kabanata 12

296 21 0
                                    


Addison's POV

"Halika na." Sabay hila ni Caspion sa akin pababa ng stage.

"Huh? May limang kanta pa akong dapat kantahin..." Hinila niya ako. Papunta kami sa labasan. "Teka.." binawi ko ang kamay ko. "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Basta. Umalis na tayo."

"Ayoko." Mariin kong sabi.

"Addi..." Pagmamakaawa niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Tiningnan ko ang mata niya pula parin ito.

"Addison?" Napatingin ako tumawag.

"Jing..." Sabi ko.

"Hi, nanunuod kami kanina sayo kaya lang bigla kang bumaba." Makahulugan niyang tiningnan si Caspion sa gilid ko at bumalik sa akin. "Ito pala ang asawa ko." Pakilala niya sa babaeng katabi niya.

"Hi, ako pala si Kate." Naglahad siya ng kamay. Tinanggap ko naman ito.

"Addison." Pakilala ko. Kumunot naman ang noo ko. Asawa? Magkaedad lang kami ni Jing eh. Baka sa sobrang in love lang yan.

Inakbayan ako ni Caspion. "Uwi na tayo." Bulong niya na may halong pagmamakaawa.

"Aalis muna kami." Sabi ni Jing at umalis sila. Dumiretso naman ako sa restroom. Alam kong nakasunod siya.

Sinigurado kong walang tao sa restroom. Ni lock ko muna ang pinto. At hinarap si Caspion.

"Ano bang nangyayari sayo? Kaylangan kong magtrabaho para may pera ako panggastos." Saway ko sa kanya.

"Pwede bang bigyan mo ako ng limang minuto?" Puno ng lungkot ang mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha niya. Nabigla naman siya sa ginawa ko.

"May problema ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya. Bumilis naman ang pintig ng puso ko. Ano ba itong ginagawa niya sa akin?

Binaba niya ang kamay ko at pinagsalikop yun. Tiningnan ko ang mga kamay namin. Tamang tama lang ito.

"Di ako laging nandito..." Panimula niya. "At sa kantang mo yun. Di pwedeng lagi akong nandito..." Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Tawagin mo si Azrael."

"B-bakit?"

"Di ako pwedeng nandito. Masasaktan lang kita at... Bukas ay blue moon. Di ko makokontrol ang sarili ko kung lagi akong nandito."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Nawala sa isip ko."

Nawala sa isip niya? Pero gusto ko pa siyang makasama.

~•~

"Dito ka muna, pwede?" Tanong ko. Gusto na niya kasing umalis. In short gusto niyang tawagin ko si Azrael. At gusto ko siyang makasama.

Nandito na kami sa bahay. Matutulog na sana ako nang pinigilan niya ako para lang matawag si Azrael.

Umupo siya sa tabi ko. "Masasaktan ka kapag nandito ako." At ngayon ko lang naisip na ginagawa niya ito para kay Sariel. Ayaw niyang masaktan ako para kay Sariel. Ginagawa nila ito para kay Sariel.

Tumingala ako at huminga ako malalim dahil sa nararamdamang kirot sa dibdib ko. Kinagat ko ang labi ko at yumuko.

"Sige..." Humiga ako sa kama at tumalikod sa kanya. Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. "Azrael! Tinatawag kita!" Sabi ko habang di siya nililingon.

Kumawala ang hikbi sa bibig ko. Di ko alam ba't ako nagkakaganito. Napahawak aio sa dibdib ko. Ang sakit sakit.

"Addi... Ayos ka lang? May ginawa ba sayo si Caspion?" Tanong ni Azrael sa likuran ko.

"Umalis ka." Mariin kung utos.

"Pero-"

"ALIS!!" Sigaw ko. Naramdaman ko ang mga yapak niya papunta sa pinto at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto. "AAAAAHHHHHH!!!" Kumawala ang sigaw ko. Patuloy lang ako sa pag iyak.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan ang puso ko. Bakit ang sakit sakit nito?

~•~

"Salamat naman at nakalipas ang  dalawang linggo ay pumasok kana." Mataray na sabi ni Mitch sa pagkaupo ng pagkaupo ko sa upuan yan ang bumungad sa akin.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Lahat sila nakatingin sa akin.

"Diba kayo natatakot sa akin?"

"Well,  at least di ka nagsisinungaling. At nandito ba ang mga kaibigan mong multo?" Nalungkot naman ako. Wala sila.  Si Azrael nandito sa tabi ko. Si jake nagpaiwan. Siya daw bahala sa bahay o baka naman gusto niya lang talaga  magpaiwan dahil iniiwasan niya si Marky.

tiningnan ko si Azrael para malaman ko kung ano opinyon niya kung sasabihin ko ba o hindi. "Sabihin mo ang totoo para di kana nila saktan" saad ni Azrael.

"Oo nandito." sabay iwas ko ng tingin. nagulat ako ng tumili ang mga babae. Hindi dahil sa takot kundi kilig. Nagsilapitan sila at pinalibutan ako.

"Lalaki o babae?" tanong ni Mitch.

"lalaki..." at nagsitilian nanaman sila.

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon