kabanata 34

231 15 0
                                    

Addison's POV

Nangilid ang luha ko habang nakatingin sa kanyang nilahad niya ang braso niya. Lumapit agad ako sa kanya at umiyak sa dibdib niya.

"Caspion... M-miss na miss kita."

"Ako din, Addi." Bahagya siya lumayo. "Ang baby baka maipit." Napatawa ako.

"P-paano? Naaalala mo na ako?"

Tumango siya. "Si Kylie ang may gawa nito. Nasasaktan kana daw. Lagi ka nalang daw umiiyak." Sabay pahid niya sa luha ko.

"Syempre gusto ko rin namay happy ending kayo, noh!" Biglang sumulpot si Kylie sa likuran ni Caspion.

"Salamat, Kylie, pero 'bakit ngayon mo lang ginawa ito? Pwede mo palang gawin yun, eh."

Tumawa siya. "Sorry, akala ko kaya mo, eh. Pag ibig nga naman." Sabay iling niya. "Natapos na ang misyon ko." Malungkot niyang sabi.

Anong pinagsasasabi niya?

"Ano?"

"Ito ang misyon ko. Mabubuhay na ang anak ko. Misyon ko ang maging masaya ang isang komplikadong relasyon." Tumingin si Kylie sa mata ko. "Matutupad na ang pangarap mong magkaroon ng little Azi. Binalik ko lang naman kayo sa nakaraan para magkaroon kayo ng masayang pamumuhay, pero di ko madadala dito si Azi dahil di pa naman siya nabubuhay sa panahong ito. At ngayon ko lang binalik ang alaala ni Caspion dahil gusto kong makita kung totoo ba talaga ang pagmamahal mo sa kanya at mukhang nakita ko naman, lagi kang umiiyak, eh." Tumawa siya. "Masaya ako para sa inyo. Ito lang talaga ang paraan para mabago niyo ang tadhana niyo, kaylangan niyong bumalik sa nakaraan."

~•~

"Kanino ba yung bata?" Tanong ni Caspion. Nandito kami sa sala at nanunuod ng TV.

"Kay Kylie." Tumango siya.

'Addison, sino yan?' tanong ni Jake.

Napatingin ako kay Caspion. Narinig niya ba o nakikita niya ba si Jake.

"Caspion, nakikita mo ba si Jake?"

Napatingin siya sa akin. Umiling siya. "Hindi, kasi tao ako."

"Paano naman nangyari na naging tao ka?"

Nagkibit balikat siya. "Siguro dahil wala sa akin ang kapangyarihan ko at nandoon yun sa music box."

Tama ang music box. "Di ba yun pwedeng buksan?"

"Kapag binuksan yun magiging demonyo nanaman ako at babalik nanaman ang lahat." Napatango ako.

"Pero si Azrael di makakalabas."

Ngumisi siya. "Pabayaan mo yun." Pabiro ko siya hinampas sa dibdib.

"Ano ka ba? Tinulungan kaya tayo ni Azrael doon sa pakikipaglaban sa mga demonyo."

"Wala tayong magagawa doon, Addison." Tumingin siya sa akin at hinalikan ako ng mabilisan sa labi. "Gumawa na tayo ng little Azi?"

Tumawa ako at tiningnan siya ng seryoso. "Manigas ka." Tumayo ako at umakyat sa kwarto. Sa totoo lang gusto ko ng matulog. Dumiretso ako sa kama at humiga na. Pinikit ko ang mga mata ko at ninanamnam ang malambot na kama.

May kamay na humaplos baywang ko. At alam kong nasa likod ko na si Caspion. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan." Bulong niya. Napadilat ako, puno ng sensiridad ang salita niya. Hinalikan niya ang batok ko. "Alam kong gising ka."

Napakagat labi ako. "Mahal din kita." Mas lumapit siya sa akin.

Ginawaran niya ng maliliit na halik ang batok ko. Nanindig naman ang balihibo ko.

Ba't ba kasi ginagawa niya yan?

Bahagya akong lumayo sa kanya. Ayoko sa ginagawa niya. Alam kong gusto niyang may mangyari pero parang di pa ako handa.

Hinaplos niya ang hita ko. "Caspion, ano ba?" Saway ko.

"Akala ko ba gusto mong magkaanak?"

Napabuntong hininga ako. Humarap ako sa kanya.  "Pagod lang ako." Pumikit ako. Ramdam ko ang titig niya kaya napadilat ako muli.

Umiling ako at hinalikan siya sa labi. "Mahal na mahal kita." Hinalikan ko siya ulit. "Pasensya na pagod lang talaga ako." At isa pang mabilis na halik ang ginawad ko sa kanya bago ako humiga ng maayos at pumikit.

~•~

Nagising ako sa tunog ng isang cellphone. Cellphone? Sino naman ang nagdala ng cellphone dito? Sa pagkakaalala ko wala akong cellphone sa panahon na ito. Dinilat ko ang mata ko.

Naramdaman ko ang bigat ng kamay ni Caspion sa baywang ko. Inabot ko ang cellphone. Sa kanya ba ito?

Tiningnan ko ang screen dahil patuloy ito sa pagtunog.

Nairita naman ako sa nakita kong pangalan sa screen.

Mitch...

Napatingin ako kay Caspion. Tulog parin ito. Tiningnan ko ang oras sa cellphone at 12:47am palang!

Ano bang iniisip ng babaeng ito at tumatawag?!

Tumigil sa pagtunog ang cellphone, ilalagay ko sana pabalik sa lamesa pero tumunog nanaman ito.

Sa sobrang irita ko. Kinuha ko ang cellphone at pinindot ang answer.

Nilagay ko sa tenga ang cellphone at hinintay magsalita si Mitch.

"A-azi, p-please puntahan mo ako dito sa bahay... Di ko kayang mawala ka..." Rinig ko ang paghagulhol niya. "A-azi... Ayokong maghiwalay tayo..."

Biglang may umagaw sa cellphone at nakita ko si Caspion na nasa tenga ang cellphone.

"Pwede ba, Mitch? Tigilan mo na ako. May asawa't anak na ako." Tumigil siya sandali. "Di na mahalaga kung sino yun, basta asawa ko siya." At hinagis niya sa pader ang cellphone kaya nabasag ito.

"Caspion! Ang sayang..."

Napailing siya at hinila ako pahiga sa kama. Niyakap niya ako.

"Para di na tumawag ang babaeng yun, lagi nalang yung tumatawag at madaling araw pa talaga. Tulog na tayo, asawa ko." Nanindig naman ang balihibo ko. Ba't ba ganito ang reaksyon ko?

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon