Addison's POV
"Addi... Gusto ko dun. Halika na!" Sabay hila ni Jake sa akin papunta sa arcade.
Tumawa ako. Ang childish talaga ni Jake. Ngayon lang ba siya nakapunta dito? Pero baka mapagkamalan akong baliw nito kung tumatawa ako ng walang dahilan.
"Jake dahan-dahan lang sa pag hila. Haha." Bulong ko ng marating ang bump car.
"Sumakay tayo. Sige na!" Sabay hatak niya. Natawa nalang ako.
"Kukuha lang ako ng ticket." Bumili ako ng isang ticket at sa pagbalik ko wala na si Jake at si Caspion nalang. Hinanap ko si Jake sa paligid pero wala. Gusto kong tanungin si Caspion pero baka may makakita sa akin at sabihan pa ako ng baliw dahil sa pagsasalita na wala namang kausap.
"Hinahanap mo si Jake?" Tanong ni Caspion.
Pasimple akong tumango.
"Wala na siya, pinaalis ko." Nanlaki ang mata ko.
"Ano?! Ba't mo pinaalis?!" Napatakip agad ako ng bibig. Tumingin ako sa paligid at salamat wala namang nakakita.
"Tss..." At nag walk out siya. Ano nanaman ba problema nun? Nawala siya sa mga tao pero alam kong di siya makakalayo sa akin.
Umalis ako sa arcade. Kainis kasi itong si Caspion. Kaarawan kaya ni Jake. Haysst... Reregaluhan ko nalang si Jake.
Maghahanap napang ako dito ng pangregalo sa kanya. Ano kaya ang gusto ng mga multo? Ano kaya ang gusto ni Jake?
Pumunta ako sa mga laruan. Haha. Childish kasi siya pero iba naman kasi itong si Jake. Barbie kaya ang eregalo ko? Haha. Baka mapatay ako nun.
"Addison?"
Nag angat ako ng tingin sa tumawag sa akin. Si Via pala ito, kasama niya si Kate at Rose. Mga pinsan ko sila.
Ngumiti ako. "Hi..." Nahihiya kong bati.
"Oh... Ba't ka nandito? Di na ako nagulat na wala kang kasama." At tumawa sila. Saan doon ang nakakatawa? At may kasama ako kanina umalis lang. "Gaya ka parin ng dati weird ka. Pero bakit ganoon..." Nilagay niya ang kanyang daliri sa baba niya na tila nag iisip. "Bakit, marami akong naririnig tungkol sayo?"
"Ha?" Ano naman kaya yun?
"Huwag ka ng magmamaang-maangan may kaibigan ka daw na gwapo. Saan siya ngayon?" Panunuya nila. Napailing nalang ako, wala sila rito. "Loser ka parin. Wala ka talagang kaibigan. Ewan ko ba bakit naging ganoon ang chismis nila."
"Via, stop it. Alam naman natin na di totoo ang mga rumors. And Addison is weird baka siya ang gumawa ng rumors nayun." Sabi naman ni Rose.
"Oh my god, girls. Di ko talaga alam kong bakit naging pinsan natin tung weird na ito." Dagdag ni Kate at parang diring diri sa akin.
"Wait! Di ko matatanggap yan." Tumingin si Via sa akin at dahan dahang lumapit. "Di natin siya pinsan. Di ko matanggap na pinsan natin siya, for me she's just an adopted freak. Hindi siya isang Cameron nakakasira lang siya ng reputasyon ng pamilya."
~•~
"Nandito na ako." Sabi ko nang nakaapak na ako sa bahay.
Lumabas si Jake galing sa kusina.
"Ito, oh. Regalo ko. Pasensya na at pinaalis ka ni Caspion kahit na date dapat natin yun." Sabay ngiti ko.
Bigla nalang siyang namula. Ang cute niya pala pag namumula. Nahihiya niyang tinanggap ang regalo. "S-salamat... Nag abala kapa."
"Syempre mag aabala ako para sa pinakamamahal kong best friend." Umakyat na ako sa kwarto. Siya lang talaga ang kaibigan ko dito sa mundo. Si Jake di niya ako iiwan. Nang nasa kwarto na. Hinubad ko ang lahat mg damit ko at walang tinira. Pumunta ako sa banyo at nilublob ko ang sarili ko sa bath tub.
"Hindi siya isang Cameron nakakasira lang siya ng reputasyon ng pamilya."
Kusang pumatak ang mga luha ko. Tama ako. Mas maganda nga kung mamatay nalang ako. Tama sila nakakasira lang ako sa reputasyon ng pamilya.
Patuloy sa pag agus ang luha ko. Walang makakatanggap sa akin. At kung meron man si Jake lang yun. Lagi siyang nasa tabi ko at ayukong mawala siya.
Napakawala kong kwenta. Tama sila di ako isang Cameron di ko mapapantayan ang mga Cameron.
~•~
"Jake..." Tawag ko sa kanya. Nasa kusina siya at may ginagawa. Di ko pa nakikita si Caspion mula kanina.
"Bakit Addi?"
"Di mo naman ako iiwan diba?" Tanong ko sa kanya. Gulat siyang napatingin sa akin.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Syempre hindi." Sabay bigay niya ng matamis na ngiti.
Malungkot akong ngumiti. Wala akong pinagkakatiwalaan na tao o nilalang. Siya lang talaga.
Kinagat ko ang labi ko. "Pwede ba akong magpakamatay?"
Nanlaki ang mata niya at lumapit sa akin. Nilagay niya ang mga kamay niya sa mga braso ko at niyugyog ako. "Ano bang pinagsasasabi mo?! May nangyari ba?! Ano?! Ba't naman yan ang iniisip mo?!" Galit at halong pag aalala ang mukha niya.
"Mamamatay din naman ako diba?"
"Addi, naman! Ayaw mo naba sa akin! Gusto mo bang umalis na! Kung iniisip mong magkikita tayo kung mamamatay ka, pwes hindi! Ano bang pinag-iisip mo?" Naging kalmado ang boses siya sa pagkabanggit ng huling salita.
Wala akong masabi sa kanya. Naisip ko nalang kasi kanina. Siya ang nagtago ng susi at naghanap ako sa buong bahay hanggang sa nakita ko ang music box at sa pagbalik ko sa kwarto magkatabi na ang susi at music box. Ginagamit niya lang ba din ako?
"Sorry..." Mahina kong saad. Di ko alam kung bakit. Siguro dahil pinagdudahan ko ang pagkakaibigan namin.
Ngumiti si Jake. "Alam mo Addi, marami ka pang magagawa, may isang taon kapa para magawa ang lahat ng yun, huwag kang magpapakamatay o hihiling na sana mamatay kana." Hinawakan niya ang pisngi ko sa isang kamay niya at ang isa niyang kamay ay hinawakan ang kamay ko. "Ayoko ng makarinig ng ganyan mula sayo, ha. Kapag nakarinig pa ako niyan papalayasin kita dito."
"Bahay ko to."
"Dito ako nakatira."
~•~
Sa pag uusap naming yun naging panatag ako. Kaibigan ko si Jake at wala akong pakialam kung may huhusga sa akin dahil kaibigan ko ang isang multo.
Pero si Caspion di ko pa nakikita sabi ni Jake nasa paligid lang siya at nagmamasid.
Papasok na ako sa classroom nang may nabangga ako. "Sorry.." pagpapaumanhin niya.
Yumuko ako. "Pasensya na." Sabi ko din.
Nag angat siya ng tingin sa akin. Nanlaki ang mata niya. "Ikaw si Addison tama?"
"Uhm... Oo." Nahihiya kong sagot.
"Hi, ako pala si Annie." Ang cute niya. Naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko ito.
"Hello."
"Kita nalang tayo ulit. Male-late na kasi ako, hehe." Sabi niya at tumakbo papaalis.
Kumunot naman ang noo ko. "Oh..kay."

BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...