nga tayo aalis ulit?" Tanong ko kay Annie.

"Uhm... Para magbagong buhay? Haha!"

~•~

"Aalis talaga tayo? Di ka ba nagbibiro?" Tanong ko ulit kay Jake. Naghahanda kasi siya sa pag alis. Akala ko nagbibiro siya.

"Mukhang ba akong nagbibiro?!" Napaatras naman ako sa sigaw niya.

"Okay, hindi. Kalma." Pumasok ako sa kwarto at nag impake na. Akala ko nagbibiro siya.

Di pa ako natatapos sa pag iimpake.

"Bilisan mo dyan!!" Sigaw ni Jake.

"Oo ito na!" Sigaw ko pabalik. Nakakairita na siya, ah.

Bumaba na ako at ako nalang pala ang hinihintay nila. Nang nakita ako ni Jake lumabas na agad siya. Nagkatinginan kami ni Annie at sinundan si Jake.

~•~

"Nasaan tayo?"

"Sa isang lugar na malayo sa syodad." Malamig na sabi ni Jake. Galit pa kaya siya sa akin?

Nang nakababa kami sa bus ay nilakad nalang namin ang papunta sa tutuluyan namin. Malapit lang naman daw dito yun.

Habang naglalakad kami ay napapansin ko ang mga tao ay nakatingin sa amin. Siguro dahil bago kami dito.

Nadaanan namin ang maliit nilang palengke. Malayo nga ito sa syodad at mukha naman silang mababait. Sana...

Narating namin ang bahay. Iba ito sa mga natirhan namin dati. Isa itong kubo. Dito talaga niya kami patitirahin?

"Jake, alis muna kami ni Addison." Pagpapaalam ni Annie aa kanya nang na pasok nanamin ang mga gamit.

"At saan naman kayo pupunta?"

"Explore?" Sarkastikong saad ni Annie.

"Sasamahan ko kayo, baka may gawin pa kayong di ko ikakatuwa."

Ngumisi lang kami. Okay.. wala kaming gagawin. Gusto lang naman namin maglibot.

Naglakad lang kami. "Walang pa akong nakikitang mga sasakyan dito." Sabi ni Annie. Oo nga. Tama siya.

"Kabayo ang gamit nila hindi kotse."

"Wow! Talaga?!" Di makapaniwalang tanong ko. Di ko alam na may gumagamit pa ng kabayo sa panahong ito.

Pumunta kami sa palengke. Malinis naman ang palengke nila maliit lang ito pero madaming namimili.

"Magnanakaw!!" Sigaw ng isang babae. Napatingin ako sa dereksyon niya kasabay ng pagbunggo sa akin ng isang lalaki. Napaupo ako sa sahig habang ang lalaki ay patuloy sa pagtakbo papalayo. "Magnanakaw!!" Napatingin ako sa babae at tinuturo yung lalaki kanina.

"Sundan mo yung lalaki. Gawin mo ang tama ngayon." Saad ni Jake. Tumango ako at tumayo. Tumakbo ako papunta kong saan yung lalaki.

Di ko siya makikita kong nandito lang ako sa baba.

Umakyat ako sa isang pader at pumunta sa atip ng bahay. Doon ako tumakbo at nakita ko ang lalaki na patuloy sa pagtakbo.

Tumalin ako palipat doon sa isang bubong at di inalintana ang mga natatapakan ko. Basta nasa lalaki lang ang tingin ko.

Lumiko siya sa isang kanto, swerte dahil malapit lang ako salilikuan niya. Tinalon ko pa ang isang bubong.

Hinintay ko siya na makalapit sa bahay na kinatatayuan ko. Nang nakalapit na siya ay tumalon ako sa harap niya.

"Hi, bata." Sabay sipa ko sa kanyang tagiliran. Napaupo siya sa sahig at sinipa ko nanaman siya sa mukha. Napasubsob ang mukha niya sa buhangin. "Dapat di ka nagnanakaw." Sabay kuha ko sa bag na ninakaw niya.

"Di mo naiintindihan! May sakit ang aking ina at ayoko siyang mamatay. Wala siyang panggamot." Sabi niya at umiyak na siya. Bata pa siya.

"Ilang taon kana?"

"14"

"Ang bata mo pa nga." Kinuha ko ang pitaka ko. Kumuha ako ng limang libo. Iniabot ko ito sa bata. "Huwag ka ng magnanakaw ulit kung kulang hanapin mo lang ako." Sabi ko sa kanya.

Umakyat ako sa pader at tumalon papunta sa bubong.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya nang nakatayo na siya at may pasa siya sa mukha. Malamang sa pagkakasipa ko.

"Addi..." Tumalikod ako at nagsimula ng tumalon sa mga bubong ng bahay papunta sa palengke.

Nang nakarating na ako ay ibinigay ko na sa babae ang kanyang bag.

"Salamat... Salamat..." Pasasalamat niya.

Tumango lang ako at tipid na ngumiti bago tumalikod at sinalubong ang ngiti ni Jake.

"Di ko akalain na may mapapala ka pala sa pinagtuturo sayo ni Annie." Sabi ni Jake at inakbayan ako. Ngumiti lang ako.

"Jake, ano ka ba? Syempre meron siyang mapapala, pro kaya ito" pagmamayabang ni Annie. "At yung sinabi mo tatanggapin ko yun as a compliment."

~•~

"Binigyan ko lang ng pera yung bata. May sakit daw nanay niya eh." Kwento ko sa kanila habang naghahanda ng pagkain.

"At naniwala ka? Addi, ang ganoong kwento ay napaka common pwedeng gawa gawa lang yun ng lalaki." Sabi ni Annie.

"Sa tingin ko hindi naman." Sabi ko.

"Paano mo naman nasabi?"

"Nakita ko sa mata niya."

"Talaga lang, ha?" di kombinsidong saad ni Annie.

Napatingin kami sa pinto ng may kumatok dito. "Ako na." pagpre-presinta ko. Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ko kung sino man yun. Nagulat ako na isa itong batang lalaki. "Hi, little guy. Ba't ka nandito?" Sabay ngiti ko sa kanya. Gusto ko talaga ng mga bata. At ang isang ito ang gwapo.

"Ikaw ba si Addison?" Sabay tagalid ng kanyang ulo.

"Uh... Oo." Lumuhod ako para magkapantay kami. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Matamis siyang ngumiti sa akin. "Hello po." Sabay bow pa niya. Nakakatuwa tung batang to. Di mawawala ang ngiti pag nakikita ko ang mga ganito ka galang na bata. "Ako pala si Azi... Anak niyo po ako." Sa unang pagkakataon. Nawala ang ngiti ko sa harapan ng isang cute, gwapo, magalang na bata.

Ano raw?

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon