kabanata 19

258 15 0
                                    

Addison's POV

Nasundan ko ang kalesa na sinakyan ni Azi at nung babae. Tumigil sila sa isang mansyon. Ito ang unang mansyong nakita ko sa lugar na ito, puro maliliit na bahay lang kasi ang nakita ko at ngayon nandito ako sa puno para makamakatalin sa pader.

Nakita ko si Azi sa isang bintana, sumunod sa kanya ang kanyang ina. Lumuhod ang ina niya at parang may sinabi ito kay Azi at umalis.

Parang di naman masamang tao ang ina niya. Di naman siya sinaktan mukhang pinagsabihan lang. Pero kung maka iyak siya kanina mukhang tinu-torture siya

Baka naman naghahanap ng kalinga ng isang ina?

Tumalon ako sa bintana at pumasok sa loob. Nilibot ko ang tingin ko. Mas malaki pa ang kwarto niya kaysa sa kwarto ko na tinulugan niya. Binibiro ba ako ng batang yun? Nakita naman niya na ang liit lang ng bahay namin pagkatapos magkatabi lang kami natulog, itong kwarto niya napakalaki at siguradong mayaman ang ina niya.

"Mama!" Sigaw niya. Nasa kama siya at may binabasa.

"Sshh..." Nilagay ko ang hintuturo ko sa bibig ko para matahimik lang siya. Nilagay niya ang kamay niya sa bibig at tumango. "Masaya ka ba na makita ako?" Nakangiti kong tanong. Tumango siya at tumakbo para mayakap ako.

Humagihik siya. "Babawiin mo na ba ako mama?" Tanong niya. Umupo ako sa kama at nilagay ko siya sa hita ko.

"Uh... Pasensya na Azi nandito ako para linawin sayo na hindi ako ang mama mo." Umiling agad siya at nakita ko ang pangingilid ng luha niya.

"Mama... Ikaw ang mama ko..." Malungkot nyang sabi.

Umiling ako. "Baka kamukha ko lang." Sabi ko naman at hinaplos ang buhok niya.

"Ikaw yun. Sinabi ni papa, Addison daw ang pangalan ng mama ko." Saad niya.

"Madaming Addison sa mundo... Ba't naman sa tingin mo ako yun?" Malambing kong tanong. Hinawakan niya ang mukha ko.

"Tingnan mo ako sa mata." Utos niya. Tiningnan ko siya sa mata, sa maganda niyang mata.

Tinitigan ko yun hanggang sa may nakita ako. Imbes na repleksyon ko ay isang babaeng binigay ang isang sanggol sa isang babae. Di ko makita ang mukha ng mga babae.

"Alagaan mo si Addison..."

"Oo naman..."

Biglang pumasok sa isip ko ang mga katagang yun at parang narinig ko ang boses na yun. Kung di ako nagkamali ang isang boses doon ay kay Jake.

Pumikit ako at iniling na lang yun. Mataman kong tiningnan si Azi.

"Azi, nasaan ang papa mo? Baka nagkamali lang siya..." Umiling nanaman siya.

"Papatunayan ko sayo na ikaw ang mama ko." Tiningnan ko ang oras.

"Azi, kaylangan ko ng umalis." Pagpapaalam ko.

"Ha? Babalik ka paba?"

"Depende." Inupo ko siya sa kama at pumunta na sa bintana. "paalam Azi." Tumalon ako sa punong nakakonekta sa pader. At tinalon ko nanaman ang kabila.

Nang nasa kalsada na ako ay tumakbo na ako papalayo. Habang tumatakbo ako may humawak sa braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo sa kwarto ng anak ko?" Malamig niyang tanong. Kwarto? Anak?

"Anak mo si Azi?" Di niya ako sinagot at mas lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa puntong nasasaktan na ako. "Ano ba?! Nasasaktan na ako, ah!"

"Ba't ka galing sa kwarto ng anak ko?" Sino ba ito? Anak niya si Azi? Ibig sabihin siya ang papa?

"Teka, ikaw yung nagsabi kay Azi na ako ang mama niya diba? Kung anak mo si Azi, ikaw ang tatay, tama?!" Dinuro ko siya. "Hoy! Ikaw lalaki. Harapin mo yung anak mo, dahil naghahanap siya ng kalinga ng isang nanay kahit meron naman siya. At ano yung pinagsasasabi mo sa anak mo na ako ang mama niya, ha?! Kung ano-ano ang tinuturo mo sa bata! Napagkamalan pa niya ang sarili niya na demonyo! Baka tinatawag mo siyang demonyo kaya ganoon!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.

Imbes na magalit siya sa sinabi ko, sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Ayaw mo ba maging ina ng bata?" Nakangiti niyang tanong. Nagalit naman ako sa sinabi niya. Ibibigay niya ba ang anak niya?

"Bakit ibibigay mo ang anak mo?" Naghahamon kong tanong.

"Hindi. Gagawin kitang misis ko para maging anak mo din siya." Nagalit ako sa sinabi niya pero di ako nagpahalata. Binigayan ko siya ng sarkastikong ngiti.

"Alam mo, pwede rin." Nilagay ko ang kamay ko sa batok niya. Kinuha ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nilagay sa likod ng ulo niya. "Kaya lang..." Hinila ko ababa ang ulo niya at sinipa ang mukha niya gamit ang tuhod ko. "Bastos ka." Tinulak ko siya at napaupo naman siya sa sahig habang hawak hawak ang mukha niya. "May ina na nga ang bata, may asawa kana! humahanap ka pa ng isa. Playboy!" Sigaw ko at tumakbo na papalayo sa kanya.

Nadaanan ko ang mga iilang tindahan. Hanggang sa makauwi ako. Pumasok ako sa loob at padabog na sinarado ang pinto.

"Oh? Ayos ka lang?" Bungad na tanong ni Annie.

"Yup." Bumuntong hininga ako.

"Sigurado ka?"

"Oo naman." Dumiretso ako sa kwarto at doon nahiga. Tinitigan ko ang kisame hanggang sa antokin ako at natulog.

Nagising ako sa pag uusap sa labas. Di ko sana papansinin nang narinig ko ang pangalan ko at nakarinig ng pamilyar na boses.

Dahan dahan akong bumangon at pumunta sa pinto. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto.

"Gusto ko na siyang kunin!" Sigaw ng isang lalaki. Na mukhang pamilyar.

"Ano?! Nahihibang ka naba?! Alam mo kung ano ang mangyayari kong kukunin mo siya!" Boses ni Jake yun. Galit na galit siya.

"Gusto ko ng mabuo ang pamilya namin!"

"Ede, isipin mo muna ang kapakanan nila!"

"Guys, kalma lang tayo, ah. Baka magising si Addi napakalakas pa naman ng pandinig nun." Rinig kong sabi ni Annie na malamang ay pipakalma ang dalawang lalaki.

Sinong pinag uusapan nila?

"Di mo kukunin si Addi." Mariing saad ni Jake. Ba't ako nasali?

"Oo hindi, pero di ko siya mapipigilan na lumapit sa anak namin." Anak namin? Napaawang ang bibig ko. Ano bang pinag uusapan nila?

"Si Azi ang lumapit sa kanya."

"Maglalapit at maglalapit sila dahil mag ina sila diba? Magkadugo sila. Kaya di mo mapipigilan ang anak namin na kumatok dito at hanapin ang kanyang ina."

"Pagsabihan mo yang anak mo na huwag ng pumunta dito dahil mapapahamak si Addi-"

"Di ko yun mapipigilan. Si Addi na nga mismo nagsabi sa akin na naghahanap ang bata ng kalinga ng isang ina."

Binuksan ko ang pinto. Napatingin sila sa akin. Sinara ko ang pinto sa likuran ko at doon sumandal. Natahimik sila at mataman akong tiningnan.

"Ipagpatuloy niyo. Isipin niyo nalang na wala ako dito. Na di ko narinig ang lahat ng mga pinagsasasabi niyo kanina pa." Malamig kong sabi. Napatingin ako sa isang lalaki.

Nanlaki ang mata ko dahil ang lalaking nasa harap ko ngayon ay ang lalaki kanina.

Devil's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon