kabanata 39

237 12 0
                                    

Caspion's POV

"Pasensya na sa sigawan sa bahay kagabi."

"Ayos lang yun"

"Kahit na."

Binuksan ko ang pinto ng bahay at bumungad sa amin ang mga kalat.

"Anong nangyari?"

Ang bahay parang dinaanan ng bagyo. Anong nangyari dito?

"Nasaan si Kylie?" Tanong ni Addi. Umakyat siya sa second floor ng bahay.

Pumunta ako sa kusina. Napansin ko ang mga kutsilyo nawawala at ang kalat din dito.

"AAAAAHHHHHH!!!" Agad akong umakyat sa second floor nang marinig ang boses ni Addi. Dumiretso agad ako sa kwarto niya.

Napaigtad ako sa nakita ko. Umiiyak si Addi habang hawak hawak niya ang bata na duguan at halata na patay na ito.

"Hindi! Annie, gumising ka!" Humagulgol na si Addi. Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap siya. Ito lang ang magagawa ko. "Annie... Hindi! Nasaan ba kasi si Kylie?!" Galit na sigaw niya. Puno ng luha ang pisngi niya.

Ayokong nakikita siyang ganito. Nasasaktan ako.

~*~

"Saan ka ba galing, ah?!" Bungat na tanong ni Addi at sinampal si Kylie na ngayon ay may malamig na ekspresyon. "Patay na si Annie! Saan ka ba galing?! Ba't di mo siya binantayan?!" Umiiyak na sabi ni Addi. Inawat ko naman siya.

"Kylie, saan ka ba kasi galing?" Kalma kong tanong pero galit talaga ako. Di niya nabantayan ang anak niya. Sinong matinong magulang ang iiwan ang anak niya?

Binigyan niya kami ng malamig na ekspresyon. Tumulo ang luha niya.

"Di niyo alam ang nangyari." Nabasag ang boses niya at mangalabi niya ay nanginginig. "Wala kayo dito kanina." Umiling iling siya. "Di ko iniwan si Annie. Naglalaro lang kami sa garden..." Suminghot siya. Napahagulgol naman siya. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya. Mariin siyang pumikit. "T-tapos... Dumating sila... Sinabi ko kay Annie na magtago siya dahil ako ang bahala sa mga nilalang nayun. Agad naman din siyang sumunod. Di ko sila nakaya... natuntun nila si Annie sa closet sa kwarto. At sa harap ko mismo nila pinatay si Annie. Hinabol ko sila kasi di ko sila mapapatawad." Napaatras kami ni Addison sa pag iba ng boses niya sa huli niyang sinabi. Dumilat siya at doon namin nakita ang mapupula niyang mata.

"Gusto nilang maging demonyo ako? Pwes, nagtagumpay sila." Sumigaw nalang siya bigla at nabasag ang mga salamin.

Nawala nalang din siya sa harapan namin.

"Anong nangyari? Ba't namatay si Annie? Di naman siya namatay diba?" Tanong ni Addi habang umiiyak. Yakap yakap ko siya.

"Nababago ang tadhana, Addi pero hindi ang propesiya"

~•~

Addison's POV

Ilang buwan narin ang nakalipas simula ng pagkamatay ni Annie. Simula din ng araw nayun di na namin nakita si Kylie. Wala kaming ideya kung nasaan siya, ang sabi naman ni Caspion...

"Naging demonyo nayun."

"Hala. Grabe ka naman." Napahawak pa ako sa bibig. Grabe talaga siya. Demonyo agad. Wala pa namang proweba.

Tiningnan ko ang kamay ko nang naramdaman ang hapdi nito. Napangiti nalang ako. Malapit na nga ang katapusan ko.

"Ayos ka lang?" Tinago ko agad ang kamay ko at napatango.

"Oo naman." Alam naman ni Caspion na nagbabago na ako dahil nga sa lumalabas na si Emma at Sariel sa akin, pero ang usaping yun ay lagi lang naming iniiwasan.

Masaya ako sa ganitong setup pero alam kong darating ang panahon na haharapin at di namin maiiwasan ang problemang ito. At sa pagdating ng araw na yun, gusto kong maging matatag siya.

Ang plano ko sana ay palayain si Azrael sa music box bago ako mamatay para din maibalik kay Caspion ang kapangyarihan niya ngunit di ko pa sinasabi kay Caspion ang plano ko dahil nga iniiwasan namin.

Nakaramdam nanaman ako ng pananakit sa katawan at parang kinukurot ito. Napakagat labi ako. Ito nanaman. Last month lang ito nangyari at habang tumatagal lalong lumalala. Minsan di ako makalakad, makakilos, namamanhid ang katawan ko.

Ngayon, sumasakit ito at di ko na magawang ikilos ang katawan ko.

"A-uhm... C-caspion?"

Natigilan si Caspion. Di siya lumingon sa akin.

"P-pwede ba..." Napakagat labi ako dahil ayokong makawala ang daing. "I-ibili mo ako n-ng ice cream?" Nahihirapan kong pakiusap. Ayokong nakikita niya akong ganito. Ayaw din naman niyang makita akong nahihirapan. Alam kong alam niya ang nangyayari sa akin pero lagi lang niya itong iniiwasan.

Tumango siya at lumabas. Nang nakalabas na siya. Naghintay muna ako ng limang minuto para ma sigurado kong wala na siya sa bahay. Doon ko na nilabas ang sigaw ko.

Ang sakit. Pero di ako makagalaw, tanging sigaw at iyak lang ang magagawa ko. Ganito ako, sinisigaw ko nalang ang sakit.

~•~

Caspion's POV

Sumandal ako sa pinto ng kwarto ni Addi at hinintay ang mangyayari. Limang minutong nakalipas narinig ko ang pagsigaw niya at may kasama pang hagulgol.

Napaupo nalang ako sa sahig. Nasasaktan akong marinig ang boses niyang nasasaktan rin. Di ko namalayang tumulo na ang luha ko.

Gusto kong nasa tabi niya ako habang hinaharap ang sakit ngunit di ko magawa dahil natatakot ako sa katotohanang, wala akong magawa.

Naduduwag ako.

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon