kabanata 21 truth

262 14 1
                                    

Addison's POV

Nang sinabi niya ang mga katagang yun. Dumapo agad ang kamao ko sa panga niya. Lahat sila nagulat sa ginawa ko.

"Bastos ka parin." tipid kong sabi at umalis na sa harapan nila. Dumiretso ako sa kwarto kung saan natutulog si Azi. Tinabihan ko siya at nilaro ang buhok niya.

"Kung totoong ako nga ang nanay mo. Maswerte ako dahil may anak na ako na kagaya mo. Ang gwapo." Sabay hagikgik ko ng mahina.

Pwede naman kasing tama ang sinabi nila. Na ako talaga ang nanay nitong si Azi kasi naman meron naman akong di maalala sa mga nangyari.

Pero bakit tinago nila Annie at Jake?

Bakit di lumaki si Azi na kasama ako?

At paano ako nagkaroon ng anak sa isang bastos na playboy?

Sa naalala ko good girl ako kaya imposibleng magkaroon ako ng relasyon sa isang bastos na playboy.

Pinikit ko ang mata ko. Ilang minutong nakalipas nasa pagitan na ako ng pagtulog nang may naramdaman akong kamay na nasa baywang ko. Agad akong dumilat pero di ako gumalaw.

Inoobserbahan ko pa ang galaw ng lalaking to. Naramdaman ko ang hininga niya sa likod ng leeg ko.

Bastos nga naman. Di nga siya nagpaalam sa akin na tatabi siya. Humarap ako sa kanya. Bahagya siyang nagulat.

"Back off." Sabay tulak ko sa kanya dahilan ng pagkalaglag niya at paglikha ng ingay. Bahagyang gumalaw si Azi kaya hinarap ko siya.

"Mama... Anong nangyari?" Tanong ni Azi na nakapikit.

"Huwag mo yung pansinin. May pusa lang kasing makulit kaya tinulak ko siya papaalis sa kama. Kung uulitin pa niya yun baka ihagis ko siya sa bintana."

"Kawawa naman si papa. Sinabihan mo ng pusa at tinulak no pa siya." Sabi niya habang nakapikit. Akala ko ba natulog na siya?

~•~

First POV ni Caspion.

Caspion's POV

"Bata, anong gagawin ko?" Tanong ko sa anak ko nang nakauwi na siya sa bahay ni Hecate at nasa kwarto niya kami ngayon.

"Bigyan mo siya ng bulaklak."

Sinunod ko ang payo ng anak ko. Sinalubong ko si Addi ng isang puting rosas bago pa siya makalabas ng gate.

"Para sayo." Nakangiti kong sabi sabay abot. Bigla naman siya bumahing.

"Di mo ba alam, na may allergy ako sa bulaklak! My god... Asshole nanga, stupid pa."

Nilagpasan niya ako at lumabas na sa gate at tumakbo papalayo. Lumabas naman si Annie. Agad niyang nakita ang rosas.

"Wow! Ang ganda naman niyan. Para kay Addi?!" Malaigaya niyang tanong.

Napakamot ako ng ulo. "Oo sana, di ko naman alam namay allergy siya sa bulaklak"

Kumunot naman ang noo niya at bigla nalang siyang tumawa. "Ewan ko ba kay Addi... Di ko alam kung galit siya o pakipot lang. Wala naman siyang allergy sa bulaklak at ang white rose ang pinakapaborito niya sa lahat."

Napatingin nalang ako sa labas ng gate kung saan lumabas si Addi. Tinapik ni Annie ang balikat ko. "Good luck, prince" sabay tawa niya at umalis.

~•~

"Bata, di niya tinanggap ang bulaklak." Sabi ko sa anak ko. Nasa park kami ngayon at galing lang siyang school.

"Haranahan mo siya mahilig doon ang babae." Sabay pakita niya sa libro niya na may lalaking naggigitara sa babae na nasa bintana.

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon