Kylie's POV"Kylie, ano itong ginagawa mo? Pinagtatabuyan mo naba ang kalahi mo?" Nakangising tanong ni Emma.
"Tigilan mo ako Emma. Hayaan mo na si Addison na makontrol ang katawan niya." Mariin kong saad.
"Di pwede yun, Kylie. Minsan nga lang ako magaliw-aliw, ipagdadamot mo pa."
Ngumisi ako sa kanya. "Emma, kilala mo naman ako diba?" Lumitaw ang maitim na mahika sa aking kamay. "Mas makapangyarihan pa ako sa mga diyos." Pananakot ko sa kanya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Pwede kitang ikulong sa underworld sa isang pitik lang ng kamay." Ramdam ko ang itim na awra na pinapalibutan ang katawan ko. "Pwede kitang patayin sa isang titig lang."
Napaatras naman si Emma. Natatakot siya pero di niya pinapakita. Malas niya nararamdaman ko ang takot niya.
"Nararamdaman ko ang takot mo, Emma."
"Ano naman ngayon? Ano naman kung mas malakas ka pa sa mga diyos? Kaylangan ko bang sundin ang utos mo?" Sarkastiko niyang tanong.
Tumawa ako. "Hindi, pero papatayin kita kundi mo susundin."
~•~
Addison's POV
Di ko na alam anong nangyari sa kaarawan ko. Basta nagising nalang ako kanina, gaya ng dati wala akong maalala.
Nandito ako sa library ng school at nagbabasa tungkol sa mga nilalang sa mundo.
May limang klase ng nilalang na tumitira sa mundo at ito ay ghosts, demons, falling angels, mga aswang at magic.
Magic?
Diba magic ay magic?
Nilipat ko ang page at nandoon ang tungkol sa mga multo na naninirahan sa mundo.
Nilipat ko naman hanggang sa mapunta ako sa pahina na tungkol sa magic.
May drawing na babae.
Pinaniniwalaan ng mga roman na pinadala ang babae sa mundo para bantayan ang lahat ng nilalang.
Ang magic ay inaalagaan ang mundo. Pinaniniwalaan na taglay niya ang lahat ng kapangyarihan ng mga gods and goddesses.
Naninirahan siya sa mundo na parang isang normal na tao.
"Mahilig ka palang magbasa?" Sinarado ko agad ang libro at nag angat ng tingin sa lalaking nasa likuran ko.
"Uh... Oo." Binalik ko ang tingin sa libro. Ang kamay niya ay nasa sandalan ng upuan ko at ang isa niyang kamay ay nasa lamesa.
"Bakit yan ang binabasa mo? Demons at angels?"
Nanatili akong tahimik. Di ko na binuklat pa ang libro. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaupo ulit. Nakarinig ako ng bulong-bulungan.
"Addi..." Bumilis ang tibok ng puso ko. Tinawag niya akong Addi! Namimiss ko ang pagtawag niya sa akin na Addi.
"B-bakit?"
"Tingnan mo ako." Bulong niya sa tenga ko. Unti-unti akong lumingon sa kanya. Ang mukha niya ay nasa balikat ko. Mataman niya akong tiningnan. Babalik na sana ako sa pagbabasa ng libro nang lumapat ang malambot niyang labi sa labi ko.
Nanlaki ang mata ko. Naramdaman kong gumalaw ang labi niya. Napapikit ako at dinama ang matatamis na halik niya. Bumalik sa akin ang masasayang alaala namin.
~•~
"Siya yun, diba?"
"Oo. Siya nga!"
"Totoo bang nakakakita siya ng multo?"
"Nanggagayuma yan."
Tiningnan ko ng masama ang grupo ng mga babaeng napinag chi-chismisan ako. Alam ko na ako ang pinag chi-chismisan nila. Ako lang naman ang tinitingnan nila.
Nasa canteen ako at maya-maya uuwi na ako. Tapos na ang klase pero nandito parin ako nakatambay.
Nag iwas sila ng tingin at agad na nagkunwaring may ginagawa.
"Uwi na tayo?" Nag angat ako ng tingin kay Caspion na biglang sumulpot sa kung saan.
Matipid akong ngumiti. "Ayoko. Tinatamad akong maglakad."
"May motor ako."
"Mas gusto kong maglakad."
"Akala ko ba, tinatamad ka?"
"Oo tinatamad nga ako pero di ko sinabing di ko na gustong maglakad, dahil lang sa tinatamad ako."
"Sige samahan nalang kita." Umupo siya sa upuan na harap ng sa akin. "Ba't walang pagkain?"
Nangalumbaba ako. "Tumatambay lang ako dito at nakikinig sa mga chismis nila tungkol sa akin."
"Sikat ka pala?"
Humalakhak ako. "Oo naman. Pero di dahil sa maganda ako at matalino. Dahil yun sa nakakakita ako ng multo." Gulat ang ruhestro sa mukha niya. Napangisi ako. "Naniniwala ka ba sa multo?" Pananakot ko sa kanya.
"Bakit? Nakakita kana?"
"Nope. Nararamdaman at naririnig ko lang sila. Di ko sila nakikita actually. Mali ang kumakalat na chismis." Pero noon nakakita na ako.
"Kaya pala, ang hilig mo magbasa tungkol sa iba pang nilalang sa mundo. Nakakita kana ng anghel? O demon? O nararamdaman mo ba sila?" Para siyang bata na curious sa lahat ng bagay. Hinintay niya ang sagot ko.
"Kung sasabihin kung OO, matatakot ka?"
Umiling siya at ngumisi. "Ang cool kaya nun."
Tama cool nga.
"May nararamdaman ka ba na multo dito sa canteen?"
"Wala." Pero demon, Oo. Ikaw.
"Sa campus?"
Tumango ako. "Yeah... Meron ang dami nga, eh. Mostly tumatambay sila sa classroom kasi nandoon ako dahil ako lang nakakaramdam sa kanila, pero di naman sila sumusunod kapag lumalabas ako. Di din naman sila estudyante dito."
Tumango naman siya. Nanliit ang mata ko. Talaga bang naniniwala siya sa akin?
"Kaya mong tumawag ng kaluluwa?"
"Hindi." Sabay iling ko.
"Meron bang multo sa bahay mo?" Tanong niya.
Nag aalangan pa akong sumagot pero naalala ko rin ang pagkakaibigan nila ni Jake.
"Oo?"
Nanlaki ang mata niya. "Nakita niya ba ang ginawa natin sa kwarto mo?!" Biglang sigaw niya. Napatingin naman ang mga estudyante sa amin.
"Ssh! Huwag ka ngang maingay!" Saway ko.
"Oo na."
"Di niya nakita. Di naman siya pumapasok sa kwarto ko."
"Pero nakita niya ba tayong naghalikan sa sala?"
"Ha?" Naghalikan? Sa sala? Wala namang naaalala si Caspion diba? Kasi naman. "Kaylan tayo naghalikan?"
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Sige! Magpanggap ka na walang naaalala!" Tumayo siya at saka umalis.
Kaylan pa kami naghalikan sa sala?
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...