Azrael's POVDinala si Addi sa hospital at sa hindi inaasahang pangyayari. Gumising pa ito. Sabi ng doktor dapat in coma o patay na siya. Swerte daw ni Addi kasi kahit sa ulo wala naman daw problema.
"Patawad talaga." Sabi ng kaklase niya. Araw-araw silang bumibisita kay Addi para humingi ng tawad.
Matamis na ngumiti si Addison. "Ayos lang. Di niyo naman kasalanan."
"Kasalanan namin dahil pinlano namin."
"Kung humihingi kayo ng tawad dahil takot kayo sa kaibigang multo niya, huwag kayong mag alala pinigilan nanamin ang multo." Sabi ni Nash.
Tama nga naman si Nash kung patuloy sila sa paghingi ng tawad kahit di naman galing sa puso o takot sila sa multo wala paring silbi.
"Hindi. Totoo ito." Sabi ng kaklase niya. Lima silang nandito.
"Okay." Walang ganang sabi ni Nash. Nilapitan niya ang pumalo sa ulo ni Addi. "Malapit na sa kamatayan si Addison. At kung si Addison ay napatawad ka, pwes ibahin mo ang nakapaligid sa kanya, anghel, demonyo, multo. Ginalit mo sila at-"
"Nash. Tama na. Huwag mo silang takotin." Nilibot ni Addison ang tingin niya sa mga ka-klase niya. "Huwag kayong matakot. Di kayo sasaktan ng mga nilalang nayun at patawad sa ginawa ng kaibigan kong multo sa classroom."
"Sana nga lang walang nakakaalam nun, kumuha pa naman ng video yung kaklase niyo." Dagdag ni Nash.
"Dinispatya ko nayun." sabi ni Jake.
Pagkatapos ng pag uusap nayun. Nilabas nanamin si Addi sa hospital.
"I'm home!!" Sigaw niya sa loob ng bahay. Nandito si Nash, Marky at Jing. "Miss ko ang bahay na ito."
"Addi, babalik kami bukas gabi na kasi." Sabi ni Marky.
"Okay." Umalis na silang tatlo.
At kaming tatlo nalang nandito.
"Azrael..."
"Bakit?"
"Nasaan si Caspion?"
Nagulat naman ako sa tanong niya. "B-bakit mo naman tinanong yan?"
Nag iwas siya ng tingin. "Gusto ko siyang makausap..."
"Bakit?"
"Basta. Pwede bang ilabas mo siya."
Pumikit ako at pinakalma ang sarili. "Mapapahamak ka."
Matamis siyang ngumiti. "Hindi." Napabuntong hininga ako.
"Tawagin mo lang siya.." lumayo ako sa kanya.
~•~
Addison's POV
"Caspion... Tinatawag kita.."
Pumikit si Azrael. Nakaramdam ako ng pwersa na nagmumula sa kanya kalaunan ay nawala din ito. Pagdilat niya ay iba na ang mata niya pula na ang mga mata niya.
Ngumisi siya nang nagtama ang tingin namin.
"Addison..."malambing niyang tawag.
"Tigilan mo ako, Caspion." Seryoso kong sabi.
"Wala pa naman akong ginagawa..." Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Di ako umatras. Di ako natatakot sa kanya.
"Kaylangan nating mag usap."
"Tungkol saan, mahal ko?" Malambing niyang tanong. Ngayon ay nasa likuran na siya at niyakap ako.
"Tungkol kay Emma..." Nalaman ko ang tungkol kay Emma nung nawalan ako ng malay nung pinalo ako ng tubo. Nararamdaman ko ang paglalaban ni Sariel at Emma sa kamatayan. Nakita ko sila sa panaginip ko at sinabi nila sa akin ang totoo. Lahat sinabi nila at mamamatay na ako.
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...