Addison's POV
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko habang papalapit si Caspion sa banda kung saan ako nagtatago at dahil sa sobrang gulat di na ako nakaalis at naabutan niya ako.
Tiningnan niya ako at tinagilid ang ulo niya na para bang sinusuri ako. Siya ba si Caspion? Naaalala kaya niya ako?
"Narinig mo?" Pati boses parehong-pareho.
"Ha?" Di ko maiwasang titigan ang mukha niya. Kamukhang kamukha niya talaga.
"Narinig mo ang pinag-usapan namin?" Tanong niya ulit. Hindi ito malamig, di rin ito masaya.
"Kunti."
"Okay." Nagkibit balikat siya. Lalagpasan niya sana ako.
"Bago ka lang dito?" Bilib ako sa sarili ko dahil kahit na ang bilis ng tibok ng puso ko ay nagawa ko pang magtatanong sa kanya.
Tumingin siya sa taas na para bang nag iisip. "Oo. 1 week palang." Bumalik ang tingin niya sa akin at matamis siyang ngumiti.
"Ilang araw kayong naging mag-jowa ni Mitch?"
"3 days? Or 2?" Nagkibit balikat siya. "Di ko alam." Ang ikli.
"Anong section ka?"
"Room 2-A. Kung gusto mo puntahan mo ako. Azi Cortez." Sabay lahad niya ng kamay. Tinanggap ko yun. Bumilis naman ang tibok ng puso. Ang kamay niya ay parehong-pareho din kay Caspion. At bakit Azi? Pinaalala mo lang ang anak natin, eh!
"A-addison Cameron. Addi for short." Sabay tango ko.
"Mmm..." Tango din niya. Di pa niya binibitawan ang kamay ko. Nabigla ako nang dalhin niya ito sa labi niya at hinalikan ang likod ng aking palad. "Goodbye, miss Addison." Kinindatan niya ako at umalis.
Ang gwapo, sexy parin niya. Pero playboy siya.
Tumulo naman ang luha ko.
"Gago ka. Gusto ko ng mag move on sa sayo, okay?! Pero bakit ka nandito ngayon?! F*ck! Pinaglalaruan ba tayo! At ginamit mo pa talaga ang pangalan ng anak natin! Bwisit ka tala-"
"May anak kayo ni Azi?" Natigil ako sa pagmamaktol nang narinig ko ang boses ng isang babae sa likod. Si Mitch. Nasapo ko ang noo ko. Naiwan pala siya kanina. Kinagat ko ang labi ko at hinarap siya.
"N-nako hindi, noh! Haha." At tumakbo na ako palayo sa kanya.
Narinig niya?
Problema kung narinig niya.
Bumalik nalang ako sa classroom. Nagsidatingan narin ang mga kaklase ko.
Pumasok narin si Mitch at ang barkada niya.
"Nakipag break ka?" Di makapaniwalang tanong ng isang barkadang babae niya sa kanya.
"Oo ayoko na." Tungkol bayan kay Azi?
Ang laki naman ng pride niya. Sinabi nalang niya sana ang totoo na si Caspion ang nakipag hiwalay.
"Sayang naman... Gwapo pa naman si Azi." Sabi ng kanyang kaibigan. Napadapo naman ang tingin ni Mitch sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin.
Nakita niya bang tiningnan ko sila? Malamang. Napadapo dito ang tingin niya, eh.
~•~
Papaalis na ako at gaya ng dati dito ako sa hallway na walang tao dumaan.
Ang hilig ko talagang dumaan dito.
Nakaranig ako ng ingay ng yapak sa likuran ko. Naging alerto ako dahil bumilis ang paglakad ko at narinig ko rin ang pagbilis ng lakad niya. Tumakbo ako para di niya ako mahabol.
Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko at sinandal ako sa pader. Nag angat ako ng tingin sa kanya.
Bakit siya nandito?
Naaalala kaya niya ako?
"A-zi..." Naalala ko nanaman ang anak namin.
"Miss Addison, bakit di ka pumunta sa classroom ko?" Malambing niyang tanong pero napakadiin naman nito.
"H-huh? Ba't naman ako pupunta doon?"
Kumunot ang noo niya. "Kasi nagtanong ka sa akin kung nasaan?" Sarkastiko niyang sabi.
"Bakit? Nagtanong lang naman ako. Wala naman akong sinabing pupunta ako."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Sinubukan ko siyang itulak pero di siya nagpatinag maslalo siyang lumapit.
"Di mo ba ako gusto?"
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Ano bang klaseng tanong yan? Napaka straight forward talaga niya.
"Hindi..." Kasi mahal kita. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Lumapit pa siya hanggang sa magkadikit na ang katawan ko sa kanya.
"Talaga lang, huh?" Tila di siya kumbinsido.
"Bakit ba nagtatanong ka sa akin ng ganyan?" Pumuot ako.
Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Malalaman ko rin." Naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Nanlaki pa ang mata ko pero ang halik niya kagaya kay Caspion.
Napapikit nalang ako at ginantihan siya ng halik. Namiss ko siya, ang mga hawak niya sa akin, mga yakap, halik. I miss all about him.
Humiwalay siya sa halik. Sinandal niya ang noo niya sa noo ko.
"Gusto mo ako." Saad niya na walang pag-alinlangan. Sumilay ang ngiti sa labi niya. Pumikit ako. Gaya ng dati mas komportable akong kausap ang tao kung di ko siya nakikita.
"Mahal kita." Bulong ko pero sapat na para marinig niya. Dumilat ako. Di man lang nagbago ang ekspresyon niya. Di man lang natablan ng pagkagulat.
Tinulak ko siya. Umatras din naman siya aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Ihahatid kita." Seryoso niyang sabi.
Saan naman niya ako ihahatid? Sa bahay o sa gate lang?
Tumango nalang ako. Pagkakataon nato na mahawakan ko ang kamay niya.
Habang naglalakad kami papuntang gate. Lahat napapatingin sa amin. Mali nakatingin sila kay Caspion. Napakagwapo kayang nilalang ni Caspion.
Nang nasa gate na kami ay binawi ko na ang kamay ko. "Salamat sa paghatid." Nakangiti kong sabi.
Tumango naman siya at ngumiti. "Sa susunod ihahatid kita sa bahay niyo, ah."
Tumalikod na siya at naglakad paalis. Bago pa siya makalayo.
"Caspion!" Tawag ko sa kanya. Kung lilingon siya. Siya si Caspion kung hindi, hindi. "Caspion!" Di siya lumingon. Baka di niya narinig? "Caspion!"
This time lumingon na siya nakakunot ang noo. "Di ako si Caspion. I'm Azi, remember?" Malamig niyang saad.
Mukhang nagalit siya, ah.

BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...