kabanata 6

390 22 0
                                    

Addison's POV

Humiwalay siya sa halik.

"Para saan yun?" Tanong ko. Hinahalikan lang kasi niya ako kapag nagpapalakas siya. Baka nanghina.

Matamis lang siyang ngumiti. "Magbihis kana. May pasok kapa." At naglaho siya sa harapan ko.

Sinunod ko ang gusto niya. Naligo at nagbihis na. Lumabas ako ng kwarto. Di na ito naka lock.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Nasa sala si Azrael at may kausap. Kausap siguro niya yung multo. Nagluto na ako.

Pagkatapos kong magluto ay kumain na ako. Lumapit naman si Azrael sa akin.

"Anong nangyari habang wala ako?"

"Wala naman." Matamis naman siyang ngumiti.

"Sigurado ka? Kasi last year nakapatay ako."

"Di ikaw ang pumatay sa kanya." Seryoso niyang sabi.

"Katawan ko parin."

Nang natapos na ako ay umalis na kami. Kasama parin namin yung multo.

Pangalan daw niya ay Jake. Nang nasa harapan na ako ng eskwelahan ay napatigil ako. Ano kayang magiging reaksyon ng mga kaklase ko. Huli kaming nagkita ay tinakot ko sila.

Huminga ako ng malalim. Pumasok ako sa skwelahan. Dumaan ako sa hallway na walang masyadong tao.

"Teka.." sabay hawak ni Azrael sa kamay ko.

"Bakit?" Sabay lingon ko sa kanya.

"Ikaw ba si Addison?" Napalingon ako sa harap. Di ko sila kilala. "Ikaw ba ang tumakot sa girlfriend ko."

May dala silang tubo at kahoy. Limang lalaki ang nasa harap ko ngayon at dahan dahang lumapit. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Azrael at napaatras sa takot.

"Ako bahala dito." Sabi niya. Tumingin siya sa gilid ko. "Jake ikaw na bahala."

Natawa nalang ako.

"Huwag kang tumawa... Di ako pwedeng manakit. Anghel ako."

"Pero bad guys sila."

"Bata lang sila." napangiti ako. Di ko alam ba't ako nakangiti eh may gustong manakit sa akin.

"Ah!" Sumigaw ang isang lalaki at tumakbo. Malamamg sinaktan ni Jake.

"Demonyo ka!" Sigaw nila at umalis.

Napabuntong hininga ako. "Alam ko..."

~•~

"Nandiyan na siya..."

"Ssh..."

"Akala ko na tapos nayan nila Mike."

Bulong bulungan nila. Kagaya ng dati. Yumuko ako at pumunta na sa upuan.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga kaklase ko. Lahat sila natatakot at laging nag iiwas ng tingin.

Yumuko nalang ako.

Demonyo nga talaga ako...

"Akala ko ba lilipat na siya ng school? Di nga naawa sa atin."

"Ano ka ba? Wala yang awa demonyo nga diba?"

Napapikit nalang ako.

"1... 2... 3... GO!"

May naramdaman akong pumalo  sa ulo ko at nagdilim na lahat.

~•~

Azrael's POV

"1...2..." Napatingin ako sa bumilang. May dala silang pamalo. "3... GO!" Pinigilan ko sila ngunit di ko sila mahawakan kaya napalo nila si Addi.

Bumagsak sa sahig si Addi at may nakita akong dugo sa ulo niya.

"Patay na ba?" Tanong ng isang kaklase niya.

"Addi!"

Ginising ko si Addi pero wala... Imbes na magising, natigilan ako nang naramdaman ko ang palapit na katapusan ng buhay niya.

"Jake, tawagin mo si Nash. Bilis!"

Tumango siya at naglaho.

"Di ito pwede..."

Nararamdaman ko ang palapit na kamatayan niya. Alam ko yun dahil ako ay Angel of death and retribution.

"Pinatay mo siya!"

"Hala, napatay natin."

"Addi... Please..." Bulong ko sa kanya. Sinubukan kong mag teleport na kasama siya pero di makakayanan ng kapangyarihan ko.

"Matatagalan pa sila, Azrael." Sabi ni Jake.

"Mate-teleport mo ba siya?"

"Hindi. Sapat lang ang kapangyarihan ko." Sagot niya.

"Pinatay natin."

Mas dumarami ang pag agos ng dugo sa sahig mula sa kanyang ulo.

"Nalalapit na ang kamatayan niya." Mahina kong sabi.

"Tubo pala ang pinalo nila..." Sabi ni Jake. "Azrael kung ikaw ay di makakapanakit, makakaparusa ka naman. Parusahan mo sila sa ginawa nila. Pero ibahin mo ako. Kapag nagalit ang multo... Iba ang magagawa nila."

Lumabas siya sa mga taong nagkukumpulan kay Addi. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto at pagkabasag ng salamin.

Napalayo ang mga tao kay Addi.

"Anong nangyayari?" Patay sindi ang mga ilaw at kalaunan ay sumabog ito.

Tipi at sigaw ang maririnig sa buong classroom. Ang tubo na ginamit nila ay kinuha ni Jake at inihagis sa bintana.

"AAAHHH!" Sigaw, iyak at tili.

"Patawad sa nagawa namin. Di namin sinasadya."

"Di niyo sinasadya?!" Sigaw ni Jake at sinipa ang mga upuan. Kinuha niya ang vase sa teacher's table at inihagis sa blackboard. "Mamamatay na yung tao!" Sigaw niya.

Tiningnan ko si Addi. "Addi... Please... Wake up." Huminga ako ng malalim. "Sariel, kung nakikinig kaman. Tulungan mo siya. Emma..." Ngayon lang to. "Tulungan mo siya, please.."

"AZRAEL!! NANDITO NA KAMI SA LABAS. DI KAMI MAKAPASOK!!" Narinig kong sigaw ni Jing.

Ginamit ko ang kapangyarihan ko para mabuksan ang pinto. Lumabas naman ang ibang estudyante. Tumakbo sila Jing at Marky kay Jake para pigilan ang pagwawala nito. Lumapit naman si Nash sa amin.

"Anong nangyari?" Tanong niya.

"Napalo siya ng tubo." Sagot ng kaklase ni Addi.

"Sino ang pumalo?" Di naka sagot ang lalaki.

"Siya ang pumalo." Sagot ko kay Nash. Lumapit si Nash sa bibig ni Addi.

"Humihinga pa siya. Sa tingin mo mabubuhay pa siya?" Tanong ni Nash.

Hinawakan ko si Addi. "50 - 50."

"May pag asa pa. Pasensya na ata natagalan kami." Sabi niya. May mga estudyante pa dito kaya nakakunot ang noo nila kung sino ang kausap ni Nash.

"Salamat napakalma namin si Jake. Gusto niyang pumatay." Sabi ni Marky.

"Nasaan si Jake?" Tanong ni Nash.

"Pinauwi namin." Tumingin si Jing sa mga ka-klase ni Addi. "Uulitin niyo pa ang ginawa niyo? Oo! Nagsasabi ng totoo si Addi. May mga multo dito sa paligid natin at isang multo palang ang nagalit, paano kaya kung anghel at demonyo?" Sabay tingin ni Jing sa akin.

"Azrael... Baka mamatay siya." Sabi ni Nash na nakatingin sa akin. Napatingin ang mga estudyante sa tiningnan ni Nash.

"Lumalaban sila Sariel at Emma sa katawan niya."

"Tumawag na kami ng ambulance kaya maya maya nandito na yun." Sabi ni Marky.

"Jing, ano sa tingin mo?" Tanong ni Nash.

"Mabubuhay siya ngunit sa ibang paraan."

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon