Addison's POV"Ayokong matulog. Tulungan mo ako..." Pagmamakaawa niya.
"Di ko alam papano..." Bulong ko. Pumikit ako. "Paano mapapaalis ang incubus?" Tanong ko sa ispirito.
'Caspion'
Pag dilat ko. Napatingin agad ako kay Caspion na naka ngisi sa akin.
"Tulungan mo kami.." saad ko.
"Ha?" Tanong ni Amy.
"Wala." Sagot ko lang.
Tumayo si Caspion at lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
"Okay." Sagot niya.
Ngumiti ako sa kanya kaya lang nawala rin ito nang naramdaman ko ang kamay niya sa tiyan ko pataas.
"Huwag kang magtatangkang pigilan ako... Mapagkakamalan kang baliw." Pananakot niya.
Mariin akong pumikit. "Bitiw."
"Ayoko." Sabay marahang paghalik sa leeg ko.
"Itigil mo yan.." mariin kong saad.
"Ano?" Tanong ni Amy.
"Ayoko." Sabi naman ni Caspion.
Tinulak ko si Caspion. Wala na akong pakialam kung nagmumukha akong tanga sa pinsan ko.
"SABI KO TUMIGIL KA!!"
Napangisi siya at tiningnan si Amy. Bumuntong hininga ako. Alam kong sinadya niya yun. Tiningnan ko si Amy na natahimik.
"Sorry..."
Nanlalaki ang mata niya. "Nakikita mo siya?"
"Uh... Sino?"
"Ang incubus.."
Tiningnan ko si Caspion. "Isa ka bang incubus?" Tanong ko sa kanya.
Nawala ang ngisi niya at naging seryoso. "Napakababa ng mga incubus para matapatan ako."
Kumunot ang noo ko. "Daming sinabi. Oo o hindi lang naman ang sagot." Binalik ko ang tingin kay Amy. "Hindi." Sabay iling ko.
"Kung hindi? Ano siya?"
Nagkibit balikat ako.
~•~
Nang nag umaga ay bumalik sa dati si Amy. Umalis agad siya ng walang pasabi.
At ako naman bumalik sa dating ako. Pero sa tingin ko di ko namababalik sa dati kasi...
"SHIT!!" Napamura ako nang pagkababa ko bumungad sa akin ang kalat sa sala. Ang mga drawer naka bukas at ang daming kung anong gamit sa sahig. Alam ko na kung sino ang gumawa nito. "CASPION!!"
Bigla siyang lumitaw sa harap ko na nanlilisik ang mga mata.
"NASAAN?!" Sigaw niya. Di ako nakasagot dahil di ko alam anong tinutukoy niya. Sinakal niya ako at isinandal sa pader.
"NASAAN?!" Sigaw niya ulit.
"D-di... Ako makahinga..."
"NASAAN?!" Hinagis niya ako sa sahig.
Umubo ako. "A-ano bang kaylangan mo?"
"NASAAN?!"
"DI KITA MAINTINDIHAN!!" Sigaw ko pabalik.
Hinawakan niya ang braso ko at sinandal sa pader.
Paano ko siya maiintindihan kong di niya naman kina-klaro. Kasalanan ko ba kung di ko alam ang sinasabi niya!
BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasía#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...