kabanata 26

212 14 0
                                    


Addison's POV

Umiyak lang ako ng umiyak sa buong tanghali dito sa puno na lagi kong tinatambayan pag recess o lunch.

Nang nasagot ko sa teacher yung 'my baby' bigla ko nalang naalala ang anak ko. Na di na mabubuhay.

Desisyon ko naman din ito. Panindigan ko nalang. Kung mabubuhay ang anak ko sa ibang pamilya ay sasaya na ako dahil kahit na di ko siya kasama ay may maganda naman siyang pamilya na di siya papatayin.

Umiyak lang ako ng umiyak at sa pag iyak nayun sumasakit ang dibdib ko. Yung literal na sakit.

Nakayakap lang ako sa mga paa ko at tinago doon ang mukha ko.

"Azi..." Sabay hikbi ko. "AAAAAAHHHHHHH!!!!" Sigaw ko. Ang sakit sakit na. Kakayanin ko pa mawalan ng ama at ina huwag lang ang anak. Siya lang ang pamilya ko.

Salamat wala namang makakarinig sa akin dito. "Gusto ko ng mamatay." Kalma kong saad nang napakawalan ko na ang galit ko sa pamamagitan ng sigaw.

"Oh, no. You don't." Saad ng isang boses. Nag angat ako ng tingin at nakita ang babaeng dahilan ng pagkabalik ko dito. "Di ka pwedeng magpakamatay hanggat nasa loob mo si Sariel at Emma."

Napaiyak naman ako. "Namimiss ko na ang baby ko."

"Si Caspion miss mo?"

Napayuko ako. "Sa tingin mo kahit bwisit, hayop, manggagamit, laging may period ang demonyong yun. Sa tingin mo miss ko siya?"

"Uhm... Oo?"

"Oo naman miss ko yun! Mahal na mahal ko kaya yun!" Sabay puot ko.

~•~

"Mama!" Pumulupot kay Azi ang isang malaking ahas.

"Azi!" Di din ako makagalaw para lapitan siya

"AAAAHHHH!!"

"Aziiii!!"

"HINDI!" Hinihingal akong nakaupo sa kama. Panaginip lang pala. Nagsimulang tumulo ang luha ko. Napatingin ako sa kabuhuan ng kwarto. Napahilot nalang ako ng ulo. Kanina hirap akong makatulog dahil naaalala ko dito si Caspion. Lalong lalo na nung may nangyari sa amin.

Kinuha ko ang unan at kumot. Doon nalang ako sa sala matutulog. Bumaba ako madilim na. Pinaandar ko ang ilaw. Lumiwanag sa buong salas.

Nilagay ko ang unan at kumot sa sofa. Umupo muna ako at dinama ang pagdaloy ng mga luha ko sa aking pisngi.

'ssh...'

Naramdaman ko ang enerhiya ni Jake na nasa aking kanan.

'may problema ba?'

Umiling ako at patuloy lang sa pag iyak.

'may magagawa ba ako para mabawas bawasan yan?'

Umiling ulit ako at humiga na. Pinikit ko ang mata ko hanggang sa nakaramdam ako ng antok.

Nagising ako sa isang katok sa pinto. Kinusot ko ang mata ko at nag inat bago lumapit sa pinto.

Pinagbuksan ko kung sino man ang kumatok pero wala ng tao. Napansin ko ang isang sobre. Pinulot ko yun at kinuha. Binuksan ko yun.

Doon ko nalaman. Ito ang araw na kung saan ay may naghatid dito ng sobre na iniimbitahan ako sa reunion ng mga Cameron.

Noon di naman ako pumunta. Pero sa ideya na may maraming bata. Mukhang gusto ko tuloy pumunta. Makakakita ako ng maliliit na Azi doon.

'ano yan?'

"Invitation para sa reunion ng Cameron."

'huwag mong sabihin na di ka pupunta?'

"Pupunta ako. Ano ba?" Ano tingin niya sa akin lagi nalang dito sa bahay?

'talaga? Di ka naman ganyan, ah.'

Napaisip ako. Di talaga kung nasa matinong katinuan ako. Di talaga ako pupunta.

~•~

Dumating ang araw ng reunion gaganapin ito sa hotel at napaka engrande nga naman.

May pa gown pa. Eh, ako? Gown din. Pero di kasing yaman at sumisigaw sa kagandan ang kanilang gown.

Nang pumasok na ako sa venue. May bumati sa akin. Nakasuot lang ako ng pink simple long dress.

Reunion ba talaga ito? Ang daming tao eh. Ang daming ilaw na nanggagaling sa mga cameras. At di lang yun ang mga gowns nila mga pang prinsesa. Ano toh?? Children's party?

Nakamaskara din sila. Tama naman ang pinuntahan ko ayon sa invitation. Ang mga lalaki ay naka toxido ang iba naman yung panghari o pang prinsipe. Aalis na nga lang ako. Di ako nababagay dito. Tumalikod ako at laking gulat nang bumungad ang nanay ni Jake.

"Haysst... Tama nga si Jake ang pangit ng suot mo." Sabay iling niya. Wow! Nagsumbong pa talaga si Jake? Ito lang kaya ang meron ako.

Hinila niya ako papasok sa banyo. Ni lock niya yun

"Gusto ko ang magpapasaya sa anak ko at ang makapagpapasaya sa kanya ay maging pinaka-maganda ka sa party na ito."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"I will be your fairy godmother, dear." Pumalakpak siya na para bang nae-excite. "At mahahanap mo ngayon ang prinsipe mo. Haha!"

Isa lang ang prinsipe ko ang prinsipe ng mga demonyo.

Pumitik siya. Napatingin ako sa salaman. Nagbago ang suot ko maging long red gown na ito ngayon. Tiningnan ko ang likod. Nanlaki ang mata ko.

"Di ko susuotin to!" Backless kasi.

"Oh di pwede. Oh by the way." Sinuot niya sa akin ang maskarang kulay itim. "Good luck." At nawala na siya.

Nabuntong hininga ako. Kapag makita ko lang ang mga maliliit na Azi dito aalis na talaga ako.

Lumabas ako at taas noong naglakad. May mga pangalan naman naka lagay sa lamesa kung saan uupo. Nakita ko ang akin sa bandang kanan kaya doon ako umupo. Lumingon pa ako sa paligid pero wala pang Maliliit na Azi akong nakikita.

"Salamat sa pagdalo pamilya Cameron at sa iba pa nating panauhin ngayong gabi. Nandito tayong lahat para ipagdiwang ang ating lahi. Napapansin niyo naman na may iba pang imbitado sa reunion na ito. Dahil ito sa kadahilanang lahat ng kilala ng Cameron ay mga kaibigan na. This is not about family, this is about friendship."

Di ko pinakinggan ang mga nagsasalita sa harap. Ang mahalaga makakita ako ng maliliit na Azi. Pero wala talaga. Ano ba itong reunion na ito? Walang mga bata.

Baka may iba ding party para sa mga bata.

Tumunog ang musika at nagsiyawan ang mga taong dumalo.

Aalis nalang kaya ako?

Tama. Aalis nalang ako.

Tatayo na sana ako nang may naglahad ng kamay sa akin. Nag angat ako ng tingin. Di ko maiita ang kabuhuan ng mukha dahil may maskara ito.

"May I?" Tinanggap ko yun. Nakakahiya namang tanggihan at di pa ako nakakaranas ng may sumayaw sa akin. Noong prom nga walang nagyaya sa akin.

Dinala niya ako sa gitna. Mellow lang naman ang music. Nilagay niya ang kamay niya sa baywang ko. Agad akong napatuwid ng tayo. Naramdaman ko ang kamay niyang humahawak sa balat ko. Nilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya at sumayaw na kami.

Mas lalo niya akong nilapit sa kanya. Nag angat ako ng tingin. Nagtama ang tingin naming dalawa. Napaka-itim ng mga mata niya at parang may hinahangad.

"S-sino ka?" Natanong ko nalang. May nararamdaman akong kakaiba sa lalaking nasa harap ko.

Lumapit ang mukha niya sa tenga ko. Naramdaman ko ang paghalik niya doon. Sa ginawa niyang yun, tinulak ko agad siya.

Alam kong it's time to move on pero di ko maiwasang isipin si Caspion.

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon