kabanata 20 truth

244 22 0
                                    

Addison's POV

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ko agad.

"Kukunin na kita." Sagot niya.

"Sino ka para kunin ako?" Mariin kong tanong habang dahan dahang lumapit sa kanya.

"Ako ang..." Napaiwas siya ng tingin. At nagkibit balikat.

Lumingon ako kay Jake na ngayon ay nasa tabi niya.

"Sino siya?"

"Siya si Caspion. Ang tatay ni Azi." Mahina niyang saad.

"Bakit niyo sinabi na ako ang ina Azi?" Tanong ko.

"Narinig mo?!" Gulat na tanong ni Jake

"Sabi ko sa inyo malakas ang pandinig niya." Mahinang bulong ni Annie.

Natahimik silang lahat. Napabuntong hininga ako. Naiisip ko palang na ako ang ina ni Azi umaapaw ang saya ko.

Di na ako mag iisa

Parang nasabi ko na yun sa sarili ko, ah. Di ko lang matandaan. Iniling ko na lang yun.

"Ako ang ina ni Azi? Tama bayun?" Tanong ko. Tahimik lang sila. Silence means yes. Napaisip ako. Imposible ako ang ina. Di ko nga naalala na may nakagalaw sa akin na lalaki.

Nabalot ng katahimikan ang buong bahay pero naputol ito nang may kumatok.

Lumapit ako doon sa pinto. Narinig ko naman ang bulong bulungan nila. Nagsisihan sila.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Azi.

"Mama..." Banggit niya. Inangat niya ang mga kamay niya na parang gustong magpakarga. Kinarga ko naman siya.

"Ba't ka nandito?" Malambing kong tanong.

"Nandito kasi si papa." Papa? Si Caspion?

"Mag gagabi na, ah."

"Dito ako matutulog."

"Baka hinahanap ka ng ina mo." Umiling lang siya. "Anong pangalan ng papa mo?"

"Ang gwapo kong papa ay si Caspion." Sabi niya.

"Talaga? Tatay mo yun?" Di makapaniwala kong tanong. Nakangiti siyang tumango. "Sigurado ka? Sino ang mama mo?"

"Ikaw!" Sabay tawa niya.

"Paano mo naging tatay yun? Eh, ang bastos-bastos nun. Di katulad mo ang cute at napakabait pa." Kinurot ko siya sa pisngi at hinalikan. Sinara ko na ang pinto ng nakapasok na kami.

Bumungad agad sa amin si Caspion. Kanina pa ba siya diyan? Narinig niya kaya kami?

"Papa!" Umangat ang kamay ni Azi kay Caspion. Kinuha ni Caspion si Azi sa akin. "Papa, salamat at nandito kana. Nandito na din si mama, di na niya ako iiwan diba? Sabi niya ang bait ko at di na ako demonyo."

Kumunot ang noo sa sinabi ni Azi. "Azi, huwag ka ngang magsalita ng ganyan." Sita ko.

"Ang ano po?" Inosente niyang tanong. Lumapit ako sa kanila at hinawakan ko ang mukha ni Azi.

"Huwag kang magsasalita ng ganyan. Ayokong naririnig sayo ang mga bagay na tungkol sa demonyo. Lalong lalo na huwag mong pagsasalitaan ng ganyan ang sarili mo. Di ka demonyo, okay?"

"Mama, demonyo ako-"

"Azi! Di ka nga demonyo, eh!" Singhal ko. Natakot naman siya. Nawala ang galit ko. "Sorry..." Tiningnan ko si Caspion at sinamaan ko siya ng tingin. "Mag usap tayo mamaya." Mariin kong saad at umalis sa harap nila.

~•~

"Paano ako nagkaroon ng anak?!" Tanong ko agad sa kanila nang napatulog ko na si Azi. "Imposible kasi yun, wala nga akong maalala na may nakagalaw sa akin at di ko naalala namay naging karelasyon ako!"

"Uhm... Wala kang maalala." Mahinang saad ni Jake.

"Kung anak ko nga yun, bakit wala akong maalala?"

"Magic- I mean aksidente. Yun tama. Aksidente. Naaksiddente ka." Kabadong saad ni Annie.

"Bakit kabado ka?" Pinanliitan ko ng mata si Annie.

"Di kasi namin ma-explain." Sabay pilit niyang ngiti.

"Paano ko naman masisigurado na anak ko yun?" Ngayon si Caspion naman ang tiningnan ko.

"Pareha kayo ng mata. Nakuha niya sayo ang itim niyang mga mata." Seryosong sabi ni Caspion. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang daming magkaka-parehang mata sa mundo.

"Jake, Annie. Ba't niyo nilihim?" Tanong ko. Alam nilang may anak ako. At ilang taon na kaming magkakasama.

"Uh..." Nagkatinginan pa sila. "Pwede pass muna yan. Next question nalang." Saad ni Annie na halatang kabado.

Wala silang matinong sagot sa matinong tanong. Napabuntong hininga nalang ako. Tiningnan ko si Caspion.

"Ikaw? Ano kita? Wala akong maalalang may karelasyon at sa edad ni Azi ngayon nabuntis mo ako sa edad na 16 or 17. Ang bata ko pa."

"17. Ka nung na mabuntis kita."

"Ang bata ko pa talaga. My god di ako makapaniwala na pumatol ako sa bastos na playboy." Di makapiwala kong saad.

"Ba't mo naman nasabi na playboy ako?" Kunot noong tanong niya.

"Duh... Nakita ko ang asawa mo, noh. Pumunta siya dito kaninang umaga para kunin si Azi. At bakit ka nandito? Para bawiin ako? Eh, ikaw nga itong may pamilya na.."

"Teka..." Nilingon niya si Jake. "Nandito si Hecate?" Tanong niya kay Jake.

"Oo. Kinuha niya si Azi."

"Alam na pala niya na nandito kayo."

"Simula ng pagtapak natin sa lugar na ito ay alam na niya." Sabi naman ni Annie. Okay... wala na akong alam sa mga sinasabi nila.

"Bakit gusto mo akong maging ina ni Azi kung nandiyan naman ang asawa mo?" Mataray kong tanong kay Caspion.

Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Una di ko siya asawa, pangalawa kaylangan nating mabawi si Azi sa kanya, pangatlo mahal kita kaya ako nandito."

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon