kabanata 32

207 11 0
                                    


Addison's POV

"Naghalikan ba kami ni Caspion dito sa sala?" Kunot noong tanong ko kay Kylie na ngayon ay nasa sahig at nasa TV lang ang atensyon.

"Yah..." Saad niya nang di winawala ang tingin sa TV.

"Ba't di ko maalala? Posible bang si Emma may gawa nun?"

"Oo...uh-huh." sabay tango niya.

"Nakita mo ba?"

"Yah..."

"Kaylangan ko pa palang makipagbati kay Caspion. Mukhang nagalit kasi siya kanina dahil di ko matandaan ang halikan namin. Kylie, paano ba makipagbati kay Caspion?"

Humiga siya sa sahig at tiningnan ako ng nakakabagot. "May anak na kayo pero di mo parin alam paano makipagbati?" Sarkastiko niyang sabi.

"Pasensya na, ha. Di ko kasi alam ang mga bagay nayan."

"Lambingin mo nalang. Gusto nila yun. Huwag lang sobra magiging flirt ka sa paningin ng lalaki."

"Ikaw? Paano ka napatawad ng isang lalaki kapag may kasalanan ka."

"Oh..." Hulakhak siya. "Huwag mo ng itanong. Rated SPG."

Napanganga nalang ako. Grabe talaga siya!

~•~

"Wow! Ang hilig mo palang mang agaw." Nag angat ako ng tingin sa nagsalita. Si Mitch at mga minions niya.

Kasalukuyan kaming walang teacher at ito namang si Mitch sumugod. Ano nanaman ba ang ginawa ko?!

"Wala akong inaagaw sayo." malamig kong sabi.

"Talaga lang, ha? Ano yung kumakalat na picture sa facebook? Kayong dalawa ni Azi naghahalikan sa library." Mataray niyang sabi.

Nagtaas ako ng kilay at tumayo para magkapantay kami. Ngumiti akong nakakaasar. "Tungkol pala ito kay Azi? Bakit ka nangingialam? Wala nanaman kayo diba?"

"At dahil wala na kami. Kinuha mo naman. Nasa loob pala ang kulo mo, noh?"

"Wow! Nagsalita ang bitch." Tila nagulat sila sa sinabi ko. Wala pa kasing nangahas na pagsalitaan ng masama si Mitch. Di ako magpapatalo, noh. "Alam mong wala na kayo, alam ng LAHAT na wala na kayo, but why are you acting like you are the miss real? Ipapaalala ko lang sayo. Wala na kayo! Wala kang pakialam sa kanya o sa akin dapat."

"Yes. I know I don't have rights to Azi, I'm just his ex-girlfriend, right? But why I'm still jealous?!" Bumagsak ang luha niya sabay nun ang pagsabunot niya sa akin.

"A-aray!" Tinulak ko siya pero di niya parin tinigil. Pwede kong sipain tung babaeng to, eh. Pero ayoko dahil naaawa ako. Umiyak siya dahil kay Caspion.

Desperadang babaeng to. Kaya...

~•~

"Anong nangyari?" Mariing tanong ni Ms. Kathy. Siya ang adviser namin.

Salamat di kami na-guidance.

"Sinabunutan niya ako." Walang gana kong saad at patuloy sa pag ayos ng buhok kong gusto ko ng ipaputol kasi mataas na.

"Ba't mo naman ginawa yun, Mitch?" Tanong ni Ms. Kathy.

Tiningnan ko si Mitch na ngayon ay umiiyak. Napaikot nalang ang mata ko. Siya pang may ganang umiyak, eh ako nga itong sinabunutan niya.

"Inagaw niya sa akin ang boyfriend ko."

Napaawang nalang ang bibig ko. Anong pinagsasasabi niya?!

Tumikhim si maam. "Sino ang lalaki?"

~•~

Kaya ayun. Nandito na si Caspion sa office ni maam. Nakaupo siya sa pagitan namin ni Mitch at si maam ay nasa harap namin.

"Ano po bang ginagawa ko dito?" Tanong ni Caspion.

"Pag uusapan natin ang pag aaway ng dalawa mong girlfriend-"

"Maam, di ko siya boyfriend." Singit ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Caspion. May nasabi ba ako?

"Okay. Whatever. At pag uusapan natin ang kumakalat na picture tungkol sayo lalaki at Addison."

Nagtaas ako mg kilay
Kumakalat na picture? Ano naman yun?

"Azi po ang pangalan ko." Singit ni Caspion.

Azi... Naalala ko nanaman ang anak namin.

"Okay, sino ang girlfriend mo sa kanila?" Tanong ni maam kay Caspion.

"Wala po." Galit na saad niya. Siniko ko naman siya. Lumingon siya sa akin.

"Magbigay ka nga ng respeto." Saway ko.

"Azi, inuulit ko sino ang girlfriend mo sa kanila?" Ulit na tanong ni maam. Natahimik si Mitch sa pag iyak at tiningnan si Caspion.

Nagkibit balikat si Caspion. "Wala."

"Ba't may kumakalat na picture na naghahalikan kayo ni Addison sa library?" Nanlaki ang mata ko. Saan nila nakuha yun? Malamang may kumuha ng picture sa amin at kinalat. Di ko alam yun, ah. Wala naman kasi akong cellphone.

"Ah... Kaibigan lang po kami." Sabi ni Caspion. Samantalang ako pulang pula na.

"May kaibigan bang naghahalikan?" Taas kilay na tanong ni maam.

"Si Addison ang nagsabi na ilihim namin ang aming relasyon." nanlaki nanaman ang mata ko sa sinabi niya.

"A-anong-"

Tinakpan ni Caspion ang bibig ko. "Oo. May relasyon po kami. Ayaw lang po niyang ipaalam sa lahat."

Kinuha ko ang kamay niya sa bibig ko. Aakmang magsasalita lita ako pero inunahan nanaman niya ako.

"Sige tumanggi ka. Hahalikan talaga kita." Sinarado ko nalang ang bibig ko. Alam kong gagawin niya yang pananakot niya.

"Ikaw naman Mitch sabi mo boyfriend mo si Azi?"

Umiyak si Mitch. "A-azi please... Bumalik ka sa akin..." Pagmamakaawa niya. Nag iwas ako ng tingin sa kanila at binaling ko ang tingin sa book shelf.

Di ako kasali diyan. Away ex yan.

"Alam mong ayoko na diba?"

"Ano bang nakita mo sa kanya?!" Sigaw ni Mitch.

Napatingin ako kay maam. Si maam parang di na niya alan anong gagawin patuloy lang kasi sa pag aaway ang dalawa.

"Maam, lalabas nalang po kami para mapag usapan ang problema." Sabi ko. Tumango siya at hinilot ang sintido niya.

"Oo. Mabuti pa nga lumabas na kayo."

Lumabas nga kami.

"Mag usap kayo." Sabi ko kay Caspion at naglakad palayo sa kanila. Bago pa ako makalayo ay hinila niya ako pabalik.

"Huwag mo akong utusan." Mariin niyang saad.

"Di kita inuutusan."

Ngumiti siya. "Magaling dahil ayokong makipag-usap sa babaeng yun."

Nairita naman ako sa sinabi. "Kausapin mo siya para malinawan siya! At saka di kita boyfriend noh!"

Biglang dumilim ang mukha niya at kinuha ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Ede, hindi." Sabay talikod niya.

Strike two, Addison! Galit nanaman siya!

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon