kabanata 2

555 37 0
                                    


Addison's POV

"I HATE YOU!!" Sigaw ko sa demonyong ito sa pag apak ko sa loob ng bahay.

Buong araw niya akong pinapahiya, buong araw niya akong kinukulit hanggang sa masigawan ko siya at makita yun ng lahat ng estudyante.

"Lahat ng estudyante doon iniisip na baliw ako!"

"Bakit? Hindi ba?" Nakangisi niyang saad. Natahimik ako. Baka nga baliw na ako.

"Hindi ako baliw. Di lang talaga ako normal." Mahinang sabi ko at umakyat na sa kwarto para makapagbihis.

Nang nakabihis na ako, bumaba ulit ako. Nakita ko ang demonyo na nanunuod ng TV. Dumiretso naman ako sa kusina para makapagluto.

Ham nalang niluto ko para sa hapunan. Nang naluto na ay kumain na ako.

'malungkot ka. anong problema?'

Di ko napansin na nakasimangot pala ako habang ginagawa ang mga bagay na iyan.

"Wala to."

'huwag ka ng malungkot.'

Ngumiti ako. Kahit na di ko nakikita ang nilalang nayan ay alam kong kaibigan ko siya at kakampi.

"Nakikita ka ba ng demonyong iyon?" Tanong ko. Tinutukoy ko ay yung lalaking yun.

'oo naman.'

"Anong pangalan niya?"

'Caspion'

Caspion. Napaka unique, huh?

"Anong pakiramdam na nalaman mo na ang pangalan ko?" Napatuwid ako sa pag upo nang naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.

Hinawakan niya ang leeg ko at hinahaplos ito. Nakikiliti ako.

"Ano ba?!" Inis kong sabi.

"Tapos ka ng kumain?" Naramdaman kong hinalikan niya ang balikat ko. May kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

"Bakit? Nasira mo na ang araw ko. Sisirain mo rin ba ang gabi ko?" Malamig kong saad.

"Hindi. Pasasayahin naman kita." Bulong niya sa tenga ko. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara.

Ano ba itong ginagawa niya?

Nagpatuloy ako sa pagkain habang siya ay nasa likuran ko at nakahawak lang siya sa leeg at balikat ko.

"Gutom na ako, Addi..." Mapang akit niyang bulong sabay halik sa leeg ko. Kahit na paalisin siya, napapikit ako sa ginawa niya. Dumilat ako di dapat ito pwede.

"Ede, kumain ka." Malamig kong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga siya.

"Di mo talaga na iintindihan, noh?" Mabilis niyang hinawakan ang upuan ko para makaharap sa kanya.

Ngayon nasa harapan ko na siya.

"Ang inosente mo." Nilapit niya ang mukha niya at hinalikan ako sa labi. Ang first kiss ko... Wala na.

Marahas niya akong hinalikan. Nanlalaki ang mata ko sa ginagawa niya. Ilalayo ko sana ang mukha ko sa kanya pero pinigilan niya ako gamit ang  kamay niyang  nasa batok ko.

Humiwalay siya, pero ang lapit parin ng mukha namin. "Kiss me..." Utos niya. Hinihingal pa ako pero parang wala lang sa kanya.

Nakatingin lang ako sa pulang mga mata niya. Nang di ko sinunod ang utos niya. Hinawi niya ang mga plato sa lamesa at Marahas niya akong nilagay sa doon. Ngayon magkapantay na kami.

"A-ano bang ginagawa mo?" Nauutal kong tanong sa kanya.

Hinalikan niya ako ulit.

'tigil'

"Shit!" Mura ko. Nang pinayagan ko ang isang demonyo makuha ang first kiss ko.

'darating siya'

"Huh? Ngayon?"

'limang minuto'

Tumango ako at umakyat sa taas para makapagbihis. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Napamura ako. Nalimutan kong may kasama akong ibang nilalang dito.

Urh! Tanga kasi ako!

May narinig akong pagkatok sa pinto sa sala. Lumabas ako at bumaba.

"Teka lang!" Sigaw ko at nilinis muna ang kalat sa kusina. Nang natapos ay pinagbuksan ko ang kumatok.

"Baliw kana..." Bungad niya sa akin. Alam ko kung ano ang sasabihin niya. Tungkol ito sa nangyari sa school kanina.

Pumasok siya sa bahay at umupo sa sofa katabi ni Caspion. Tiningnan ako ni Caspion di ko nalang siya pinansin. Naalala ko ang ginawa niya sa akin kanina.

"Alam mo bang pinag uusapan ka ng mga tao sa campus, pati teacher ikaw ang topic. Salamat nga lang walang nakakaalam na pinsan tayo kasi pati reputasyon ko masisira." Sabi niya. Napayuko lang ako.

"Pasensya na. Anong kaylangan mo dito?"

"Well, sabi ni mama magpatingin kana daw." Sabay ngisi niya.

Tumango ako. Kahit na di ko naman yun gagawin.

"Then, dito muna ako matutulog."

"A-ano?" Di ko makapaniwalang tanong. Di naman kasi siya natutulog dito. "Di ka naman natutulog dito, ah."

Pagod lang niya akong tiningnan. "Titingnan ko kung baliw ka talaga." Tumayo siya at tumingin sa paligid. "O nagsasabi ka ng totoo." Seryoso niyang sabi.

"O sige. Doon ka nalang sa guest room."

Umiling siya. "No. Tabi tayo."

"Ha? Tatabi ka sa akin? May problena ka ba, Amy?"

Namutla siya. "W-wala."

"Kumain kana ba? Namumutla ka, eh..."

"Tapos na. Uhm..."

Tiningnan ko ang wall clock. "8:45 na. Matulog na tayo?"

"Huwag!" Biglang sigaw niya. "I mean... Mamaya na."

"Sige. Anong gagawin natin?" Umupo ako sa sofa na kaharap nung kanya na katabi ay si Caspion.

"Uhm..." Umupo muna siya. "Nakakita ka naba ng demon?" Sa tanong niyang yun napatingin agad ako kay Caspion na mukhang nakikinig sa amin.

"Uhm..." Nag aalin langan pa akong sumagot baka kasi mapagkamalan akong baliw. "Oo?"

"May nakikita kaba ngayon?" Seryoso niyang tanong pero di sa akin nakatingin.

"Uh... Oo."

"Nasaan siya?"

Tiningnan ko si Caspion na nasa tabi niya.

"Nasa tabi mo."

Huminga ng malalim si Amy. Na parang kinakalma ang sarili.

"Tama, nararamdaman ko." Sabi niya. Nagulat naman ako.

"Nakakaramdam karin?"

"Hindi. Hindi naman ako ganito." Tiningnan ako ni Amy diretso sa mata. Umiiyak siya. "Addi... Kaylangan ko ng tulong mo. Ewan ko kung yang nakikita mo ay ang dumadalaw sa akin sa panaginip pero ikaw lang ang mapupuntahan ko."

"Ano bang nangyari?"

"Gabi-gabi nalang may dumadalaw sa akin, I think demon siya kasi pula ang mata at gusto niyang makipag sex."

"Incubus..."

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon