Addison's POV"Ayoko mumang pumunta sa school para mag aral. Dito muna ako at magpapahinga." Sabi ko kay Caspion.
Nasa sala kami at nanunuod ng TV. Mag mo-move on muna ako sa sinabi ko kay Caspion. Salamat naman at di siya nag open ng topic about don.
"Caspion, marunong kang magluto?"
"Hindi. Bakit?" Siya sana muna magluluto.
"Jake, marunong ka bang magluto?"
'magluto ka Addison huwag kang tamad'
Narinig kong tumawa si Caspion sa tabi ko. "Di naman tamad pagod lang."
'Napagod kaba sa ginawa niyo ni Caspion sa banyo?'
Namula naman ako doon. "Di mo kami nakita! Wala kang alam!"
'pero ginawa niyo?'
"Hindi! Ano ka bang multo ka?! Ano ba yang pinag iisip mo?!" Ramdam ko ang init sa magkabilang pisngi ko.
'pero-'
"Itigil mo na nga yang pinagsasasabi mo! Magluluto na ako!" Padabog akong tumayo at pumunta sa kusina.
"Huwag mo kasing galitin." Rinig kong sabi ni Caspion sabay tawa. "Alam mo namang inosente yung bata."
Teka, bata? Tingin niya bata pa ako? Lumabas ako sa kusina. "Hoy! Demonyo ka, di na ako bata at nabubuhay ako ng mag isa! Binubuhay ko ang sarili ko kaya di na ako bata!"
Mataman niya akong tiningnan. "Bata ka pa."
Nairita naman ako sa sinabi niya. "Kung bata pa ang tingin mo sa akin! Pwes, huwag na huwag mo akong hahalikan!" Sigaw ko bago pumasok sa kusina.
Natahimik naman siya. Napapikit nalang ako. Really? Really, Addison? Yun talaga ang sinabi mo? Halikan?
Napapadyak naman ako sa inis! Kainis talaga! Namula na tuloy ako. Pumunta ako sa ref at kumuha ng mga kailangan kong sangkap.
Hiniwa ko muna ang kakailangan. Habang naghihiwa ako may naramdaman akong yumakap sa likuran ko. Di ko yun pinansin at nagpatuloy lang sa paghiwa.
"Sorry..." Napahinto ako sa sinabi niya. Napatuwid ako sa pagtayo at may lalong humigpit ang yakap niya.
"Wow... Kaya mong mag sorry para sa halik..."
"Hindi naman..." Mahina niyang sabi. Ang noo niya ay nasa balikat ko.
"Nagso-sorry ka lang dahil ayaw mong magalit si Sariel sayo dahil nakikita mo siya sa akin." Nasaktan naman ako sa sinabi ko.
"Hindi naman sa ganoon..."
"Huwag kang magsinungaling." Kinagat ko ang labi ko dahil mukhang iiyak nanaman ako.
Naiisip ko palang na nagpapahalaga sila sa akin dahil nandito sa loob ng katawan ko ang kailangan nila ay nasasaktan ako.
"Ginagamit niyo lang ako..." Bulong ko. Nangilid na ang luha ko.
Ginagamit lang nila ako. Wala naman silang pagpapahalaga sa akin. Pinoprotektahan nila ako dahil kay Sariel, nasasabi nila ang mga sweet words sa akin dahil nakikita nila sa akin si Sariel.
"I hate you..." Bulong ko. Nabitiwan ko na ang kutsilyo dahil umiyak na ako. "Huwag kang maging mabait sa akin dahil nakikita mo si Sariel sa akin! Di ka naman ganito! Malapit mo nga akong patayin nun eh. Pareho lang kayo ni Azrael! Tama ka bata pa nga ako! Dahil di ko ito nakita nung una palang!"

BINABASA MO ANG
Devil's Love
Fantasy#1 PHANTOMHIVE SUCCESSION Isang nilalang nakakulong ng mahabang panahon sa isang music box. Ang music box na ito ay pagmamay ari ng isang inosenteng babae. Paano kung sa isang iglap nakalabas ang ang nilalang sa music box? at sa hindi inaasahang pag...