kabanata 23

241 16 0
                                    

Third person point of view

Nagulat ang lahat lalong lalo na ang hari dahil sa natuklasan niyang pagbabago ng anak.

Lumitaw ang pakpak nito na kulay itim at lumitaw ang mga iitim na ugat sa katawan nito. Meron itong nanlilisik na mata na parang gustong gustong pumatay.

Mas ikinatakot nila ang malakas na enerhiya na nagmumula kay Caspion.

"Ama, di mo ako kilala..." Mariing saad ni Caspion habang dahan dahang lumalapit sa kanyang ama. Di nagpatinag ang hari at nanatili sa kanyang kinatatayuan na walang bakas ng takot sa mukha.

"Kilala kita, anak ko. Pero...ako ba? Kilala mo?" Sabay ngisi ng hari.

"Ama, akin na ang anak ko at walang mamamatay."

Tumawa ang hari na para bang isa itong nakakatawang biro.

"Di maari ang iyong kagustuhan, anak ko." Ngisi ng hari.

"Papatayin nalang kita." Sabi ni Caspion at ngumisi.

Lumitaw ang bolang apoy sa kamay niya at binato ito sa hari. Umilag naman ang hari at lumipad.

"Hinahamon mo talaga ako, anak ko." Umiling ang hari na parang maling mali talaga na kinalaban siya.

"Oo, aking ama." Para sa anak niya gagawin niya ang lahat maprotektahan lamang ito.

Tumawa ang hari. May lumitaw na mga bolang apoy sa likuran nito. Tinuro niya ang anak at kasabay nun ang pag ataki sabay sabay ng mga apoy kay Caspion.

Gumawa ng barrier si Caspion para di siya matamaan. Pero nasira agad ito sa sobrang rami ng apoy. Natamaan siya nito pero di siya nagpatalo. Gumawa siya ng isang malaking apoy at tinara sa kanyang ama. Sinundan niya ito ng mga maliliit na kulay asul na apoy. Tinira niya ito sa kanyang ama.

Nakailag ang hari kaya natamaan ang mga demonyo sa mga puno. Nagsiingay ang lahat at bumaba sa puno. Nagsimula silang magpakita galing sa pagtatago sa puno.

Sinugod nila si Caspion ng sabay sabay. Madali lang naman pinatumba ni Caspion ng sabay sabay ang mga demonyo.

~•~

Nagising si Addison sa lupa. Ayon sa naalala niya nasa bubong naman siya. At gayon nalang ang pagkabigla niya ng napagtantong nakakaalala na siya.

"Ayos kana ba ngayon?" Tanong ng isang boses. Tila isa itong musika sa kanyang tenga. Bumangon siya nang nakita ang isang magandang dilag sa kanyang harapan.

"S-sino ka?"

"Ako ang tagapangalaga ng Earth. Binabalanse ko ang mga tao, anghel at demonyo." Nilagpasan siya ng babae at muli itong nagsalita. "Pero ikaw, hija. Nasira mo ang balanse sa mundo."

Napatingin naman siya sa babae. "Paano mo naman nasabi?"

"Nang dahil sayo may nabuong bata na may lahing anghel at demonyo, nang dahil sayo ay tumira ang mga demonyo dito, nang dahil sayo nagkaroon ng digmaan."

Naakunot naman ang noo ni Addison at di pa maproseso ang lahat na nangyari.

"May pupuntahan tayo." Sabi ng boses. May pumalibot sa kanila na puting usok at sa pagkawala nito ay bumungad sa kanya ang mga demonyo at pinagtutulungan si Caspion. "Tulungan mo siya."

"Papaano? Isa lamang akong hamak na tao."

"Nakarinig ka naba sa katagang 'lahat ng magic may kapalit'" napatingin agad si Addison sa kanya dahil ito ang naalala niya bago siya nawalan ng malay

"Oo..."

"Matutulungan mo siya kung ang gagamitin mong katawan ay ang babaeng pinakaiinisan mo." Sabay ngiti ng babae na parang may kalokohang gagawin.

Napalunok naman ng wala sa oras si Addison. Makakapag katiwalaan kaya niya ang babaeng nasa tabi niya?

~•~

"Caspion!" Napatingin si Caspion sa gawi ng hari. Hawak hawak niya si Azi at nakapulupot ang braso ng hari sa leeg ni Azi, habang ang isa naman na kamay ng hari ay may dalang espada na nakatutok sa leeg ni Azi.

"Bitawan mo siya!"

Hinampas naman ng mga demonyo si Caspion sa likod habang di ito nakatingin. Napalayo si Caspion at lumipad. Di niya ininda ang sakit.

"Bitawan mo ang anak ko!"

"Para matapos nato! Papatayin ko na siya!" Nasa ere na ang espada na nakatutok kay Azi nang may espadang tumama sa kamay ng hari kaya nabitawan niya ang espada niya.

"Bitawan mo ang anak ko!!" Sigaw ng babaeng may pakpak at sinugod ang hari. May dala dala siyang espada at galit na sinugod ang hari.

"Isa nanamang salot!" Sigaw ng hari. Nagpalabas ng bolang apoy ang hari at tinapon ito sa babae. Agad naman itong naiwasan ng babae at kinuha si Azi. Niyakap niya ito at nilagay sa likod gaya ng piggyback. Pumunta siya kay Caspion.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Caspion. "S-sariel?" Tila nairita naman si Addison sa pinagsasasabi ni Caspion.

"Di ako si Sariel! Ano ba?! Pasensya na ah at wala dito ang pinakamamahal mo!" May sumugod na demonyo sa kanila nilabanan naman nila ito.

"Ikaw ba yan Addison?"

"Oo! Sorry dahil na- disappoint ka dahil wala dito si Sariel!" Sabay sipa ni Addison sa isang demonyong papalapit. Sinuntok naman niya ang kasunod. Dito niya nilabas ang pagkainis niya kay Caspion. Doon nalaman ni Caspion na bumalik na ang alaala ni Addison.

Patuloy naman sa paglaban si Caspion. "Pasensya na kamukha mo, eh! Masisisi mo ba ako?" Nagpuot ito. Binali ni Caspion ang leeg ng isang demonyo at tinapon ito sa iba pang demonyong paparating.

"Talaga lang, ha!" Hinarap niya si Caspion. "Nagseselos parin ako." Mariin niya sabi. Nagulat si Caspion sa sinabi ni Addison never pa kasing nagtapat si Addison na nakatingin sa kanya diretso sa mata.

Napatingin si Caspion sa likuran ni Addison. "Yuko!" Yumuko si Addison kasabay nun ang pagsipa ni Caspion sa likuran ni Addison. Tumayo ulit si Addi at nilabas ang espada.

"Papatayin ko sila." Mariin na saad ni Addi.

"Ano?" Tumalikod si Caspion sa kanya at pinaapoy ang kamay niya. "Eh, di kanga marunong pumatay ng daga! Ang mga daga sa bahay niyo dati di mo pinapatay kasi may puso at isip din sila."

"Ito may puso ba sila! Di ba wala? Ikaw may puso kaha, ha? Diba wala?! Kaya papatayin kita! Gago ka!" Nairita na si Addison kay Caspion dahil sa naalalang panggagamit nito sa kanya at wala itong puso dahil di man lang nasuklian ang pagmamahal niya.

Napahinto ang mga demonyo sa pagsugod ng sinugod mismo si Addison si Caspion. "Gago ka talaga!" Sinugod niya ai Caspion pero ilag lang ng ilag si Caspion.

"Ano ba, Addi? Tayo ang magkakampi dito!"

"Bumalik kana sa Sariel mo!!" Sigaw ni Addison.

"Mama... Tumigil kana. Nasasaktan na si papa." Bulong ni Azi sa likuran ni Addison. Bumalik naman sa katinuan si Addi.

"Eh, bwisit yang tatay mo, eh. Tatay mo ba talaga yan?"

"Addi!!" Niyakap siya ni Caspion at naramdaman nalang niyang bumibigat si Caspion.

Nakita niya sa likod nito ang isang espadang nakaturok. Napatingin siya sa pinanggagalingan ng espada. Sa hari ng mga demonyo.

"Ad...di.."

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon